SIMULA♤°

52 43 5
                                    

"Charles tara sa underground tayo ang boring dito e" anyaya ko habang nakalagay an
g dalawang kamay sa ulo at  buryong buryo na.

Andito kaming magtrotropa sa bahay nila Charles wala dito ang parents nya dahil nasa business trip parati at kung uuwi man ay saglit lang din  kaya dito ang tambayan namin.

Kababata  ko si Charles at ang magkapatid na Dwen at Aera. Sa tutuusin nyan sila lang talaga ang kaibigan ko dati pa at hanggang ngayun na naging high school kami, simula ng 2rd year namin naging barumbado si Charles at mahilig nang makipag away, ako naman ay naging suwail na anak kaya parati akong napapagalitan ng parents ko at kinukumpara sa iba.

Nung tumungtung kami sa 3rd year high school naisipan namin ni Charles na gumawa ng Grupo nasabi namin yun sa magkapatid sinuportahan naman nila ang plano namin at sumali na din.

Tatlo lang ang babae ang nakapasok sa grupo namin kasali na ako doon at meron kaming mahigit kinse na lalaki. Lahat nang nagiging kasali kasi sa grupo namin ay may kanya kanyang kakayahan sa pakikipag laban at matatalino.

Nung napapansin ng parents ko na parati lalaki ang mga tropa ko na dumadalaw sa bahay namin tinatanong nila ako kung one of the boys ba ako o gusto ko bang mag tumboy. 

Straight naman ako at hindi ako tumboy pero mas gusto ko ang mga lalaking kaibigan kaysa sa babae kasi para sa akin kapag  lalaki ang mga kaibigan mo hindi sila maiingit o plaplastikin ka, pili at bilang sa daliri ang  matalik kong kaibigan na babae kung tutuusin nga hindi mo  na kaylangang bilangin dahil dalawa lang naman sila.

Dahil sa parating lalaki ang mga kasama namin nila Aera kahit sa school ay  hindi mawawala yung mga babaeng nagkakagusto dito sa mga kaibigan naming lalaki  na tatawagin akong o kaming malandi dahil nakapaligid sa amin ang puro lalaking kasali sa grupo o yung mga crush nila.

"Oo nga Charles makipag pustahan na lang tayo doon" pag kukumbinsi din ni Aera

Si Aera ang kanang kamay ko at si Dwen naman ang kay Charles. Dahil kami ang founder ng Grupo kaylangang magpapaalam sa aming dalawa kung may gustong  pumunta sa underground dahil dilikado ang lugar na yon.

Walang nagawa si Charles kung hindi umakyat sa kwarto nya at magbihis, bago sya bumaba pinaready ko na kay Dwen ang gagamitin naming sasakyan at nagpasama ako kay Aera sa isang secret room at kumuha ng revolver at nilagay sa pocket gun na nakalagay sa hita ko

"Meron na ba sila?" Tanong ko dito alam nya naman ang tinutukoy ko kaya tumango sya at sinarado ang pinto.

"Parating handa yung mga mukong na yun" ani niya.

Pagkalabas namin dumaan muna kami sa kusina para kumuha ng isang bote ng mineral water.

"Bree!?" Rinig kong tawag ni Charles, hinahanap siguro ako nun. Tumakbo ako palabas ng kusina at pumunta sa kanya baka kasi may mahalagang sasabihin.

"Oh? Anyare?" Nakataas kilay kung tanong sabay inom ng tubig.

" Wala akala ko umuwi ka pa at nagpaalam sa kapatid mo" aniya sabay tawa ganun kasi ako dati dahil close kami ng kapatid ko nagpapaalam ako sa kanya kung saan man ako pupunta.

"Gago ka ba? Di ako papayagan nun kung malamang sa underground ang punta ko, bobo amputa!" Sabay batok ko sa kanya , tumawa lang ito at umakbay sa akin.

"Let's go" seryosong ani ni Charles.

Mahigit isang buwan na rin ng nagpunta kami sa underground naging busy din kasi kami sa school hindi naman porket mga basagulero at lokoloko halos lahat ng kasali sa grupo namin ay pinapabayaan na ang pag aaral meron din naman kaming pangarap no.

Love Me AloneWhere stories live. Discover now