DISCLAIMER: this is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events, locales, and incidents are either the product of author's imagination. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
It might have typographical ang grammatical errors. Sorry bagohan si author ei, pasentabi na lang po hehe.
-------------------------------------------
Umuukit ako ng letra
sa ilalim ng puno ng Narra
Mataas ang tirik ng araw
At pawis ko'y tumatagaktak,
Hindi ininda ang luhang pumapatak sa matang lugmok at makikita ang hirap.
Tinapos kong ukitin ang letra ng kay hirap, mabagal at may pait, tila ayaw kong tapusin at panatilihin na lamang sa unang letra, kay sakit palang ukitin ang pangalan ng taong inibig mo ngunit iniwan ka.
Para saan pa ang pag ukit ko sa pangalan mo kung hindi mo rin makikita. Para saan pa ang pag ibig ko kung ito'y winasak na, para saan pa ang pag ukit ko sa pangalan mong nakatatak na sa isipan kong gustong mabura at palitan ng bagong memorya na hindi kana kasama.
Siguro'y ito na, ang huli kong pag ukit sa pangalan mo, ito na ang huli kong gagawin para sayo, ito na ang huli kong pagbalik tanaw sa pangalan mo! Ito na huli upang banggitin ang minahal kong pangalan mo Amora.
BINABASA MO ANG
The Burden Words (COMPLETE)
PoetryPaano babangon kung ubos na ubos kana? Damdami'y hindi na mahalaga, ang isipan ay lumulutang, hindi alam kung ano ang tatanglawan sa liwanag na hindi matagpuan. Mahahanap ba? Mahahawakan ba? O hanggang kisap mata na lamang kita.