Iiyak mo lang, hayaan mo ang sarili mong maging malungkot, hayaan mo ang sarili mong mapagod, wag mong kalimutan ang pait ng nakaraan bagkos bumangon ka, gamitin mo iyon para maging sandata!
Magpatuloy ka sa pag-ahon sa dagat ng luha, ngumiti ka mula sa lungkot ng kahapon. Tumayo ka at magpatuloy sa paglalakad at kapag nakarating ka sa pinto ng kasiyahan, lumingon ka sa iyong pinanggalingan at kumaway sa lahat ng hirap ng iyong pinagdaan.
Buksan mo ang pinto! Sa pagkakataon ito'y isara mo na at magiging parte na lamang ito ng iyong memorya.
_____________________________
BINABASA MO ANG
The Burden Words (COMPLETE)
PoetryPaano babangon kung ubos na ubos kana? Damdami'y hindi na mahalaga, ang isipan ay lumulutang, hindi alam kung ano ang tatanglawan sa liwanag na hindi matagpuan. Mahahanap ba? Mahahawakan ba? O hanggang kisap mata na lamang kita.