His POV:
Ang mga babae magulo ang utak. sala sa init sala sa lamig. Ang hirap timplahin. Laging may topak. Di mo mabasa kung anong gusto. Sasabihin "wag na" yun pala gusto nyang gawin mo. Tatanungin mo kung "may problema ba?" sasabihin "wala" yun pala galit na. Hay. Ang gulo ang sakit sa utak. Di naman kami mga manghuhula. Pero bat laging read between the lines ang mga sinasabi nyo?
Kaso wala e. Di rin naman namin kayo matiis. Mahal namin kayo e. Kaya iniintindi nalang namin. Kaso ano? Wala lang sa inyo. Kayo pang galit.
Ginawa ng isa kasalanan na naming lahat. Nangbabae lang si ganyan lahat na ng lalake sa mundo babaero na.
Sa ganyang paraan kami nagbreak ni Aiah. Or break ba talaga yon? Pagkatapos kasi nung graduation. Hindi na sya nagparamdam. Ang labo di ba? Di man lang nagsabi. Maayos naman kami bago yun. O para lang sa akin yon? Tinatanong ko sya kung bakit wala naman daw. Tapos bigla nalang nang-iwan.
"Haha. Bro beer dapat hindi sweets. Para ka namang babae nyan e"
"Wag ka makialam bro. Buhay ko to" ano naman mapapala ko sa beer? E nakakalaki lang ng tyan yun. Masisira pa buhay ko. Ts
"Fine. chill lang bro. Punta nalang tayong bar. Dun madaming chicks. Siguradong makakalimutan mo sya"
"Ayoko"
"Sige na bro. Habang umpisa pa lang ng klase. Sigurado nextweek. Busy na"
"Ows? Nag-aaral ka pala"
"Syempre naman no. Dagdag points sa mga chicks ung matalino e. Hehe. Sige 9 ok? Pupunta ako sa inyo. Ung kotse mo nalang. Sige una na ko. Late na ko e"
"Ok"
"Yes! Sabi mo yan ah. 'Ok' "
"No. I mean.."
"Bye!"
ts. Baliw talaga. Siya nga pala si Zinc pinsan ko. Babaero yun. Isa sya sa mga may kasalanan kung bakit lahat na ng lalake e babaero na. And ako? I'm Atom Hernandez. 2nd year. Galing akong AUF. Pero nagloko ako. Kaya yun pinatapon ako dito. Syempre supportive ang barkada kaya sinundan ako. Joke. Mas nauna silang pinatapon dito. Mga taga-manila nga ung mga yun e.*sigh*
Ano na bang oras?
1:40 ?! O_o
Sheet of paper.Late na ko.
Kinuha ko ang bag ko. At lumabas na sa cafeteria. Pero may babaeng haharang harang sa daan kaya natapon tuloy yung ice cream ko.
Ts. At dahil gentleman pa naman ako, ako na tong nagsorry. Nahiya naman ako sa kanya. Kahit sya naman tong paharang harang. Ts. Late na talaga ko. Kaya pinabayaan ko na at tumakbo na paalis.
"Hoy! Bumalik ka dito!"
Kaasar. Sya pa may ganang sumigaw. Maghintay ka lang. May araw ka din. Ts. Kailangan mong pagbayaran ang ice cream ko.
Engot.
BINABASA MO ANG
Off: To Be A Damsel In Distress
Teen FictionThe truth? Reality sucks. This is a story about a girl who named Yashwina who realized that there is no happily ever after. It's on the process where you can find happiness.