JOURNEY 16

21 2 19
                                        

Chapter 16

Face

'Stop it Narizzalyn! Three days mo lang naman siyang hindi nakausap miss mo na kaagad?'

Sabi ng kabilang isip ko pero sa kabilang banda, naisip ko hindi lang naman tatlong araw ko siyang hindi nakausap.

But knowing that he's Vans at base sa kakapuranggit kong memorya, ibig sabihin matagal ko na siyang hindi nakikita.

His real face, voice and such... ramdam kong mahalaga siya sa akin, sa buhay ko.

"What are you staring at? Sagutin mo ako, Riz."

At ang pagtawag niya sa akin ng ganyang pangalan, I kind of feel that he used to call me in that name in real world before.

"Ah, ano... nature call! Oo sobrang hindi ko na kasi kaya no'n kaya tumakbo na ako."

Napapikit ako after kong sabihin iyon. Is that a good alibi? I groaned, parang hindi kasi nanliit ang mata niya sa akin.

I bit my lips at nilagay sa likod ang kamay ko.

"Hmmn, nature call. Pero alam mo naman na magbabago ang scence kapag lumayo ka 'diba?"

"Yes, pero at least nawala, so parang nailabas ko... na rin." Tumikhim ako, it feels awkward na pinag-uusapan namin iyon. Bakit pa kasi iyon ang naisip kong idahilan? Well, iyon talaga ang unang pumasok sa isip ko eh.

"Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin? I could escort you sa restroom."

Unti unti namang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What? Tapos ano? Siyempre kailangan makita pa rin natin ang isa't isa kung hindi mababago rin ang scene and magagawa mo lang iyon kung papasok ka sa loob, and no way I could let that happen!" Medyo hysterical kong sunod sunod na sinabi sakanya. Huminga ako ng malalim nang matapos ako sa pagsasalita.

Medyo natawa siya doon at tumikhim. "I know.. my bad, sorry. Hindi ko naisip iyon," sagot niya at ngumiti pa sa akin.

Tumango nalang naman ako sakanya at pinagmasdan ang langit. Tirik na ang araw pero hindi gaanong mainit. Ganito rin kaya sa real world?

"So... kamusta si Vans? Hindi ka pa rin naaalala?"

Bahagya akong natigilan sa tinanong niya. I pursed my lips at dumako ang tingin kay Vann na nakahinto at sakanya ulit.

Dahan dahan akong tumango.

"Yes," tipid kong sinabi sakanya. Mas mabuti na iyon nalang muna ang alam niya sa ngayon.

There are two reasons why I can't say to him directly na alam ko na... na siya Vans. First, I still feel embarass and second, dahil sa pagtatampo sakanya kung bakit hindi niya rin kaagad sinabi sa akin. He even pretended at sumangayon lang sa akin na si Vann ay si Vans.

Feeling ko ginawa niya akong tanga sa part na iyon. So as a little punishment, hindi ko muna sasabihin. Bahala muna siya na isipin na si Vann pa rin ang pinaghihinalaan kong si Vans.

"Ahm, meron ka bang alam na peaceful places dito? Mukhang maaga pa naman? Gusto ko lang mag relax ng mind," I diverted the topic.

Pero honestly, gusto ko rin kasi siyang makabonding. Baka biglang may mag appear na sudden memories sa akin.

Pansin ko nga, kasama ko siya noon nang may mga naalala akong memorya. I guess ma'am Elice is really right that the person who's going to help me bring my memories back is Vans.

Nagtataka ako, bakit nga ba kasi nawala ang memories ko? Wala naman akong naaalala na naaksidente ako? Pero nabanggit din ni Leon, I mean Vans sa akin na nawalan din siya ng memories pero bumalik na rin naman.

Journey Inside (Stand Alone)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon