Late.
"HAHAHA, tanga mo kasi!" Tawang-tawa si Zairus habang tinatawanan ako sa sitwasyon ko.
"Gago! Tulungan mo ako dito, patay ka talaga sakin pag naka-alis ako dito!" Gigil kong sigaw.
Hay nako! Isipin mo naman, pupunta kami sa birthday ni Damien, tropa namin, eh nabuslot ako sa kanal?! Ang baho! Ang dumi! Higit sa lahat, ang sakit ng legs ko at waist ko sa pag kaka-buslot! Itong gunggong kong best friend na si Zairus, AYAW AKONG TULUNGAN SA HALIP AY TUMAWA PA!
Mangiyak-iyak na ko bago niya ako matulungan. Kung isa akong lambuting babae, tiyak nahulog na talaga ko. Nang maiangat niya ako, agad si Zairus nag-kubre ng mukha at konting bahagi ng kaniyang tiyan dahil alam niyang bubugbugin ko siya!
"Hayop ka, muntik na kong malaglag ng tuluyan don!" Sigaw ko habang sina-sabunutan ang kaniyang kulot na buhok.
"HAHAHA! Sorry na! Aray ko! Masakit na, tama na!" Pihagak ng paiyak si Zairus.
"Oh? Patawa-tawa ka pa, ha? Wag ka iiyak!" Pang aasar ko.
"Wag kang mabubuslot sa kanal." Ganti niya sabay tumakbo na palayo, at hinabol ko siya.
"Ulo mo, gago ka! Kakatapos mo lang magpa-check up." Sigaw ni Zairus habang natakbo.
I don't know what had happened, but they told me that 2 years ago, I got into a car crash. They said that I must protect my head because it would be dangerous if anything happens again. Then last week, I slipped while I was taking a shower, and hit my head on the wall. Of course, my mom took me to the Hospital.
Nang mapagod kami, umupo na lang kami sa tabi ng daan. Dahil nga marumi na ang pantalon ko, hindi na kami tumuloy sa party ni Damien.
"Chat mo s'ya. Baka mag tampo pa 'yon.
Hindi ako maalam mang suyo." Sabi ko habang hinihilot ang aking leeg."Sige... Na sa iyo ba phone ko?" Tanong ni Zairus habang kinakapkap ang kaniyang pantalon at bag.
"Ha? Eh 'di ba, inilagay mo 'yon sa likod ng bulsa mo kanina?" Sambit ko. Napansin kong hindi siya nagbibiro kaya nagsimula na rin akong mag halikwat sa bag at pantalon ko. Ilang minuto na ang nakalipas, hindi parin namin ito mahanap. Kitang-kita na namumutla na si Zairus at pinag papawisan na.
"Huy, gago. Ayos ka lang?" Tapik ko sa balikat niya habang tahimik lang siyang nag hahanap.
"Hindi. Kakabili lang sa akin 'non ni Mama." Nerbyos niyang sagot habang patuloy parin ang pag hahanap sa nawawalang phone niya.
"Tatawagan ko, wait lang." Hinugot ko ang phone ko sa aking bulsa at agad tinawagan ang cell phone niya.
"Gagi, nag ri-ring naman e. Kaso walang nasagot." Sabi ko at sinubukang tawagan ulit. Nanginginig na sa takot, sinubukan niya parin talagang hanapin.
-RING RING RING-
"Uy, natawag si Ate. Sagutin ko lang, ha?" Paalam ko at lumayo muna.
"Ate? Bakit ka napatawag?"
"COME TO THE ST. CAMILLUS HOSPITAL, ROOM 201, QUICKLY!"
"Ha? Bakit? Kasama ko pa si Zairus e. May hinahanap pa kami." May kung anong bumagabag agad sa isip ko.
Hindi ko rin alam, ngunit kinabahan ang puso ko. Kalma. Bawal akong kabahan at mataranta. Sa pagka-kaba ko, dumagil sa isipan ko si Papa. Hindi ko ito gusto. Bakit? Bakit, anong meron?
"PLEASE, PAPA NEEDS YOU!"
Hindi agad mag proseso sa utak ko ang sinabi ni ate. Ano raw? Si papa? Anong nangyari?
"Ha? B-bakit?" Nanlalamig na ang pawis ko.
"HE WAS RUSHED TO THE HOSPITAL EARLIER! HE HAD A HEART ATTACK
AND-"-TOOT TOOT TOOT-
"Huy, nahanap ko na nasa may bulsa lang pala ng bag-" Agad lumapit sa akin si Zairus at hinawakan ako sa aking balikat.
"Bakit ka umiiyak? Kausapin mo ko." Mahinahon niyang sambit.
"Zai, s-si Papa.." Hagulhol ko.
"A-Anong nangyari kay tito?" Napahigpit lalo ang hawak niya sa akin. Nanginginig, kinakabahan at natatakot siya.
"Nasa ospital, inatake sa puso si Papa kanina-" Agad siyang nag para ng tricycle at hinila ako papasok sa loob at sinabi ko agad kung saang ospital. Hinawakan ni Zairus ang kamay ko at napansin kong maluha luha na rin siya.
"Shhh... It's going to be alright. Ayos lang si tito." Pag papatahan niya sa akin kahit alam kong maya maya pa ay iiyak na rin siya.
Nang makarating kami sa ospital, agad kaming tumakbo at tumakbo papunta sa Room 201. Hahawakan ko pa lamang ang door knob, may narinig agad akong hagulhol sa loob.
Was I too late?
"PAPA!" Hagulhol ng aking ate habang kinakalog pa ang katawan ni Papa.
Para akong na-istatwa sa aking nakikita. "Papa?" Agad akong lumapit sa kama at hinawakan ang mukha ni Papa. Isang maputla at malamig na katawan ang bumungad sa akin. Nanginginig, kinaya ko paring makatayo ng ayos.
"ANG ASAWA KO!" Hagulhol ng aking Mama na ngayo'y naglulupagi na sa sahig. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng masilayan ko ang itsura ng lahat ng tao sa loob ng kwarto. Ang bunso kong kapatid ay nagwawala sa tabi ni ate, si ate na humahagulhol, si mama na nag lulupagi at paulit-ulit hinihiyaw ang pangalan ni papa, si tita na naiyak, at si Zairus na humahagulhol sa tabi ng pintuan.
"Pa? Gising ka na, please? Nadito na ako, oh? Sabi mo kahapon, ipagluluto mo ko ng sinigang, 'di ba? Pa, gutom na yung anak mo, oh? Gising na, please? Pa... Pa... Papa!" Hiyaw ko at tinigil ang pag kalog sa aking ama.
"Pa... Papa... Sorry. Sorry kasi wala ako sa tabi mo... kanina. Papa, gumising ka na, please? Birthday ko na sa isang linggo, eh. Ang daya mo naman, Pa! Debut ko na 'yon, eh! Pa, bakit ka agad umalis? Pa, last dance pa kita. Gising ka na, pa. Papa, I love you. I love you. I... Love... You-"
Suddenly, my vision turned black. I'm chasing my breath, my heart is aching, I can't cry anymore. I then saw my family, my friend and aunt, who were immediately shocked. The last thing I remember, is that I passed out.
RAXXia.
BINABASA MO ANG
Six Feet Below [COMPLETED]
RomanceAfter all the struggles she has been through, he was there to guide her.