Chapter 18

2K 143 10
                                    

SHAUN POV

Simula nang ibigay sa akin ni Blake ang teddy bear ay hindi ko na ito pinakawalan sa aking bisig. Kaya lahat ng aming binili ay kaniyang binubuhat.

Papasok na kami sa kotse niya nang biglang mag-ring ang kaniyang telepono. Dali-dali niya itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay sinagot niya ito.

"Hello?"

"What?"

"Why you didn't tell me?"

"Okay, I'm coming."

"Bye."

Nang matapos ang tawag ay muli niyang binitbit ang aming mga binili. Nilagay niya ito sa likod ng kotse at binuksan ang pintuan kung saan ako uupo.

Napansin kong naging seryoso siya simula nang sagutin niya ang tawag na iyon. Tumahimik na lamang ako habang yakap-yakap ang bear.

Segundo-segundo kung siya ay aking tingnan. Nakatuon lamang ang kaniyang pansin sa pagmamaneho. Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Blake, what happened?"

Bumuntong hininga siya, "My parents and my sister is here." mabilis niyang saad.

"So? That's great, makakasama mo na sila." excited kong sabi.

"Yeah, that's great." saad niya ng may ngiti sa labi.

"So bakit ka tahimik?" kuryoso kong tanong.

"Iniisip ko kung paano kita ipapakilala sa kanila."

"W-what? A-are you s-serious?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Yes, why? You don't?" malungkot niyang tanong.

"No, of course I do. But I'm not ready yet." mahina kong sabi. "Kinakabahan ak-

"Don't be. I'm on your side, kahit anong mangyari hindi kita iiwan. Okay?"

"But-

"No buts. Let's go." saad niya at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

Habang papalapit ng papalapit ang sasakyan sa mansyon nila ay bumibilis ang tibok ng aking puso. Nararamdaman ko na ang pawis sa aking ulo.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at ipinunas ito sa aking ulo.

"Blake..."

"Don't be nervous. I love you."

"I l-love you too."

Nang ipark niya ang sasakyan sa loob ng mansyon nila ay nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba.

Sabay kaming naglakad habang magkahawak ang mga kamay. Sa labas pa lamang ng pinto ay makikita mo na ang mga mamahalin nilang gamit.

Ang maisip pa lamang ang magiging reaksyon ng Mom ni Blake na si Tita Amy ay natatakot na ako.

Si Tita Amy ay may nakakatakot na aura. Tingin pa lamang niya ay kakabahan ka na ano pa kaya't makagalitan ka niya.

Si Tito Brandon naman ay ang kabaliktaran ni Tita Amy. Kung si Tita Amy ay may nakakatakot na aura, si Tito Brandon ay may masayang aura.

Kung isang beses mo pa lang siya'ng makita, gagaan agad ang loob mo sa kaniya dahil lamang sa kaniyang mga ngiti.
Pero walong taon na ang nakalipas, hindi ako sigurado kung ganoon pa din ba sila.

Shaun and Blake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon