Chapter 23

1.7K 133 0
                                    

SHAUN POV

"Here's your coffee sir." sabi ng secretary ko habang binibigay sa akin ang kape.

"Thank you." sabi ko at lumabas na siya sa office ko.

Nagche-check ako ng mga papeles nang bumukas ang pintuan ko at pumasok si Mom. Forty Six years old na si Mom pero hindi pa din nawawala ang ganda niya.

"Good morning Shaun! May dala akong foods." sabi ni Mom ng may ngiti sa labi.

"Thank you po, Mom." sabi ko at tumayo para kunin ang bitbit niya. "Upo ka muna Mom." yaya ko.

"Oh, thank you." nilibot ni Mom ang paningin sa buong office. "Hindi pa din ako makapaniwala, CEO ka na ng isa sa pinakamalaking company in the world."

"Thanks to Lolo Leo. Because of him, nandito na ako ngayon." sabi ko.

Si Lolo Leo ang may ari ng company na 'to. Siya ang nagpapatakbo sa lahat ng ito. Nagkakilala kami ni Lolo noong tinulungan niya ako sa assignments ko noon sa cafe. Hanggang sa napag-usapan na namin ang status ng relation ko at kung anong nangyari sa amin ni Blake.

Masarap kausap si Lolo Leo, mga nasa mid 50's na siya. At ang mga bodyguards niya ay nakapalibot sa buong cafe. Doon ko din na laman na wala na siyang pamilya dahil itinakwil siya nito dati. Kaya nagsumikap siyang magtrabaho hanggang sa maging isa siyang CEO ng pinakamalaking kumpanya sa buong mundo.

Hindi pa doon natapos ang pagkikita namin dahil noong may ia-announce ang school ay nandoon siya bilang pinakamataas na shares sa school.

Nang nag i-speech siya ay kumaway siya sa akin na ginantihan ko naman ng kaway. Nag-usap kami pagkatapos noon at ginawa daw niya 'yon dahil sa akin. Gusto daw niyang maging maganda ang school na papasukan ko.

Gusto niya daw ng pamilya pero itinaboy siya ng mga ito. Nalungkot ako sa isiping iyon kaya sinabi ko'ng pwede niya akong maging pamilya. Naging masaya siya sa sinabi ko at simula noon ay lagi na kaming magkasama.

Para ko nadin siyang lolo, tutal wala na akong lolo pwedeng siya na lang. Pinakilala ko siya kila Mom and Dad. Tinanggap din nila si Lolo Leo bilang pamilya.

Sobrang saya ko dahil may dumagdag na sa pamilya namin. Araw-araw akong binibigyan ng regalo ni lolo na hindi na dapat kailangan pero bigay pa din siya ng bigay.

Alam ko'ng mabilis ang pangyayari pero ang gaan ng loob kay Lolo Leo. Ang mga ngiti niya ay nagpapa-ngiti sa akin kapag magkasama kami. Hindi ko man naranasan magka-lolo sa pamilya ko, nagka-lolo naman ako dahil kay Lolo Leo.

Lahat ng saya ko ay nawala ng atakihin si Lolo ng Heart Attack. Sinugod namin siya sa ospital. Habang nasa sasakyan kami ay may sinabi siya sa akin bago pumikit ang kaniyang mga mata.

"Thank you to happy memories you gave, grandson." ang huling sinabi ni lolo bago pumikit ang kaniyang mga mata.

Sobra ang iyak ko ng mawala ang lolo ko. Minsan lang ako magka-lolo tapos wala na agad. Bakit gano'n? Kahit hindi ko siya kadugo, sa puso't isip ko ay lolo ko siya at pamilya kami.

Bago ilibing si lolo ay pumunta sa burol ni lolo ang kaniyang attorney. Wala akong ka-alam-alam sa kung anong kailangan ng attorney pero hinahanap niya daw ako at gustong maka-usap. Pumasok kami sa loob ng bahay at doon na nag-usap.

"I'm the attorney of Mr. Leo Wrick. My name is Charles Mills and I'm here to declare that Mr. Shaun Klein Mendoza here is the new CEO of Wrick's company." sabi ni Attorney

Lahat kami ay nagulat sa kaniyang sinabi kaya lahat kami ay napanganga at napatayo.

"W-what did y-you say? Me? A CEO?" nakakunot kong tanong.

"Yes, that's his last will and testament. And all of his money, houses etc. is transferred to your name Mr. Mendoza." nakangiting sabi ni Atty.

"N-no, I c-can't." utal-utal kong sabi.

"If you don't want to, all of his hard work will be wasted to nothing." nag-aalalang sabi ni Atty.

"B-but how can I do that?" tanong ko.

"Just study hard and when you graduated, that's the beginning." nakangiting sabi ni Atty.

Bumuntong huminga ako at tinanggap na ang last will and testament ni lolo. Halos pitong buwan lang ang itinagal namin bilang magka-kilala at makpamilya tapos nawala na siya agad sa amin.

Mag-aaral ako ng mabuti para hindi masayang ang lahat ng pinaghirapan niya. Gagalingan ko.

Simula noon ay mas inigihan ko na sa pag-aaral para kay lolo. Halos hindi na ako nakakapag laro ng kung ano-ano para sa trabahong nakalaan para sa akin.

At eto na ako ngayon, isa na'ng CEO ng company ni lolo. Sobrang saya ko dahil nakamit ko ang gusto ni lolo na nagugustuhan ko na din. Sana lang ay masaya na si lolo sa langit dahil na achieve ko na ang gusto niya.

Ang company ni lolo ay Wrick ang pangalan. Mga damit at mga accessories. Like clothes, bags, bracelets, earrings etc.

Maganda naman ang takbo ng company ngayon at puro meetings lang ang ginagawa ko. Hanggang ngayon ay walang kapamilya ni lolo ang nagpapakita sa amin para man lang malaman na namayapa na si lolo.

Papa-angatin ko pa lalo ang company ni lolo. Iyon ang goal ko sa company niya. Kapag may mga nakikita akong suot-suot ang brand ng company ni lolo ay natutuwa ako. Iyon ang pinaghirapan niya.

Sana masaya po kayo sa nagawa ko at sa gagawin ko pa po. Thank you lolo!

To be continued...

Shaun and Blake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon