JOURNEY 17

16 2 33
                                    

Chapter 17

Second and Third

Pansin kong natigilan siya sa sinabi ko sakanya. Hindi siya nakasagot pero mahahalata mong nagulat siya dahil sa pangalan na tinawag ko sakanya.

Umiwas ako ng tingin at hinawi ang buhok na hinangin. Nilagay ko iyon sa likod ng tainga ko, pagkatapos ay bumaling sa dagat.

"What did you say?" Kalaunan ay hindi niya makapaniwalang tanong.

Tumikhin ako at nilingon ulit siya. "I want to see your face... Vans," I repeated pero mahina na.

Hindi katulad nang nauna kong sinabi iyon kanina. Nakitaan ko nang tuwa ang mukha niya. His eyes even got softened.

"Really?" He murmured. "You already knew... na ako si Vans."

Hindi iyon tanong pero dahan dahan akong tumango.

Kumislap ulit ang mata niya at dahan dahang lumapit sa akin. Ang kamay na nasa tuhod ko ay nilagay ko sa buhangin para gawing pantukod at kusang umatras ang katawan ko palayo sakanya.

"Why didn't you tell me earlier?" May halong tampo sa boses niya.

Nag peace sign nalang ako sakanya, napapikit naman ako nang inangat niya ang kanang kamay niya papunta sa akin. Para akong pipitikin kaya tinakpan ko ng isang kamay ko ang mukha ko.

Pero ilang segundo na ang lumipas, wala akong naramdaman na kahit ano kaya dahan dahan akong dumilat at ibinaba ang kamay ko.

And there, I saw his hand in front of me. Nakalahad ito sa akin.

"Come with me," he said while smiling ear to ear. Nagtataka ako noong una kung saan kami pupunta pero kinuha ko pa rin ang kamay niya.

Una siyang tumayo at tinulungan niya naman ako. After no'n ay naglakad kami papunta sa kotse na sinakyan namin kanina.

"Bakit nga pala gusto mo akong makita, suddenly?" Tanong niya habang naglalakad kami. Nakatulala ako sa kamay naming magkahawak kaya hindi ako kaagad nakasagot.

"Riz?" Tawag niya sa at atensiyon ko.

"Ahh, there are quick memories that flashed in my mind with you included pero hindi ko kita ang mukha mo... I just kind of miss seeing your face..."

Pahina na ng pahina ang boses ko. Mygod! Bakit parang nahihiya ako?

"Okay..." tumango siya pero nakita kong umangat ang gilid ng kanyang labi.

Huminto siya saglit at lumapit na naman sa akin.

"And I also missed you too," bulong niya. Naramdaman kong nag init bigla ang pisngi ko dahil doon.

Hindi na ako nag salita nang makalapit na kami sa kotse. Humarap siya sa wind shield ng sasakyan, at dahil tinted ang bintana niyon para itong naging salamin at nakita ko ang mukha ni Vans.

Natulala ako bigla at dahan dahang lumapit doon. Lumapit din siya sa akin. He has a color brown hair, medyo mahaba ito at tumatama na ang bangs niya sa kilay niya. But he has a thick eyebrows, long eyelashes and a very attractive pointed nose. May mababaw na guhit ang tip nito. He also has a tin lips and oval face pero nadedepina ang panga niya. Bakit parang nahahawig siya kay Vann?

Napahawak ako sa bibig ko.

"Why?"

Napatalon ako sa gulat nang magsalita si Vans na malapit lang pala sa likod ko. Tumama ang hininga niya sa tainga ko.

Nang lingunin ko siya, halos magtama ang ilong namin kaya na conscious ako bigla. Muntik na kaming mag kiss!

"You look like Vann?" Sa isip ko lang sana iyon pero nagulat ako nang masabi ko ito dahil sa taranta. Lumayo siya sakin at napansin kong sumimangot ang mukha niya.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon