KABANATA 2

21 2 0
                                    


KABANATA 2

Amara

"Huwag kang gumawa ng iskandalo dito" banta niya.

Sinubokan Kung lumayo sa kaniya ngunit hinigpitan niya ang pagkahapat ng aking bewang.

"Bitawan mo ako" matigas na pagkasabi ko sa kanya.

"Oh, kanina kapa nariyan Arthur, Hindi ko man Lang napansin" ani Ama.

"Huwag kang gumawa dito ng iskandalo dito" bulong at muling Sabi niya. Tinuonan ko ng pansin Sina ama.

"Imperor, kilala mo na siguro si Prinsipe Arthur hindi ba?" tumingin si Ama sa amin na tilay nakangiti habang hawak hawak nito ang baso na may alak.

"Aba'y sinong Hindi makakakila aa magiting na prinsipe'ng Ito"

Sa wakas at humiwalay sakin si Arthur para magpakilala sa imperor.

"Imperor,isang karangalang makita Kita" nakangitang ani Arthur at nakipagkamay dito.

Pero hindi ko inaasahang Lumapit muli at hinapat ang aking bewang ni Arthur. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay seryuso lamang.

"Hindi ko pala alam na may pag-iibig na pala ang dalawang Ito" bilang sagot ni Imperor Juan.

"Nako wa-"

"Sa hindi nag sisinungalin ay matagal na ho kaming may pag-ibigan" putol ni Arthur.

Sinungaling! Isang hangal!

Nagawa pa niyang magsinungaling sa harap ng Imperor at kina ama at Ina.

"Maganda! Maganda" palakpak pa ni Imperor.

"Dapat sa kanila'y maikasal na sa lalo't madaling panahon."

Teka, Ano?

"Pero ano-"

"Tama ka, Imperor sa totoo lang ay mamaya na namin iaanusyo ang malaking surpresa" Pag-sang ayon ni Ama.

"Pero ,Ama!"

"Nasa tamang edad kana Amara" si Ama.

Hindi maaari! Hindi ako maaaring maikasal sa hangal na iyan!

Maya Maya ay dumating ang aking kapatid.

"Ama " tumingin siya kay ama "magandang kaarawan ina" sibi niya at niyakap si ina.

"Salamat anak"

"Ito ba ang iyong sinabing panganinay?" Tanong ni Imperor.

"Imperor, si Prinsipe Niguel ,Ang aking panganay na anak" sa pag kakataong iyon si Ina ang sumagot.

Hindi parin mawala Ang aking pangamba ukol sa kasal. Sana ay nagbibiro lamang sila.

Matapos ang usap ay inananusyo ng taga pagsalita na may sasabihin ang ama tungkol sa malaking surpresa.

Itinaas ni ama ang kanyang kamay upang magsitigil Ang mga tao. Ngayon ay andito ako ngayon sa intablado kasama si Ina, Ang aking kapatid at si Arthur. Bunalot ng kaba ang aking dibdib Sana talaga panaginip Lang ito.

"Isang napakagandang gabi sa iyong lahat. Ngayong gabi ay ating ipinagdiwa ang ika singkwenta'y syete kaarawan ng ating Mahal na reyna kasama ang malaking anunsyo."

."Sa susunod na taon, buwan ng octobre ay ang aking nag-iisang anak na babae si Amara at si Prinsipe Arthur ay mag-iisang dibdib."

Napasinghap Ang mga tao tilay nagulat sa anunsyo ng ama.

The Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon