KABANATA 3

15 3 0
                                    

Amara

Sa inaasahan ko naman, mga ala una na halos matapos ang selebrasyon dito sa aming  palasyo.  Pagod na pagod Ang katawan ko .

Dito narin pinatulog nina Ama na patulogin Sina insan at tiya. Si Arthur naman, dito narin siya natulog dahil sa kagustohan naman niya. Ideya rin nila na dapat ay sa iisang silid kami matutulog yun ay pinigilan ko.

Gaya ng Sabi ko, halos tanghali narin ako nagising dahil sa pagod. Gustohin ko mang matulog muli, pero naalala ko NGA pala na may pag-uusapan kami nina Ama.

Kaya naligo na ako, suot Yung baro ko.

Maya Maya.......

"Kamahalan" katok ni Isabel sa pintoan.  Sinuklay suklay ko Ang mahaba Kong buhok.

"Bukas iyan"

Tumayo siya sa tagirilan ko.

"Kamusta kana prinsesa?"

"Inanunsyo kagabi iyung tungkol sa pagpapakasal."  May bahid na lungkot sa kaniyang boses.

Alam na alam ni Isabel kung sino ako. Alam niya ang nararamdaman ko ngayon. Parati siyang nandyaan sa tabi ko kapag may pinagdadaanan ako. Maswerte ako sa kanya.

Kahit Isa lamang siyang taga-silbi sa aming palasyo. Itinuturi ko siyang isang matalik na kaibigan.

Para ko narin siyang itinuring kapatid.

Tiningnan ko siya at bumuntong-hininga ako.

"Ano pa nga ba Ang magagawa ko?"

"Nakatakda na! Planado na!" Napasapo ako sa mukha ko.

"Pero Mahal na prinsesa..." 

"..pa'no Yung Prinsipeng sinabi mo?"

Doon ako natigilan.
Si Al. Paano si Al?

"Tss. Paano si Al?"
Pakiramdam ko kapag pinakasalan ko si Arthur.... nagsinungaling ako sa kanya.  Nanginginig Ang mga mata ko. Parang ilang Segundo tutulo na iyon.

"H-h-hindi  ko alam Isabel, Hindi ko alam!" Lumapit sakin si Isabel at niyakap ako. Hinagod-hagod pa ang likuran ko.

"Prinsesa, tahan na."

"Siya ang mahal ko,Isabel alam mo naman iyon diba?" Tiningnan ko siya.

"Alam ko iyon Prinsesa... Ano na ang Plano mo? Wag Kang mawalan ng pag-asa"

Medyo napagaan niya ang loob ko.
Kailangan kong makaisip ng paraan. Parang may ideya na ako.

"Ang alam ko lang ay kumbinsihin si ama."

"Ang tanong prinsesa, Makukumbinsi mo kaya siya? Matapos niyang ma-i-anunsiyo sa kaharian. Kalat na kalat narin iyon sa ibang palasyo. Mukhang planado na ang lahat"

Natigilan ako!

"E-eh k-kukumbimsihin ko parin siya! Hindi ko hahayaang maikasal ako sa taong iyon."

"Sana man lang makumbinsi mo siya Kasi para sa akin...."

"..malabo nang matupad yung gusto mo"

Among ibig niya sabihin?

"Ngapala kamahalan, bumaba na daw kayo para sa kumain" at umalis na siya.

"Ano bang pinagsasabi mo, Isabel?"

†††††

Isabel


The Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon