I

12 1 0
                                    




Hi Everybody, I am Sydney Yang. Most of my friends and my fam called me Sy. Yaas, not Syd- only Sy. HAHAHA

I am now in my last semester in college life - soon to graduate actually, konti na lang at tapos na ang pagiging estudyante ko, finally. Kahit hindi halata sa height ko na malapit na kong maging hindi estudyante.


We're now in our tambayan with my so-called friends, pang gabi kasi yung sched ng class ko, pero madalas pumapasok ako ng medyo maaga para tumambay sa tambayan namin kasi nakikitira lang ako sa bahay ng lola ko, and nabobored din naman ako maghapon sa bahay diba.

Dati nakadorm talaga ako, cause I am originally from province. Kaso one day, nung dumalaw ako sa bahay ng lola ko, may nakilala akong guy, and ayun, naging MU kami. So ayun napadalas yung pag stay ko sa bahay ni lola. So nagsabi na lang ako sa parents ko na mag sstop na ko mag dorm kasi sayang lang din naman binabayad ko sa dorm kung mas madalas pa ko sa bahay ng lola ko kesa dorm diba. But of course I didn't said na may MU ako kaya gusto na dun mag stay, syempre nadaan lang sa apo duties ang reason ko kaya ako pinayagan and naisip rin nila na mas better nga dun ako sa lola ko. (hindi lang nila alam na may pagkademonyo talaga ako ng slight)

But that MU guy, from 2nd year college- flirting na kami, nagkalabuan ng 3rd year. Hanggang sa wala na talaga. Inerase ko na sya sa life ko. Di ko na idedetail yung story about sa kanya kasi our relationship is just like a "high-school flirting". Texting and dating in malls.

So ito na nga nasa tambayan ako ngayon, nag yoyosi. Yees, naging bisyo ko to, hindi ko na rin alam kung pano, basta ang alam ko lang yung dati kong ka MU hindi nag yoyosi pero yung mga friends nya nag yoyosi. Partida may hika pa ako. Pero di ko sure ha, nung first time ko nag try mag smoke, kala ko mamamatay na ko, pero nung tinuloy tuloy ko, hala parang nawalan ako ng hika. But kung idedescribe ko yung sarili ko, I can say that I am just a simple student, mukha akong pasaway kasi ang lakas ko tumambay sa tambayan ng mga mukhang pasaway but honestly, masipag ako mag-aral, lalo kung kaylangan. And di man sa pagmamayabang - Deans Lister ako, di lang halata. HAHAHA

Nag-aantay lang ako ng oras ngayon para sa next class ko, I'm with Carla and other guy friends, si Carla yung madalas kong kasama nitong last semester, she's the girlfriend of one of my tropa na varsity sa department. Kaya ko sya nakilala actually dahil kay Rome, yung boyfriend nya ngayon. Close kasi ako kay Rome talaga and other kateam na rin nya, naging classmate ko kasi sila sa other subjects. Pero meron pa kong other group of friends, all girls naman sila and sila yung classmates ko talaga, medyo mababait din like me, pero madalas combined naman kami, my all girls friends and some varsity friends.


"So anong plan mo pagkagradute Sy?" biglang tanong sakin ni Carla

"Ahhm, actually may plan na kami ni Gia maghanap ng work next week, pwede naman na siguro yun kasi ilang weeks na lang graduate na kami, and gusto ko na rin magkasariling pera e, so I think mas better na mag work ng maaga."

"Sabagay, wala na rin naman kayo masyadong ginagawa ngayon, kinucomplete nyo na lang OJT hours nyo. Sy, namumroblema na naman ako kay Rome."

Eto na naman, ikukwento na naman ni Carla yung mga problem nya about kay Rome, minsan alam ko na tinuturing nya na akong one of her super close friend kaya sy sakin nagkukwento, pero alam nyo yun, alam naman din ni Carla na I am one of the closest friend din ni Rome, kaya minsan parang after mag kwento ni Carla, napagsasabihan ko tuloy si Rome. Pero alam nyo yun, minsan ulit-ulit na yung problem nila. Actually, I'm not really sure kung mahal ni Rome si Carla, or napush lang din sya ng mga ka-team nya nung napadaan bigla si Carla sa Gym. First serious GF ni Rome si Carla, as in first sa lahat, but for Carla, he's not the first guy in her life. Pero di ko alam kung anong pinakain ni Rome kay Carla, super nabaliw si Carla kay Rome, as in obsessed minsan. Kasi kung iisipin, Carla is pretty, and si Rome yung may problem sa kanila, alam ko yun, minsan, he's just using Carla, Carla's money actually. Alam ko kwento ni Rome, kilala ko sya. Pero di ko sure, Carla loves Rome so much. Kaya kahit nagbebreak sila, nagbabalikan ulet sila, dahil Carla will always find a way to be with Rome. And ako ang pinakamagandang way para magkasama sila kahit break sila, dahil kahit pag labas ng barkada, kahit break sila ni Carla, susulpot si Carla, dahil friend din nya ako. Di ko sya matiis. Diba, ang unsure ng ugali ko.


Unsure About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon