II

10 1 0
                                    

Halos, mag pa-five months na akong nagwo-work as Analyst. Honestly, hindi pa ako ganun ka loaded sa work, medyo chill pa. 

Naka-away ko yung manager ko nung nakaraang linggo, pano ba naman, gusto nya lagi akong mag-OT,. Why naman diba? I mean for me, ang pagiging productive ng isang employee is kung natatapos nya ng tama at maaga ang kanyang trabaho. 

Ang reason kung bakit dapat nag-O-OT kami is dapat daw after ng maghapong pagtatrabaho, mag analyzed naman daw kami kahit 1 hour lang. Jusko naman, wala akong pakielam sa OT Pay. Kung tapos na ko, I'm done. My god. Ayokong lumabas yung pagiging bitchesa ko, dahil una sa lahat ako ang pinakabata at pnatatanging bago sa company na to. Gusto ko sanang magkaroon ng magandang image. Kaso jusko, naabot ng boss ko yung limit ko. 

Pero sa ngayon, okay naman na kami, syempre hamak lang naman akong empleyado diba, so sunod-sunod lang din naman ang magagawa ko. Need kong maging "Yes person" minsan. Dahil unang-una baguhan lamang ako. Pero syempre, twice a week lang ako nag O-OT hehe. Ninja moves sa other 3 days. 9:00am-6:pm kasi ang pasok ko ngayon, pagpatak ng 5:45pm, petiks na ko nyan, nag-aayos na ko para umalis. Then, diretso mall or kung san man kami magkikita-kita ng barkada ko. Minsan, sina Gia ang kasama ko after work, or minsan sina Rome. Iba-iba actually, pero mas madalas silang dalawa kasi sila yung same schedule ng work ko. Yung iba kasi samin nag BPO company, so ayun, pang gabi ang iilan samin. Sina Joan, Kaye, Kuya Bert and Eman, puro panggabi. So ayun sobrang dalang na namin sila makita. Pero minsan ginagawan naman nila ng paraan, like nung may nag birthday na isa kong barkada, cinelebrate sa condo ko. Medyo sinuwerte ako e, niregaluhan ako ng favorite kong Tito ng condo. Pero actually, yung pamilya ko is nasa saktong pamumuhay lang, pero syempre meron talaga minsang nakakaangat na kamag-anak na wala masyado magawang pera. Ang alam ko regalo na sakin tong condo na to, pero sila ng mama ko ang nag-usap about dito. I'm not 100% sure, kung binili ba nya to para sa sarili nya, and dahil nasa ibang bansa sya ako muna pinatira, or akin na talaga to. HAHAHA


Ayun, sa ngayon, ganyan kami ng college barkada ko, madalang magkita. Sa office naman, may mga nakakaclose na rin ako, pero syempre iba yung bonding kasi mas matanda sila sakin, yung iba pamilyado na, yung iba naman hindi pa, pero yng turing ko is andun pa rin yung seniority. Ate/Kuya yung tawag ko sa mga kaclose ko. Minsan kasama ko sila naglalunch or minsan sumasama rin ako sa mga lakad nila after work.

________________________________________________________________________________

After two years..

Nandito ako ngayon sa isang gymanasium sa Manila banda, sinali ako ng mga taga HR as muse ng parang Basketball game sa company namin. Per department ang labanan, yung department ko, kinuha ako as muse. 

Tapos na yung game nila, and infairness nanalo naman yung department namin, nakakatuwa lang, kahit working na ko ngayon, may ganito pa rin akong naeexperience, parang nung estudyante pa ko. Nag-ayang uminom ang mga kadepartment ko. Nagpunta kami sa isang bar dito sa Quezon Ave. Medyo hindi ako familiar kasi madalas sa Taguig kami nagbabar ng mga barkada ko. Madalang kami dito sa Quezon Ave. Hindi ako nagdala ng car, as usual kasi iinom. 

Ngayon lang ako sumama sa kanila na totally wala akong kasamang super close ko sa office. Yung mga super close ko kasi sa department, pamilyado na HAHAHA. Di man kapani kapaniwala, pero naging close ako sa medyo malayo ang age gap sakin. Pero syempre kilala ko naman din tong mga kasama ko, may mga kasama rin kami ilan ilan na galing ibang department.


"Sy, si Lem nga pala, taga IT department. Ipakilala daw kita sa kanya", biglang sabi sakin ni Kuya Ian na kadepartment ko.

"He-hello, I'm Sy." nakipag kamay ako. Na-awkwardan ako ng konti, kasi di ako sanay na parang pinakikilala or nilalakad kung baga sa isang tao. Ganun kasi yung feeling ko sa pagkakasabi ni Kuya Ian sakin.

Unsure About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon