III

8 1 0
                                    


After one week ng pag-amin ni Rome,


Nandito kami ngayon sa isang Milk Tea shop sa may Makati. 

Napagpasyahan namin mag-usap ng matino..

Nakukulitan na rin kasi ako sa hayup na to. Text ng text. Tapos sumasabay pa si Carla, nagtetext rin. Parang nakokonsensya ako pag nakikita ko ang name ni Carla na nagtetext sakin. Di ko alam, kahit wala naman akong ginagawa pero ang isipin na ako pala ang gusto ni Rome all this time na nababaliw si Carla sa kanya is di kinakaya ng konsensya ko. Nanghihina ako.

Inaantay ko ngayon si Rome, kinukuha yung order namin. Sa barkada, si Gia pa lang sinabihan ko tungol sa pag-amin na ginawa ni Rome. Di pa ko ready ikwento sa iba. 

Ang reaction ni Gia?- Syempre napamura, minura ng minura si Rome. Pero wala e. Mukhang di nagbibiro si Rome

Pagdating ni Rome sa mesa namin,

"Kamusta?" tanong nya

"Anong klaseng tanong yan? Pabebe ka? Ano ba Rome, huy, tropa tayo. Gagi parang ikaw ang guy bestfriend ko, alam mo yan. Bat ginugulo mo?" diniretso ko na sya, kasi sa totoo lang, walang ilang e. kasi walang nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa e. 

"Sy, please. Totoo to. Sira, maniwala ka sakin. Kung alam mo lang, yung kapag nababalitaan ko na may nagkakagusto sayo o may nanliligaw sayo, sa totoo lang gusto kong pumatay, lalo na yung nangyari yung dun sa trabaho mo, sa totoo lang gusto ko na sya patayin. Kaya Sy, please, matagal na kitang gusto, bigyan mo ko ng pagkakataon, ipakita sayo ang nararamdaman ko."

"Huy, alam mo ba ang sitwasyon mo? Baka nakakalimutan mo, barkada tayo. Barkada ko nanay ng anak mo, may anak. Remind ko lang ha. Di ka ordinary guy lang dyan na bagong kilala ko."

"Oo alam ko, huli na ko, Mali na yung timing. Pero ang bagal ko na e. Ayoko ng mas mahuli. Ipu-push kita, sa ayaw at sa guto mo. Anong pinag-aalala mo? Si Carla? Kakausapin ko sya."

"No. Ako ang kakausap sa kanya. Tsaka wait, ano ba, bakit need mo pa ikalat yan. Di kita sinasagot tanga. Anong pinaglalaban mo"

Natawa naman si Gago. 

"Kaya nagustuhan kita e, Ayan ka. Simple lang, cool. Chill. Iba ka, iba ka talaga. Masarap kasama. Kung alam mo lang Sy."

"Yikees. Rome, di ako sanay na ganyan ka please, Wag kang ganyan. Jusko, ilayo nyo po ang masamang espiritu na umaaligid kay Rome, nadidimunyu po sya. Dimunyu talaga. Kasingtigas ng mukha nya"

Tawang tawa si Rome sa sinabi ko.

Kapag ganitong moment na nagbibiruan kami, parang magkaibigan pa rin kami, walang nagbago. HAHAHA


Lumilipas ang ilang linggo, wala namang nagbago sa samahan namin ni Rome, ang pinagkaiba is palagi syang nagtetext aand at the end of the day, ipapaalala nyang gusto nya ko.

Kapag ganito sya naninibago ako, and napapaisip ako minsan. Kasi sa totoo lang nasasanay ako sa kanya, and natutuwa ako sa kanya tho, wala masyadong pinagka-iba dati. Pero kasi si Rome to e, my guy-bestfriend, sobrang comfortable ko sa kanya alam nyo yun, yung feeling namin kilala namin ang isa't isa. Yung feeling ko kilala nya ako.

Alam nyo naman ako, maging sa sarili ko, hindi ako sigurado. Kaya sa paraan ng concern or pakikitungo sakin ni Rome na parang kilala nya ako, nahuhulog ako--ramdam ko. Parang--

One day nagpunta sa condo si Rome, nagdala ng pagkain,

Nagkukwentuhan kami ng biglang nanlandi na naman sya, as in nagsabing gusto nga nya ako, tho alam ko na. Pero ngayon, hahalikan nya ko ulet. Alam ko, oo hahalikan nya ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unsure About EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon