8

177 13 59
                                    

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng bahay nila Joaquin. Laking tuwa ko na lang na wala na akong nasilayang kahit sino nang makatapak na ako ng sala. Initcha ko ang handbag na hawak sa sofa saka dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.




Parang sampung dekadang hindi nakatikim ng malamig na tubig ang lalamunan ko nang makainom na 'ko. Pinipilit ko ring ilakad ang aking sarili, nilalabanan ang kalasingan. I wasn't only thirsty for cold and moisting water but I'm also hungry as hell.





"Dinner's already done. Where the hell have you been?" Nagtitingin ako ng pagkain sa ref nang biglang may magsalita sa likuran ko kaya agad akong napatayo. Pagkalingon ko'y matalim siyang nakatingin sa'kin habang nakahalukipkip at nakasandal sa lamesa.






"D'yan lang," tipid kong sagot at sinubukang lagpasan siya ngunit naabot niya agad ang aking braso. Hinila niya 'ko pabalik sa kanya saka niya inilapit ang kanyang mukha sa'kin para amuyin.





"D'yan ka lang nag-inom? Kung d'yan lang, bakit alas dos ka na ng umaga nakauwi? At wala ka man lang pasabi?" inis niyang sambit. "Again, Keira Denise, where the hell have you been?"





"D'yan lang sa Quezon, sa condo ng kaibigan ko." Well, lying is pointless now. Wala rin naman akong alam na inuman malapit dito sa mansyon nila.
At saka ano naman kung sa Quezon City pa 'ko makipag-inuman? Kasalanan ko bang doon nakatira si Lexi?




"Wow, parang magkapitbahay lang ang Maynila at Quezon, ah."





"Ano bang pakialam mo? I can handle myself drunk." Before he can start lecturing, I started marching out of the kitchen. Hangga't maaari ay huwag sanang mag-ekis ang lakad ko. Rinig ko rin ang mga mabibigat niyang yabag na sinusundan ako. "Anong pakialam ko?" Naabot niya ang braso ko ulit kasabay ang pagtapak ko sa hagdan, paakyat na sana ng kwarto ko.






"Oo, wala naman dapat, 'di ba? Dahil hindi mo naman ako kaano-ano. Stop acting like you're one of my brothers."





"Hindi nga tayo magkaano-ano maliban sa empleyado kita at dito ka nakatira ngayon. You're living under my roof, Keira. You're my responsibility."






"I'm fucking damn alive, Joaquin! Please, what am I? A 15 year old? I'm already an adult. Let me do things on my own. Inom lang naman ang ginawa ko sa labas, hindi krimen! Ano bang ikinakagalit mo r'yan?"





"Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin. Iyon ang ikinakagalit ko. Paano kung may nangyaring masama sa'yo habang nakainom ka?"





"Bakit ko kaylangan magpaalam sa'yo? Ano tayo, magjowa?" Hirit ko ulit, not minding his last sentence.





I saw him smirked. Unti-unti rin siyang umakyat papunta sa pwesto ko at pinantayan ang aking tingin. Muntik na rin ako mapatili nang bigla niya akong isandal sa hawakan ng hagdan at hinarangan ng kanyang mga bisig. "We already kissed." Lumapit pa ito sa'king bandang leeg. "Isn't that what couples do?"

At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon