13

143 9 43
                                    

"You don't need to update me about your whereabouts, you know. We're just fake dating. Ilang beses ko ba lilinawin 'yon sa'yo?" Sabay higa ko sa kama habang nakatutok pa rin sa phone dahil ka-video call ko si Joaquin ngayon. Wala siya rito sa mansyon nila kaya naiwan akong mag-isa. Mawawala rin siya ng ilang araw dahil may photoshoot siya sa ibang bansa.



He isn't just a racer but a Dior model as well. Another thing that he told me during our little trip in Tagaytay was he was half spanish — father side. Well, that explains how handsome he is. His eyes are kind of a blue, too. If I'm going to recall our first meeting, that was the very first feature I noticed in him and I won't lie that those eyes are captivating. Aaminin ko na mismo na kahit ako ay hindi maiwasang mapatitig sa mga bughaw na 'yon.



[Joaquin: Keira, nakatulala ka? Are you okay?] Rinig ko sa kabilang linya na nakapagpabalik sa'kin sa wisyo. Tumango na lamang ako at nag-isip ng idadaldal sa kanya upang mabaling sa iba ang aking isip. "Kaylan ka pala uuwi?" Dumapa ako at isinandal ang phone ko sa mga unan.



[Joaquin: Why? Miss me already?]



"Kapal naman ng mukha mo. Pera ka ba para mamiss ko?"



[Joaquin: Technically, I'm the one giving you salary. Obviously, I'm your money. So, you miss me.] He chuckled.



Wow, desisyon. Natawa na lang ako sa mga sinabi niya at nagpaalam nang papasok na sa trabaho. Maagang natapos ang class ko kaya maaga rin akong nakagawa ng iilang schoolworks. Back to my old routine: a student or athlete in the morning, a manager in the afternoon, and a crew chief afterwards.



Minsan na rin akong umuwi ulit sa amin upang bisitahin si Mama. Iginala ko siya dahil sahod. Madalas ko ring makasama ngayon si Agatha lalo pa't pinayagan siyang mag-overnight sa mansyon. It was fun but sometimes at night, I really do feel a little empty. Felt like I'm missing something or someone pero itinatanggi ko iyon mismo sa aking sarili...


[Joaquin: Lady, you're in my room.] Napataas ang kilay niya sa kabilang linya nang makita ang background ko ngayon — ang kama niya. "What? Ikaw nga nakikihiga sa higaan ko, tapos ako bawal?" Umayos ako ng pagkakadapa habang yakap-yakap pa ang pinakamalaking unan.



[Joaquin: Gantihan ba 'to?]


"I told you, I like thrills. Nakaka-thrill ang gumanti lalo na kung sa'yo." Tawa ko na mas lalong ikinataas ng kanyang kilay.



[Joaquin: And I told you, I wasn't a fan of revenge. I prefer peace so why don't you just sleep with me in that king sized when I get home?] He teased.



"Hmm..." I looked up, kunyari pinag-iisapan ang mga sinabi niya kahit alam naman naming dalawa na sinasakyan ko lang ang kapilyuhan niya. "Sure, kaylan ka ba uuwi?" patol ko.




[Joaquin: I would glady book a flight right now, sweetheart.] Kindat niya pa at sabay kaming natawa. Ang landi talaga. Kaya ako nanganganib, eh. Hindi na ako sumagot at nag-isip na lang ng panibagong ikukwento. Pero natuwa naman ako nang unahan niya. Ipinakita niya sa'kin ang view niya ngayon sa kanyang kwarto.

At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon