Una-Sampu

1 0 0
                                    

UNA
una palang magkaibigan na tayong dalawa
simula no'ng unang imulat ang mga mata
mga alaalang
bitbit mula pagka-bata
DALAWANG kuwintas
ang pinabili mo sa 'yong ina
binigay mo sa'kin ang isa
pisngi ko'y hinaplos mo pa
TATLONG araw akong kinilig
ginawa mo'y 'di maalis sa isip
'di makatulog sa lakas ng tinig
ng puso kong nanginginig, nasasabik
APAT
apat na lalaki ang nagkagusto sa 'yo
no'ng tayo'y nasa sekondarya
mabilis kang napasagot ng isa
sa tuwi-tuwina'y 'di mo na 'ko kilala
masakit mang isipin
na LIMANG hakbang na lanng ang pagitan nating dalawa
ika ANIM ng Pebrero sa 'di ko inaasahan
'di ko inaasahang makita kang luhaan
lumapit ka sa'kin at ako'y hinagkan
sabing, "Patawad, muntik na kitang makalimutan."
PITONG araw ang nagdaan
nagbalikan kayo ng dati mong kasintahan
kahit ilang beses kitang pag-sabihan
umiiral pa rin ang 'yong karupukan
WALO
walong daang piso
para sa araw ng mga puso
ayaw ko ng mag-lihim,
gusto ko ng umamin
malalaman mo na rin
ang lihim kong pag-tingin
SIYAM!
siyam na hakbang na lang,
malapit na ako
sana makasama kita
ngayong araw ng mga puso
pero SAMPUNG kataga ang dumurog sa puso ko
no'ng umamin ako't sinabi mong
"Paumahin, bilang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa 'yo."

Copyright 2020

Unending PoemsWhere stories live. Discover now