pilit na kinakalimutan
pero hiindi ko kaya
dahil sa t'wing nababasa
pangalan mong
lagi kong winiwika
na sa t'wing ipipikit
ang aking mata
aking mata na tanging
ikaw lang ang aking
nakikita
ang pigura
ng iyong mukha
hindi ko alam
kung paano ko mabubura
gusto kitang burahin
sa isip kahit masakit
dahil sa huli
ako lang ang aasa
dahil may mahal kang iba
at luha'y aagos
sa matang nakapikit
kung nababasa mo Ito
kung sa tingin mo
para ito sa iyo
kung naramdaman mo
ang tula kong ito
'di ka nagkakamali
para sa 'yo talaga ito