Natatakot ako
Sa bawat pagpatak ng mga mabibigat na tubig mula sa langit.
Sa bawat kulog na nagpapakaba sa akin.
Sa bawat kidlat na nagmimistulang ilaw namim dito sa kwarto naming maliit.Pira-pirasong bubong ang sumisilong sa amin.
Naiiyak ako pero pilit na nagpapakatatag.
Hindi ko alam ang aking gagawin,
Sapagkat ako'y musmos pa lamang.Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso;
Sa murang edad, wala akong magawa kundi umiyak at tumungo.
Buti nalang nandiyan sina mama at papa,
Para kami'y protektahan at maalaga.Ramdam ko ang pagpatak ng tubig ulan
Tumingala ako sa bubong at ito'y naging marahan.
"Ma! Pa! May butas po ang bubong!"
Agad-agad silang kumuha ng garapon."Mag-aral kayo ng mabuti, mga anak."
Rinig ko ang payo ni papa sa gitna ng napakalakas na ulan.
Ako'y tahimik sa kawalan,
'Mag-aaral ako ng mabuti't pangarap ko'y di papakawalan!'