#5 - the fallen star

1 0 0
                                    

*blag!*

"Aray naman!" Mam bato ba naman ng kung anu-ano sa ulo?! kita ba niyan natutulog yung tao tapos ganun-ganun lang gagawin sakin? "Di ba puweding mang gising ng maayos!?"

"Kanina pa kita ginigising, tulog mantika!"

"Urgh!" Sabay talukbong ng kumot. "Ano ba kailangan mo ha aikko? Ang dilim-dilim pa kung maka pang gising lang kala mo tanghaling tapat na."

"4:48am na kaya!"

"Oh tapos?" Wala kong ganang tanong. Ano naman kung 4:48 na? May magagawa ba kame sa ganito kadilim na lugar sa mga oras na ito? Wala di ba?

"5am ang call time. Ipapaalala ko lang sayo pag wala ka sa call time eh wala kang breakfast mamaya."

"Gising na ako! Gising na gising na!!" At agad naman akong napa balikwas sa higaan at sabay labas ng tent at dahil nga nasa may daanan si Aikko palabas ng tent eh nabangga ko siya.

Di ko na yun kasalanan nuh! Eh sa haharang harang siya kaya sorry siya.

"Dahan dahan naman!"

"Oh? Ano ba gagawin?"

"Wala pa naman. Kung gusto mo mg toothbrush ka mo na. Maaga pa naman eh."

"ano sabi mo?" (-_-)

"Mag toothbrush ka muna." Wala niyang ganang sabi.

"Hindi. Yung last na sinabi mo." (-_-) pokerface lang ako kasi masama kutob ko dito.

"Ah. Maaga pa?" Wala niyang paki na sabi.

"Anong oras na ba?" Pag ito-! Grr!

"3am."

Process. . .

Process. . .

Ting!

Ng mapasok sa utak ko yung sinabi niya ay agad ko siyang tiningnan ng masama at hula niyo ano ginawa niya, tumakbo habang tumatawa!

Panigurado mag tatagu yun kina Mika.

Argh! Babaeng yun talaga parati na lang akong ginaganito. Pasalamat siya at mahal ko siya!! Pero joke lang. Pasalamat siya at bagong gising ako kaya wala pa akong lakas para habolin siya.

Tumingin ako sa relo ko at alas tres pa lang pala talaga, Aikko naman eh! Makalibot na nga lang sa buong camp. Di naman ata masama at wala nman sigurong oso dito, tama? Sana nga lang wala.

Napadpad ako sa isang field di kalayuan sa camp. Bukid ata to kasi kanina habang nag lalakad ako parang pataas lahat ng lakad ko at madali akong mahingal. Mabuti na rin siguro tong exercise para sa umagang to.

Wala akong dalang flashlight maliban sa gamit ko sa phone ko. Madilim pa ang buong paligid. Nag tataka nga ako panu ako naka rating dito ng hindi manlang bumabangga sa ni isang puno.

"Aaaah! Nakarating din!" Sigaw ko ng makarating din ako sa pinaka magandang spot ng bukid/burol o kung ano man gusto niyo itawag dito basta alam ko pataas ako kanina habang nag lalakad.

Naupo muna ako sa damuhan at tumingala sa langit.

"Wow~! Ang ganda!" (*o*)

Kung kagabi ay napa hanga na ako sa kalangitan, ngayon mas humanga pa ako. Mas kita ang mga bituin kahit yung maliliit at mas marami sila ngayon kesa kagabi.

Di ko talaga maiwasan ang humanga ng paulit ulit sa mga stars, siguro nga inlove na ako sa kalangitang puno ng bituin! (^_^) kung alam ko lang na ganito kaganda ang langit pag gabi edi madalas akong tambay sa bubungan namin. Puwede kasing akyatin ang bubung namin at mahiga sa bubungan.

shooting starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon