Chapter-3 The Punishment (Rebirth of Romance)

19.9K 430 19
                                    


Love is when seeing that person badly shattered, yet you want to pick those broken pieces and fix it, without even thinking how much blood you'll shed.

WittyKimmy


Ashlin Gail Grant


Patakbo kong iniwan si Zach sa sekretong silid na yun, napatigil ako sa paglalakad nang makita ang sarili sa malaking salamin na nasa tabi ng kama ni Zach. Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok at ang nagusot kong damit. Napatigil ako nang makitang lumabas si Zach mula sa walk in closet, tumigil siya sa paglalakad at tumayo sa likuran ko.

"Boo--" rinig kong pagtawag ni Calvin mula sa labas,  sa pamamagitan ng salamin ay nagkakatitigan kami ni Zach, nakita ko kung paano nagtagis ang bagang nito saka tinapunan ng masamang tingin ang pinto.

"Boo?" kunot-noong turan ni Calvin nang makita niya na galing ako sa kwarto ni Zach. "What are you doing there?" kunot noo nitong tanong.

"N-naglilinis." sagot ko. Nagtataka ako kung bakit napatingin si Calvin sa likuran ko, sinundan ko rin ito ng tingin at pinanlakihan ako ng mata nang makita si Zach na walang damit pang-itaas at may mga namumulang marka ng kuko. Mariin akong napapikit, is he trying to impose a wrong impression in front of Calvin? Tinapunan niya ng masamang tingin si Calvin, nakita ko ang bahagyang pagkurba ng labi niya bago isinuot ang puting T-shirt na hawak-hawak. Nilagpasan niya kami at nauna ng bumalik sa kaibigan niya.

Napatingin ako kay Calvin and I know what's running inside his mind right now, kaya sinundan ko siya at naupo sa tabi niya. "It is not what you think, Vin." Napabuntong hininga siya saka napatingin kay Zach na nasa gazebo kasama ang mga kaibigan niya.

"Then explain it to me, Gail. Kasi hindi ako naniniwalang maid ka dito and above all, I don't like what I am seeing right now." nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun. Napatango na lang ako saka mariing napalunok, mukhang galit talaga si Calvin

"But before that-- alam mo bang wala na si Ate Ria ko." pagbibigay alam ko. Nakita kong nabigla siya, dahil sa sinabi ko'y biglang lumamlam ang mga mata nito.

"I am so sorry for that Gail." bakas ang simpatya sa boses nito. Tumango ako saka ngumiti.

"Bago namatay ang ate, hiniling niya sa aking magpanggap ako bilang siya, may parte ng utak ko na ayaw pero may parte rin na gusto. Noong una, mas pinili ko ang ayaw dahil alam kong mahirap at tiyak na ako lang ang masasaktan-- pero Vin, nung makita ko na ang paghihirap ni ate, ang mga iyak niya, mas ginusto ko ng pagbigyan siya." sabi ko dito.

"That's foolish." nakatulala nitong turan habang nakatingin sa kawalan, hinawakan ko siya sa kamay at napatingin siya sakin. Di ko mabasa ang emosyon sa mukha nito.

"I know-- pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, siguro maiintindihan mo ako. Lalo pa't nang mamatay siya nang di man lang ako nakapag paalam ng maayos at masabi man lang na mahal ko rin siya-- Vin, namatay ang ate kong nililigtas ako, hanggang sa kahuli-hulihan ay ako pa rin ang iniisip niya. And doing her last wish is the least that I can do, to requit everything she had given me." lumamlam ulit ang mga mata nito, hinawakan ng isang kamay nito ang mukha ko.

"Naiintindihan ko na, tahan na." kung di pa nito pinunasan ang mukha ko ay di ko pa malalamang umiiyak na pala ako.

"Pwede ka namang umalis, anytime-- diba?" he sweetly say while smiling as if his consoling me. 

Slave of the Devil's Love [Rebirth of Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon