Para po ito kay Miss Jhing. Ang ganda ng mga one shot niya :3 Inspiration porebs ^________^ sana mapansin niyo!
************
"Late na naman si MJ? Nuh ba 'yan." Sabi ni Nate habang nakatingin sa relo niya.
"As usual." Sagot naman ni Stacey.
"Hayaan niyo na. Umaabot naman siya eh." Sabi pa ni Aspen.
Since 1st year highschool, close friends na kami. Originally, ako, si Nate, Stacey, at Jace lang. Pero dumami rin nung nag 2nd year, sampu na kami. Ako, si Stacey, si Nate, si Elandrea, si Aspen, si Luis, si Might, si MJ, si Jace at Damian. Hangang ngayong 2nd year college na kami, stay strong parin ang friendship namin. At warfreak parin kami. A title we made since highschool.
"Oo nga. Order na lang tayo." Sabi ko naman at tumango sila.
"Oh kaya, hingin mo yung number ng babaeng malapit sa counter na kanina pa nakatingin sa'yo." Patawang sabi ni Jace at napatingin kaming lahat sa direction na tinitingnan rin niya.
Napangiti yung girl at bumalik sa sinusulat niya. Familiar siya. Hmm.
Naka-bun ang buhok niya pero may mga buhok na nahuhulog sa mata niya. Mukha siyang haggard. Naka-red uniform siya na may logo ng pizza cafe na toh. Ah. Pizza girl.
"Syemps. Si King pa." Biro ni Ela at tinapunan ko naman siya ng throw pillow. Comfy at home na home kasi yung place. Naghubad pa nfa kami ng mga sapatos. Favorite tambayan namin toh eh.
"Sira."
"Sus. Kunwari ka pa, gusto mo naman."
Tiningnan ko ng masama si Ela. Sasagot na sana ako ng pinitik ako ni Miggy.
"Papunta siya dito Bro."
Napaupo ako ng tuwid at ngumiti kay pizza girl.
"Good morning po. Mag-u-order na po ba kayo?" Ngiti niya balik sakin. Sakin lang talaga siya nakatingin. Cute.
Napatango ako as she handed me the menu.
"Umm.. Kami rin ate. Kasama niya kami for your information." Pagtataray ni Stacey at sinuway naman siya ng iba. Bubugbugin ko toh mamaya eh. Panira.
"Ay, sorry po. Eto oh." Binigyan rin si Stacey ng menu. Dalawa lang kasi yung menu na hinahawakan niya kaya pinag-agawan nila yun.
Tiningnan ko lang siya habang linilista niya yung order ng mga kaibigan ko. Familiar talaga siya eh. 'Di ko lang talaga maalala kung saan ko siya nakita.
Sus. Kunwarikapa. 'Yanlangnamanparatisinasabimokungmaygustolangpormahan.
Gago ka konsensiya.
"KING!" Nagulat ako when they all shouted in chorus.
"H-Ha?"
"Nagtatanong kami kung ano order mo." Ngisi ni Damian.
"Ah."
"You were spacing out." Tawa pa ni Ela.
"Kanina mo pa tinititigan si Ate." Dagdag pa ni Stacey.
Tinapik ako ni Jace sa balikat. "Kung ice cream 'yan, lusaw na 'yan."
Napatingin ako ulit kay pizza girl. Nakangiti lang siya.
Kinikilig kaya siya? Aba, dapat lang. Ampots. Ang presko ko.
"W-Water na lang."
"Yun lang po?"
Kyot. Nagpo-'po' siya. am'PO'ta.
"Kailan ka pa ba nag-water lang?" Tanong ni Miggy.
Tanginang mga kaibigan toh. Sarap bombahan.
I gave him a death glare. "Cheesecake na rin."
Tumango siya tapos umalis na rin.
"Kakahiya ka bro. Para kang tanga."
Simula na silang nagtawanan.
Mga gagong kaibigan toh.
"Uy, eto na pala si MJ!"
----
"Eto na po order niyo." Napatingin ako kay pizza girl as she started placing 2 plates of pizza in the table. "Coming up pa lang yung frapps at other desserts."
Tumango kami pero what's weird is because hindi siya umalis.
"May kailangan ka pa Ate?" Ela asked politely.
"Uhm. Sa kanya, meron eh." Sabi niya sabay tingin sakin.
Napatingin ako sa mga kasama ko and they were all grinning.
Okay. I know this. Eto na yung part kung saan niya hihingin number ko and I'll wholeheartedly give it to her.
Lol. Hahahaha. Yabang ko!
"Ano yun?" I smiled back.
"Umm. Mag-classmates kasi tayo sa Theo." Napansin niya siguro yung pagkunot ng noo ko because she added. "Okay lang kung hindi mo ko maalala kasi 'di naman talaga tayo nag-uusap."
Tumango naman ako.
"Ako pala si Arshelle."
Arshelle? cute. "Ah. Kingley." Sabi ko in reply and she nodded.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Kumakain sila ng pizza habang tumitingin samin. Pottah. Ano kami, live show?
"Eh kasi ano eh.. O-Okay lang ba kung.."
Sarap sabihin na 'Hihingin mo number ko? Suuuure.'
"Teka lang. Present ka ba last meeting?"
Huh? Kainis naman. Deretchohin mo na kasi kung hihingin mo number ko.
Tumango ako.
"Ano kasi... Kakahiya." Namumulang tawa niya.
"Nuh ka ba. Okay lang."
Eto na.
"Pwede ko bang.. "
Lasan kaya yung phone ko?
"Ano kasi...
Pwedekobangtanungin kung anoyungactivitylastweek? Absentakoeh."
What the-
Napatingin ako sa mga kaibigan ko.
Lahat sila pumipigil ng tawa.
-----
BINABASA MO ANG
FriendSHOTS
RandomCollection toh ng mga one shot ng isang barkada. Random pero usually love. List of barkada: -Stacey -Nate -Elandrea -Aspen -Luis -Miggy -MJ -Kingley -Jace -Damian