Ang Habangbuhay ^__^

324 10 0
                                    

Kinabukasan...

" Guys, I want you to meet someone," sabi ni Direk Bobet. May bago kasing magiging host sa noon time show namin. 

" Hello po, Im Karylle Tatlonghari," pagpapakilala ng babae. 

" Hello Im Anne Curtis, and this is Vhong Navarro, Billy Crawford and Jose Marie Viceral," pagpapakilala samin ni Anne. 

" Anne, sa naalala ko kasi may bibig kami eh. Pwede namang kami nalang ang personal na magpakilala diba? " pamimilosopo ko sa kanya. 

" Edi sorry! ikaw na nga tong pinakilala tapos ikaw pa tong nag - iinaso! " sambit niya saken. 

" Joke lang! Eto namang si Ms. Ngangabu masyadong mainit ang dugo" natatawang sambit ko sa kanya. Karylle just chuckled, actually i find this girl pretty tapos idagdag pa ang perpektong kurbada ng katawan niya.

Tagapagsalaysay

Naging malapit na kaibigan sina Vice at Karylle. Isang araw, pinapunta ni Karylle si Vice sa bahay niya.

" Ano ba kasing ipapakita mo sakin? " tanong ni Vice. 

" Basta dyan ka lang! " sabi ni Karylle. Naupo nalang si Vice sa kama ng dalaga at hinihitay itong harapin siya habang may kinukuha sa drawer. Hinarap na ni Karylle si Vice nay may tinatago sa likod. 

" Hindi ko alam kung tama ang hinala ko. Pero nung bata ka pa, may naaalala ka ba na batang babaeng nagbigay ng isang bagay sayo na matagal mo nang sinusuot? " tanong ni Karylle habang nakatayo parin at nakatago parin ang dalawang kamay sa likod. Nagtaka si Vice dahil hindi pa niya lubos maisip ang sinasabi ng babae. 

" Anong ibig mong sabihin? " tanong ni Vice. Nilabas na ni Karylle ang tinatago niya mula sa kanyang likod. Isang kwintas na katulad nang kay Vice. Natulala dahil sa gulat si Vice. 

" May lalaki kasi akong pinangakuan na hihintayin ko siya, at nangako rin siya saken na hindi niya huhubarin ang binigay ko sa kanya. Kasi alam ko na siya ang tutupad ng habang buhay namin. At ngayon sa tingin ko nahanap ko na siya," nakangiting sambit ni Karylle. 

" Rel... " yan nalang ang nasambit ni Vice at niyakap niya ang dalaga ng mahigpit. 

" Sabi naman sayo magkikita pa tayo, Jo" sabi ng dalaga at niyakap din ang binata.

Simula nun ay pormal na niligawan ni Vice si Karylle at di kalaunan ay naging magkasintahan sila.

February 14

" Saan mo ba ko dadalhin, Vice? " tanong ni Karylle habang naka - blindfold ang mata. 

" Basta! Sa isang lugar kung saan ipinangako kong dadalhin kita" sabi ni Vice. Naramdaman niyang bumitaw si Vice at narinig niyang tumatakbo ito palayo. 

" Vice? " tanging sambit niya at sumagot naman ito. 

" Pwede mo nang alisin ang Blindfold mo Babe " sigaw nito mula sa malayo.

Pagkaalis niya ay nagulat siya sa nakita. Nasa simbahan siya. Nandoon lahat ng mga kamag - anak at mga kaibigan nila. Maya - maya ay mag batang nag - abot sa kanya ng bouquet of flowers. Nag - martsa na siya papalapit kay sa altar at tumingin kay Vice na nakatitig sa kanya ng buong pagmamahal. 

Nang makalapit siya.

" Kaya pala pinipilit mong isuot ko to ah." sabi ni Karylle. Vice just gave him a smirk then humarap na sila sa altar. 

Its time para ibigay ang wedding vows nila.

" Naalala ko pa nung first kong mabugbog nang dahil sa isang babae, pinagalitan pa nga ko dahil sa mga pasa na natamo ko eh. At ang lagi ko lang dahilan sa mga tao ay dahil sa tinuro ng Lolo ko to be a gentleman and never to hurts girls physically nor emotionally. Naawa ako dun sa bata kaya i save him that cost me my life. Ang lakas pa nga umiyak nung babae eh. And i never thought that girl would be my forever, Kaya ngayon nangangako ako na maging isang mabuting ama sa ating mga anak at maging isang mabuti, tapat at mapagmahal na asawa sayo. Mahal na mahal kita, Rel" sabi ni Vice na medyo naluluha narin. 

Ibinigay niya naman ang microphone kay Karylle. 

" Ano ba yan, di ako handa! " natatawang sambit ni Karylle. Natawa narin ang ibang bisita. 

" Just tell what's in your heart " bulong ni Vice sa kanya. Napangiti naman si Karylle. 

" So many years ago, i remember my mother told me na kailangan naming umalis para sa isang heart transplant. Before talagang gusto ko nang umalis sa lugar na kung saan ako lumaki, because my father always protect me from the bullies. Pero may isang batang lalaking buong tapang na hinarang ang mga bullies na iyon. Pagkatapos nun, parang i felt protected again the same as i felt nung buhay pa si Papa. At mula nun, natakot na kong umalis sa lugar na yon. Takot na kong iwan ang batang lalaki na yun pero i have no choice. Kaya nagkaroon kami ng pangako sa isa't isa at itutuloy namin ang Habangbuhay namin. Kaya ipinapangako kong magiging tapat sayo katulad ng pagiging tapat ko sa pangako ko sayo dati," nakangiting sambit ni Karylle.

"You are now husband and Wife, You may kiss the Bride," sabi ng Pari.

At pinagsaluhan nila ang isang matamis na halik.

The End...


Kababata ft. ViceRylle ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon