Si Jo at si Rel ^_^

346 9 0
                                    

Vice's POV

"Kuys, tara! punta tayo sa Starbucks," yaya sakin ni Vhong, kaibigan ko.

"Una ka kayo mga Kuys. May gagawin pa kasi ako eh," sabi ko sakanila.

"Sure ka,Brad? Ano ba kasing ginagawa mo? " sabi niya saken. Sa totoo kasi, wala naman talaga akong ginagawa.

"Nako, Brad, Kung ako sayo, wag ka nang magpakapagod yayain yan. Eh mukhang tinatamad nanaman yan eh," natatawang sambit ni Billy. I smirked, tinatamad kasi talaga ako ngayong araw na to. Ewan ko ba, parang may nararamdaman akong kulang sa sarili ko.

"Sige brad una na kami ah," paalam sakin ni Vhong.

Ako nga pala si Jose Marie Viceral. People call me Vice. Isang akong Host sa isang noon time show. I can say na i have everything; A Loving Family, Faithful Friends and a Successful Career. But deep inside me, nararamdaman kong may kulang.

Dahil sa wala akong magawa, naisipan kong kalkalin ang wallet ko para kunin ang isang litratong punong - puno ng alaala.

" Nasan kana kaya, Rel?" wala sa sariling sambit ko. Habang nakikita ko ang maamo niyang mukha, sumasariwa sa alaala ko lahat ng magagandang pangyayari, kahit nung una kaming nagkakilala.....

Flashback...

"MAMA!!PAPA!!Whaaaa!!! " bulyaw ng isang batang babae habang umiiyak.

" Wag ka ngang maingay! Iyakin kana nga, Maingay ka pa! Kulot Salot! " bulyaw sa kanya ng batang lalaki.

Nagtawanan naman ang mga batang bumu - bully sa batang babae sabay sigaw ng Kulot Salot.

" Itigil niyo yan! " matapang na sigaw ng batang lalaking kararating lang

" Aba! Ang tapang mo ah! Sino ka ba sa tingin mo?! " sabi ng isa sa mga nambubully na lalaki

" Pakawalan niyo siya! Ako nalang ang saktan niyo! " sabi ng batang lalaki sabay pikit na animo'y inihahanda ang sarili sa matatamo niyang sakit ng katawan.

" Ah! Ganun pala ah! " sambit ng Bully at ginawaran niya ng isang suntok sa mukha ang batang lalaki. Sinundan naman ng mga kasama nito. Nang makita nilang wala nang malay ang batang lalaki ay tinigilan na nila ito.

"Masyado ka kasing nagpapaka - Super Hero eh, yan tuloy ang napala mo! " huling sambit ng Bully at umalis na ito habang tumatawa. Nilapitan naman ng batang babae ang nagligtas sa kanya at humingi ng tulong.

Nagising nalang ang batang lalaki sa isang bahay na hindi pamilyar sa kanya. Nang magising naman ang batang lalaki ay agad na lumapit ang batang babae.

"Hello, okay kana ba? " tanong ng batang babae.

" Nasan ako? Bakit mo ko dinala dito? " tanong naman nito pabalik.

" Nandito ka sa Treehouse namin ng Daddy ko. Sya ang gumawa nito. Di ko kasi alam kung saan ka dadalhin kaya dito nalang kita dinala. " paliwanag ng batang babae.

"Oo nga pala, Ako si Rel. " pagpapakilala ng batang babae.

" Ako naman si Jo. " sabi ng batang lalaki.

"Jo, bakit mo nga pala ginawa yung kanina? " ani ni Rel

" Kasi mali yung ginagawa nila. Sabi ng Lolo ko, di bale nang ako ang masaktan, wag lang Babae." pagpapaliwanag ni Jo.

Kababata ft. ViceRylle ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon