Chapter 1

104K 1.4K 7
                                    

Philippines
     
      "Salamat naman iho at umuwi ka na," sabi ni Mama habang nasa Sala.
     
      Huminto ako sa paglalakad, aakyat na sana ako sa hagdan papunta sa kuwarto ko pero palapit na siya sa'kin para salubungin ako. Gusto ko muna sanang mapag-isa para wala munang makausap kahit sino dito sa bahay pero nagsalita na si Mama.
     
      "James, anak, you need to talk to your father," sabi niya.
     
      Gusto kong kumalma kahit ramdam ko nang pagtatalunan na naman namin ang tungkol sa bagay na iyon.
     
      "Ma, nag-usap na ho kami 'di ho ba?" sabi ko sa mababang tono.
     
      "But you need to talk to him again," sabi niya. Hindi talaga nila ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag sa gusto nila.
     
      "Ma, hindi na ho magbabago ang desisyon ko. Hindi ho ako magpapakasal sa babaeng ipinipilit niyong pakasalan ko," sabi ko.
     
      "James, malaki ang maitutulong niya sa ating kompanya," sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos.
     
      "Ang kompanya? Ma, hahayaan niyo na lang bang kontrolin ni Papa ang mga buhay natin? Ang buhay ng anak mo para lang sa kompanyang sinasabi niyo?"
     
      They always want the best for this company kahit mali na ang paraan nila! Paano naman ako? I also want the best for myself. I want to have a successful life and a happy life at the same time. And I know exactly what would make me happy.
     
      Marami namang paraan para mas umunlad ang kompanya namin, masyado lang silang nagmamadali at nagpapadala sa inggit at galit.
     
      "James, itong kompanya LANG naman ang dahilan kung bakit meron tayo ng ganitong buhay. Itong kompanya LANG naman ang nagpapakain sa atin, itong kompanya LANG naman ang nagbibigay ng lahat ng kailangan natin," sumbat ni Mama sa'kin.
     
      "Ma, I know! I was just disappointed that you're choosing your son to be miserable by marrying a stranger just for this company to be the best among the other companies! Kasi puro kayo kompanya! Walang ibang importante sa inyo kung hindi kompanya, kahit maaaring ikasira ng buhay ng anak niyo!"
     
      Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Sinampal ako ni Mama at alam kong nabigla lang siya dahil sa pagtaas ng boses ko. Hindi ko lang talaga napigilang magtaas ng boses dahil sa mga bagay na gusto kong ipaintindi sa kanila. Fuck! Kadarating ko lang tapos ganito?
     
      Iniwan ko na lang siya at umakyat na lang ako papunta sa kuwarto ko. Ayoko ng makipagtalo pa. Idinayal ko ang number ni Crystal at ang tagal bago may sumagot.
     
      "Mahal ko?" sabi sa kabilang linya.
     
      "Nasa bahay ka na ba?" tanong ko.
     
      "Oo mahal ko, kausap ko sina Daddy kanina nung tumatawag ka. Lumayo lang ako para masagot ko ang tawag mo," sabi niya.
     
      "Ganun ba," sabi ko.
     
      "May problema ba, mahal ko?" tanong niya.
     
      "Nagtalo na naman kami ni Mama pero huwag ka ng mag-alala mahal ko," sabi ko nung maramdaman ang pag-aalala niya. "I miss you," sabi ko pa. I miss her. I can't wait to see her again, to hug and kiss her again. Oh, God! I want her so bad!
     
      "I miss you too, mahal ko," sabi niya.
     
      "Magkita tayo ngayon," sabi ko. Iyon lang ang nasabi ko. Fuck, I want to be with her now!
     
      "Seryoso, mahal ko?" pagtataka niya.
     
      "Dating tagpuan mahal ko," sabi ko na lang.
     
      Pagkababa ko ng telepono, lumabas na ako ng kuwarto ko. Halos paliparin ko na ang kotse ko sa pagmamadaling makasama ang babaeng mahal ko.
     
      Ilang minutong biyahe bago makarating sa lugar na kami lang ni Crystal ang nakakaalam. Malayo sa kompanya at sa magulo naming pamilya. Pero kahit malayo sa kanilang lahat ang tagong lugar na iyon ay maingat pa rin kaming dalawa. Iniiwan namin ang mga kotse namin sa isang lugar malayo sa secret place namin atsaka kami magco-commute papunta doon.
     
      Noong magkasintahan pa lang kami, madalas kaming pumunta doon. Kuntento lang kaming dalawa na magkasama, ganun ko siya irespeto. Masaya lang kaming nasosolo namin ang isa't isa. Pero simula nung maging asawa ko na siya, hindi na ako makatagal ng ilang oras na hindi ko siya kasama.
     
      Nang makapasok kami sa isang malaking kubo na ipinatayo namin noong magkasintahan pa lang kami ay siniil ko agad siya ng halik. We didn't talk. We just started to feel our body wants to feel. We just did what our hearts and mind want to do hanggang sa naging isa kami.
     
      "Mahal ko, dito na lang kaya tayo forever?" sabi niya habang nakahiga kami sa papag na may malambot na kutson sa ibabaw at ang ulo niya ay nasa dibdib ko.
     
      Walang masyadong tao sa lugar na ito at wala ring nakakakilala sa amin dito. Ang alam ko lang ay sa ibang bansa na nakatira ang may-ari ng lupang ito. Parang gubat kung titingnan pero hindi naman nakakatakot.
     
      Handa akong magbayad kung sakaling may makakita sa amin dito na nagmamay-ari ng lupang ito bilang paglalagay ng kubo dito. Ang kaso, mukhang wala namang nangingialam maliban sa matandang nakausap namin na bumibisita dito paminsan-minsan. Nagbayad na lang ako sa kanya at siya na raw ang bahala.
     
      "Kaya mo?" sabi ko. Malayo kasi sa bayan.
     
      "Ano bang alam mo sa kaya ko? Hindi naman porket lumaki akong mayaman, hindi ko na kaya. Kahit saan mahal ko, basta't kasama kita," sabi niya.
     
      "I'm just asking, my love," sabi ko na lang habang napapangiti sabay halik sa bumbunan niya. "I love you," sabi ko pa.
     
      "Mahal na mahal din kita James," sabi niya. Huminga ako ng malalim.
     
      "Kung puwede nga lang na dito na lang tayo mahal ko," sabi ko.
     
      "Puwede naman," sabi niya at tumingin sa'kin. Seryoso ba siya? Lalayo siya sa mga magulang niya para lang makasama ako?
     
      "Yeah, pero kakailanganin pa ako sa kompanya," sabi ko na lang.
     
      Nag-iisang anak ako at ako lang ang inaasahan nilang magpapatakbo niyon balang-araw. Gusto ko rin namang paghirapan lahat ng meron ako at ayokong iasa lahat sa magulang ko. Kailangan ko ring patunayan kay Papa na kaya kong patakbuhin ang kompanya namin sa sariling sikap at hindi katulad ng pinaplano nila.
     
      "Yeah, right. Hindi mo puwedeng iwan ang company niyo," sabi niya na parang nagtatampo.
     
      "Puwede naman eh, basta nakapagtapos na ng pag-aaral ang mga magiging anak natin," nakangiti kong sabi sa kanya.
     
      Sa ngayon, wala pa kaming balak mag-anak dahil nga sa sitwasyon namin. Ramdam kong nakikinig lang siya sa'kin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
     
      "Mahal ko, madami pa akong pangarap para sa atin. Una, kailangan muna nating harapin at lagpasan ang mga pagsubok na meron tayo ngayon. At ayoko ring mapahiya sa pamilya mo. Ayokong habambuhay tayong nagtatago. Kailangan nating maging handa. Matatanggap din nila tayo mahal ko, sana," sabi ko.
     
      "What if hindi? Kapag nalaman nila ang tungkol sa'tin, kaya mo ba akong ipaglaban?" tanong niya.
     
      "Tss, hindi mo rin alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin, makasama lang kita," sabi ko.
     
      "Paano kung ilayo ka nila sa'kin at ilayo rin nila ako sayo?" tanong niya.
     
      "Hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Trust me," sabi ko.
     
      "Promise?" sabi niya.
     
      "Just believe in me," sabi ko. Ayoko kasi ng promise pang ganyan. Basta kapag sinabi ko, I will.
     
      "Mahal ko naman eh sige na mag-promise ka na," sabi niya.
     
      "Tss, okay promise," sabi ko.
     
      Gabi na nung umuwi kami ng asawa ko. Pumasok na ako ng bahay at saktong nandun si Papa sa Sala.
     
      "Mag-usap tayo," sabi niya pagkakita sa'kin.
     
      Umakyat siya at sumunod lang ako. Pumasok kami sa opisina niya. Hinihintay ko lang siyang magsalita.
     
      "Ayokong isipin pero natatalo na ang kompanya natin ng mga Gomez. At hindi ako makapapayag na hindi tayo makabawi! Kailangan natin silang matalo," sabi niya. Gomez. Pamilya ni Crystal.
     
      "Pa, kayo lang naman ang ayaw magpatalo. At kayo rin lang naman ang nakikipagkompitensya at kumokontra sa kanila dahil galit kayo sa kanila," sabi ko.
     
      "Galit nga ako sa kanila at hindi ako papayag na mapahiya nang dahil sila ang nangunguna kaysa sa atin!"
     
      Maiintindihan ko sana kung namumulubi na ang kompanya namin, pero hindi naman eh! Ego lang niya ang mahalaga sa kanya. Gusto niya lang na siya ang mas angat kaysa sa mga Gomez. Alam kong masama ang intensiyon niya. Nang dahil sa galit hindi siya marunong magpalamang.
     
      "Lumalaban naman sila ng patas, kayo lang itong puro galit ang nasa dibdib kaya hindi niyo sila malagpasan."
     
      "Ano'ng alam mo sa mga Gomez? Ako ang ama mo, sa akin ka lang dapat kumakampi! " sabi niya. Asawa ko ang anak ng kinakalaban niyo! Gusto ko sanang isigaw.
     
      "Oo Pa, ama ko nga kayo at anak niyo ako, kaya hindi niyo ako dapat pinipilit na maikasal sa babaeng hindi ko naman gusto!"
     
      Hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam ni Crystal kung bakit kaaway na mortal ni Papa ang daddy niya.
     
      "Nagkasundo na kami ng kaibigan ko na pag-isahin ang kompanya namin kapalit ng pagpapakasal mo sa nag-iisa niyang anak na babae."
     
      "Pa, hindi ako papayag!"
     
      "James, ikaw ang papalit sa puwesto ko pagdating ng panahon kaya pumayag ka."
     
      "Kaya ko namang patakbuhin ang kompanya ng walang ganyang kasunduan!"
     
      "Hindi ganun kadali, mas mabuti kung tatanggapin natin ang alok ng kaibigan ko. James, hindi mo pa nga siya nakikilala, magugustuhan mo rin siya."
     
      "Hindi niyo ako puwedeng pangunahan sa mga gusto kong gawin sa buhay ko!"
     
      "Ama mo ako, hindi mo ako puwedeng suwayin! Hindi ka mabubuhay kung wala ako! Gawin mo 'to para sa pamilya mo."
     
      Pero pamilya ko na rin ang mga Gomez! Pamilya ng asawa ko ang kinakalaban niya!
     
      "Paano ho kung ayaw ko?"
     
      "Kalimutan mo na kami ng mama mo, aalis ka ng bahay na 'to ng walang dala kahit ano. Lahat ng nasa iyo babawiin ko," sabi niya.
     
      Desperado na talaga ang ama ko. Kaya niya talagang gawin sa sarili niyang anak 'yun!? Fuck! Hindi ako natatakot mawalan ng kahit ano pero huwag lang ang pamilya ko lalo na ang asawa ko.
     
      "You're impossible," sabi ko na lang.
     
      "You'll meet them tomorrow," sabi niya at umalis na.
     
      Napapagod na akong makipagtalo. Naiwan ako doong mag-isa. Pagkaalis ni Papa, hindi ko na napigilang sipain ang upuang nasa harapan ko.
     
      Hindi ako puwedeng magpakasal dahil kasal na ako sa babaeng mahal ko. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nilang lahat.
     
      Kaya ko rin namang magtrabaho sa iba para sa amin ni Crystal nang hindi humihingi ng tulong kay Papa pero hindi pa sa ngayon. Marami pa akong kailangang patunayan.
     
      Hindi ako makatulog sa kaiisip. Napagdesisyunan kong pumunta sa isang malapit na club at uminom ng kaunting alak.
     
      Kasalukuyan akong umiinom ngayon habang sa bandang kanan ko ay isang lasing na babae.
     
      "Penge pang isha!" Narinig kong sabi ng babae sa bartender.
     
      "Ma'am, lasing na lasing na po kayo eh," sabi nung lalaki.
     
      Ayokong makinig sa kanila pero kusa kong naririnig at wala na akong pakialam kung marinig ko man sila.
     
      "Bhakit ka bha nangingialam eh magbhabhayad naman ako!" sigaw nung babae.
     
      "Pero ma'am," sabi nung lalaki.
     
      "Shige na lasht na promishe," pakiusap ng babae. Wala ng nagawa ang lalaki kaya binigyan na ulit ang babae ng alak.
     
      Tumahimik na ang babae. Maya-maya ay narinig ko na namang nagsasalita pero wala namang kausap. Hindi ko maintindihan ang ibang sinasabi pero nagulat na lang ako nung kulbitin niya ako atsaka nagsalita.
     
      "Mashama bha akong anak?" tanong ng babae.
     
      Ano'ng sinasabi niya? Hindi ko naman siya kilala. Nakatingin lang ako sa kanya at hinahayaan siyang magsalita.
     
      "Ginawa ko naman ang mga gushto nila kahit minshan labhag na sha loob ko, puwede bhang tama na ngayon? Malaki na ako eh, kaya ko ng magdeshisyon para sha sharili ko. Di bha? Di bha?" sabi niya pero wala akong balak sagutin siya.
     
      Una sa lahat, wala akong siglang makipag-usap sa lasing. Pangalawa, hindi ko siya kilala. Pangatlo, nandito ako para mag-unwind.
     
      Nakatingin pa rin siya sa'kin na parang naghihintay ng sasabihin ko pero ibinaling ko na lang sa iba ang aking paningin nang siya ay magsalita ulit.
     
      "Tsk. Para naman akong lashing nito eh. Makaalish na nga," sabi nung babae.
     
      Parang lasing, eh lasing naman talaga. Akma na siyang tatayo nang bigla siyang mawalan ng balanse. Mabuti na lang at nasalo ko agad. Tss, nagpunta ako dito para makalimutan ang problema ko tapos ito pa ang madadatnan ko dito.
     
      "Miss," sabi ko. Ginigising ko siya pero hindi naman magising. Tsk. Badtrip, "nasaan 'yung mga kasama nito?" tanong ko sa bartender.
     
      "Naku sir, wala ho yatang kasama si ma'am na nagpunta dito," sagot ng bartender.
     
      Fuck, paano na 'to, tumingin ako sa paligid at karamihan ay mga lasing na, lalo na ang mga lalaki maliban sa'kin. Naisip kong dalhin muna ang babae sa loob ng kotse ko para hintaying magising.
     
      "Mmm.. Ashan ako?" tanong nung babae habang nakapikit pa rin.
     
      "Miss, magpasundo ka na, lasing ka na," sabi ko.
     
      "Ayaw..," sabi niya. Tss.
     
      "Saan ka nakatira? Ihahatid na kita," sabi ko.
     
      "Ayoko nga kashi umuwi eh. Ilayo mo na ako dito shige na. Dalhin mo ako kay Renz," sabi pa niya.
     
      "Nasaan siya?" tanong ko.
     
      "Sha Canada. Nandun shiya. Tara na shige na." Canada? Fuck! Konting pasensya pa James. Maya-maya ay tumawa naman nang tumawa.
     
      "Hahahaha shorry lashing na ako hahaha." Tss, ngayon lang niya napansin na lasing na siya? Tsk.
     
      "Akin na ang cellphone mo," sabi ko. Ako na lang ang kokontak sa pamilya niya para masundo na ang babaeng 'to.
     
      "Hoy! Alam ko pa ang ginagawa ko ha! Hindi mo ako maiishahan! Chellphone, chellphone ka diyan, ano'ng kashunod, wallet ko naman? Ugok!"
     
      What!? Ano'ng iniisip ng babaeng 'to? Huminga ako ng malalim at kumalma.
     
      "Miss, wala akong balak na nakawan ka. Tss, ako na ang tumulong, ako pa ang naging masama."
     
      "Ganun bha, bashta ayoko pang umuwi ha, period."
     
      Nakatulog na naman ang babae. Bahala na. Inuwi ko na lang ang babae sa bahay at ipinasok sa guest room. Nakokonsensiya rin naman ako dahil nakaka-relate din naman ako sa kanya tungkol sa sinasabi niya na gusto ng magulang niya na labag sa loob niya.
     
      Nagising ako na may kumakatok sa pinto ng kuwarto ko.
     
      "Sir, bumaba na raw po kayo at parating na ang mga bisita," sabi ng kasambahay pagkabukas ko ng pinto.
     
      Bisita? Fuck! Sinabi nga pala ni Papa kahapon na ngayon ko makikilala ang ipinipilit nilang pakasalan ko!
     
      Maya-maya ay pumunta ako ng guest room. Wala ang babae sa kama. Maya-maya ay may lumabas galing ng banyo.
     
      "Sino ka?" tanong ng babae.
     
      "You're in our house," sagot ko.
     
      "Inaangkin ko ba? Bakit ako nandito, ano'ng nangyari kagabi? Ano'ng ginawa mo?!"
     
      I can't believe this! Siya pa talaga ang may ganang magalit.
     
      "Tss, saka na ako magpapaliwanag. Halika, magpapanggap kang girlfriend ko," sabi ko at hinila ko na siya palabas ng guest room.
     
      "Saglit nga lang! Bakit ko naman gagawin 'yun?!" sabi nung babae.
     
      "Para makabayad ka. Tinulungan kita kagabi, ayaw mong umuwi, halos lasing na lahat ng nasa club, kaysa mapahamak ka, inuwi muna kita dito. So, puwede mo na ba akong bayaran ngayon?"
     
      "Tutulong-tulong tapos may kapalit agad," sabi nung babae.
     
      "What?"
     
      "Wala, sige na nga pumapayag na PO ako," sabi niya.
     
      Sa totoo lang, hindi ko 'to p-in-lano. Nagkataon lang na naaayon ang mga nangyayari ngayon sa sitwasyon. Kaya ginamit ko na rin 'tong babae tutal nandito na rin lang. Sinabi ko lang na may utang na loob siya sa'kin para madali ko siyang mapapayag. Gagawin ko 'to para tigilan na nila akong lahat sa pagpapakasal na iyan. Sana umatras na sila ng matapos na 'tong kalokohan na 'to.
     
      "Wait lang, mauna ka na sa baba," sabi niya at nagtatakbo pabalik ng kuwarto. Nasusuka pa, tss. Hangover.
     
      Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang mga nag-uusap.
     
      "Bakit nga pala hindi mo kasama ang anak mo?" tanong ni Papa sa bisitang lalaki. Sana nga umatras na 'yung babae.
     
      "Nandito ako para humingi ng paumanhin dahil nakalimutan yata ng anak ko na ipapakilala ko na siya sa inyo. Pero nangangako akong sa ibang araw makikilala niyo na siya," sabi nung lalaki.
     
      "Nandiyan na pala ang anak ko," sabi ni Papa sa bisita. Lumapit ako sa kanila.
     
      "James, si Fred, ang magiging in-law mo," sabi ni Papa sa'kin. In-law?
     
      "Pa, nandito ang girlfriend ko," sabi ko.
     
      "What!?"
     
      Maya-maya ay bumaba na nga ang babae na tinulungan ko kagabi. Ano kaya ang pangalan niya?
     
      "Karren!" tawag nung lalaki na kaibigan ni Papa sa babaeng pababa ng hagdan.
     
      "Papa?" sabi nung babae.
     
      "Magkakilala pala kayo iha? Girlfriend ka pala ng anak ko?" tanong ni Papa at tumango naman ang babae na Karren pala ang pangalan.
     
      Ang bilis ng pangyayari at hindi pa naiintindihan ng babaeng 'to ang nangyayari! Fuck, lalong gumulo nang dahil sa akin!
     
      "Papa, bakit po kayo nandito?" tanong nung Karren sa papa niya.
     
      "Alam mo bang 'yang boyfriend mo ang sinasabi kong pakakasalan mo?" sabi nung lalaki habang nakangiti.
     
      "What!?" sigaw nung babae na Karren pala ang pangalan tapos ay tumingin sa'kin at hinila ako palayo kina Papa. Nagpaalam naman kaming mag-uusap lang.
     
      "Magkasundo naman pala ang mga bata." Narinig ko pang sabi nung ama ng Karren.
     
      "Ano'ng alam mo?" tanong nung babae nung makalayo kami.
     
      "Ngayon ko lang din nalaman," sagot ko. Ngayon ko lang din naman talaga nalaman na siya pala.
     
      "Shit! Small world!" sabi niya.
     
      "Yeah right," sabi ko.
     
      "Alam mo bang pinalala mo lang ang sitwasyon sa pagpapanggap nating magkasintahan!?"
     
      "It's already happened," sabi ko na lang.
     
      "Sa nalaman nila, lalo lang nila tayong itutulak sa pagpapakasal na 'yan!" sabi niya.
     
      "Hayaan natin sila, ang importante hindi natin gusto pareho 'to," sabi ko.
     
      "Ano'ng ibig mong sabihin?"
     
      "Sakyan lang muna natin sila. Ako ng bahala," sabi ko.
     
      Iyon na lang ang nasabi ko. Maganda na 'yung kakutsaba ko siya. Ang problema, kung paano ko ipapaliwanag sa asawa ko.

MY HIDDEN WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon