Chapter 2

97.8K 1.1K 14
                                    

CRYSTAL
     
      Gising na kaya ang mahal ko? Matawagan nga. Ilang beses ko ng kinokontak hindi pa rin sinasagot ang tawag ko. Hays, ang hirap naman ng ganito. May asawa ka nga pero malayo naman sa'yo.
     
      Nasa Sala kami ni Mommy nang biglang tumunog ang cellphone ko. Naku! Si James na yata 'to. Tatayo na sana ako palayo kay Mommy nang makita ko sa screen kung sino ang tumatawag. Ibang number eh. Hindi naka-register, sino kaya 'to? Sasagutin ko ba?
     
      "Hello? sabi ko sa kabilang linya.
     
      "Crystal?" sabi ng nasa kabilang linya.
     
      "Do I know you?" tanong ko.
     
      Napatingjn si Mommy sa'kin. Sigurado akong hindi 'to ang asawa ko dahil sa boses, at hindi 'yun gumagamit ng ibang number sa'kin.
     
      "Bebe ko, nakalimutan mo na ako?" sabi sa kabilang linya. Bebe ko?
     
      "Mark!" sabi ko nang may excitement. Siya lang ang tumatawag ng ganun sa'kin, bata pa lang kami.
     
      "Akala ko nakalimutan mo na ako. Dalawang taon lang naman ako nawala eh," sabi niya.
     
      Two years ago nung magpasya siyang magpunta sa Canada dahil sa nagkasakit niyang ama. Si Mark nga pala ang bestfriend ko.
     
      "Baliw, hindi. Nagtaka lang ako. Kailan ka pa dumating?" tanong ko.
     
      "Kahapon lang. Mabuti naman at 'yan pa rin ang number mo, bebe ko. Nasa bahay ka lang ba?" tanong niya.
     
      "Oo," sagot ko.
     
      "Papunta na ako diyan. Bye, bebe ko," sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero naibaba na niya. Papunta agad?
     
      "Iha, si Mark ba 'yun na bestfriend mo?" tanong ni Mommy.
     
      "Yes, Mom. Actually, papunta na daw po siya dito," sabi ko.
     
      "Talaga? Mabuti naman at miss ko na rin ang batang 'yun," sabi ni Mommy.
     
      Actually, ka-close ni Mark ang mga magulang ko. Magkakaibigan din kasi ang mga magulang namin.
     
      "Bebe ko!" tawag ni Mark sa'kin pagkapasok niya ng bahay namin. Niyakap niya ako agad.
     
      "Tita Rita, kamusta na po?" tanong niya kay Mommy at niyakap din.
     
      "Mabuti naman, iho. Kamusta na ang daddy mo?" tanong ni Mommy.
     
      "Okay na po siya. Malakas na po ulit," sagot ni Mark.
     
      "Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik ng Pilipinas," sabi ni Mommy.
     
      "Opo, para naman madiskartehan ko na itong anak niyo," sabi niya habang tumatawa.
     
      Ano daw? Napanlakihan ko naman siya ng mata dahil sa biro niya. Ang alam niya kasi wala pa akong boyfriend eh hindi niya alam may asawa na ako.
     
      "Ewan ko nga ba dito kay Crystal. Ang daming gustong manligaw, bina-busted naman. Baka kako ikaw lang ang hinihintay," sabi ni Mommy.
     
      "Mommy!" sabi ko.
     
      "Totoo ba bebe ko? Nagpapakipot ka lang yata sa'kin ha?" sabi niya.
     
      "Baliw!" sabi ko at hinampas ko siya.
     
      "Baka tumandang dalaga ka na niyan iha. Huwag naman po sanang mangyari," sabi ni Mommy na medyo may pagka-OA.
     
      Nakakainis naman, ayoko ng ganitong usapan. Kung alam lang nila na may asawa na nga ako!
     
      "Mommy, twenty five pa lang po ako. Ang bata-bata ko pa kaya," sabi ko na lang.
     
      "Nagbibiro lang naman ako iha," sabi ni Mommy.
     
      "So, hanggang kailan ako maghihintay bebe ko?" tanong ni Mark.
     
      "Mark, alam mo namang kapat–" sabi ko pero hindi na niya ako pinatapos. Kapatid lang naman talaga kasi ang turing ko sa kanya.
     
      "Okay, okay. Basta nandito lang ako bebe ko ha?" sabi niya at ngumiti lang ako. Ang kulit niya talaga pero sanay na ako. Na-miss ko nga siya.
     
      "Tita, susunduin ko po mamaya si Crystal ha?" pakiusap ni Mark.
     
      "Bakit?" tanong ko.
     
      "Kasabay kong umuwi si Renz. Birthday niya ngayon at may party sa bahay. Wala akong partner eh. Puwede po ba Tita?" tanong niya kay Mommy.

Tss, talagang si Mommy ang tinatanong ng baliw na 'to. Paano kung ayaw ko? Sabagay, ngayon lang ulit kami nagkasama ng lalaking ito.
     
      "Of course iho! Mas may tiwala naman ako sa'yo kaysa sa iba," sabi ni Mommy habang nakangiti. Ang lakas niya kay mommy, grabe.
     
      "Partner lang pala, eh 'di ba madami ka namang chicks?" sabi ko.
     
      "Bebe ko naman, syempre ikaw ang gusto kong kasama," sabi niya. "Thank you Tita ha, kayo na po ang bahala kay Tito," sabi pa niya at ngumiti na naman si Mommy.
     
      Okay. Wala na akong nagawa para hindi sumama sa kanya mamaya. Nakaalis na si Mark at mamaya nga daw ay susunduin ako.
     
      Tatawagan ko na sana ulit si James nang bigla naman akong makatanggap ng message galing sa kanya. 'Mk' ang naka-register sa mga cellphone namin na ibigsabihin ay 'Mahal ko'.
     
      From: Mk
     
      Mahal ko, miss na miss na kita. Medyo busy pa ako. Magkita tayo bukas. Mag-uusap tayo. I can't wait to see you. Ayokong tumawag kasi kapag narinig ko ang boses mo, baka iwan ko lahat ng ginagawa ko dito para lang makasama ka. I love you.
     
      Excited na ako para bukas. Nag-reply ako.
     
      To: Mk
     
      I miss you too, mahal ko. Okay, bukas po. I love you too.
     
      Pagka-send ko nun, ewan ko ba pero bigla na lang akong naluluha. I miss him so much. Hay..
     
      Sinundo na nga ako ni Mark. Actually, boyfriend material naman si Mark. Mabait, sweet, gentleman at masayang kasama si Mark pero talagang kapatid lang ang turing ko sa kanya.
     
      Nandito kami sa loob ng kotse niya sa may harapan ng gate namin. Hinawakan niya bigla ang kamay ko. Nagulat naman ako.
     
      "Uhm, bebe ko, favor naman," sabi niya.
     
      "Ano 'yun?" tanong ko.
     
      "Magpanggap kang girlfriend ko ngayong gabi. Ayaw mo naman in real life eh 'di kunwarian na lang," sabi niya.
     
      "Bakit ko naman gagawin 'yun?" tanong ko.
     
      "Gusto ko lang ma-experience na maging boyfriend mo, kahit ngayon lang, kahit kunwarian lang," sabi niya.
     
      "Mark naman eh.. Akala ko naman may pagseselosin ka lang o kung ano na. Hindi naman pala. Ayoko," sabi ko.
     
      "Sige na. Ang daya mo, kapag ako ang nagpapanggap na boyfriend mo noon kapag may nanliligaw sa'yo na ayaw mo," sumbat niya. Konsensyahin ba naman ako.
     
      "Eh 'di na-experience mo na ngang maging girlfriend mo ako," sabi ko.
     
      "Iba 'yun. Sige na kasi bebe ko," pakiusap niya.
     
      Magkaiba pa ba 'yung pinagpanggap ko siyang boyfriend ko dati sa pagpapanggapin niya akong girlfriend niya ngayon?
     
      "Tss, fine!" sabi ko na lang.
     
      KARREN
     
      "Hello James? Karren 'to," sabi ko sa kabilang linya.
     
      Sa totoo lang, wala pa kaming masyadong pinag-uusapan about sa plano ng mga magulang namin. Bago kami umalis ni Papa sa bahay nila nung araw na 'yun eh kinuha ko ang mobile number niya. Actually, we have decided to take it easy and just play it cool.
     
      Hindi na ako natatakot sa kasalang 'yan dahil mutual naman ang feelings namin nitong si James. Ayaw namin sa isa't isa. Period.
     
      "Why?" sabi sa kabilang linya.
     
      Umuwi na pala si Renz at nakatanggap ako ng imbitasyon galing sa kanya dahil birthday niya. Renz. My first boyfriend/ first ex boyfriend. I don't know kung bakit pinadalhan pa talaga ako ng invitation. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ako pupunta. Tsk. Tsk.
     
      "A-attend tayo ng party mamaya. Sunduin mo ako sa bahay mamayang alas-siyete ng gabi ha? Ite-text ko na lang sa'yo ang address ko," sabi ko.
     
      "What? Paano kung ayaw ko?" sabi niya.
     
      "Kapag hindi ka pumayag, sasabihin ko sa kanila na ikasal na tayo bukas!" sabi ko, haha.
     
      "What!? Are you out of your mind? Akala ko ba-" sabi niya pero hindi ko na pinatapos.
     
      "Akala mo ayaw ko sa'yo? Mehn! Madaling magbago ang isip ko. Kaya kong turuan ang puso ko na ibigin ka!" sabi ko. Ewww ano bang pinagsasasabi ko? Hahaha pero ang sarap niyang asarin.
     
      "Damn! Ano bang meron sa party na 'yun?" tanong niya. Tss, high blood masyado. Aasarin ko pa sana kaso baka lalong umayaw.
     
      "Basta mamaya ko na lang idi-discuss sa'yo. Bye," sabi ko.
     
      Sinundo na nga niya ako. Takot talagang maikasal sa'kin ang walanghiya! Haha. Choosy pa siya pasalamat nga siya pinapansin ko siya, kung alam lang niya na ang daming nagkakandarapang lalaki mapansin ko lang.
     
      Sinimulan ko ng i-discuss sa kanya nung magkasama na kami.
     
      "Birthday party ng ex boyfriend kong si Renz ang pupuntahan natin. Sabihin na nating bitter ako kaya magpapanggap tayong mag-jowa okay?" sabi ko.
     
      "So, gagamitin mo lang pala ako?" tanong niya.
     
      "Tss, pareho lang naman tayong naggagamitan 'di ba? Atsaka masanay na tayong nagpapanggap dahil iyon tayo eh," paliwanag ko atsaka ngumiti.
     
      "Tss," sabi niya.
     
      CRYSTAL
     
      Bawat madaanan namin ay panay ang bati sa amin ni Mark. Actually, may ilan naman akong kakilala atsaka hindi ko naman first time dito sa bahay nila. Kilala ko rin naman si Renz at ganun din siya sa akin. Tiyak magugulat 'yun sa kalokohan ng kapatid niya. Hindi kasi basta-basta maniniwala 'yun na magkasintahan kami ni Mark.
     
      Maya-maya'y may tumawag kay Mark, "Mark!" Hawak pa rin niya ang kamay ko. Lumingon si Mark sa babaeng tumawag sa kanya.
     
      "Karren?" sabi ni Mark.
     
      "Kamusta? Boyfriend ko nga pala, si James," sabi nung babae habang paharap na ako sa kanila.
     
      Na-miss ko tuloy ang asawa ko sa pangalang narinig ko pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. James!? Napansin ko rin ang pagkagulat ni James nung makita ako. Akala ko kapangalan lang pero ano ito?
     
      "Mabuti naman, and I'm sure ikaw rin. Nakita na ba kayo ni Renz? Girlfriend ko nga pala, si Crystal," pagpapakilala ni Mark sa akin.
     
      Sa totoo lang, hindi ko na iniintindi ang mga sinasabi nila. Nakatingin lang kami ni James sa isa't isa. Napalunok ako.
     
      Pero ano daw? Boyfriend siya ng babaeng ito? Gusto ko nang maiyak pero napansin ko na parang may galit sa mga mata niya.
     
      Kung nakamamatay nga lang ang mga titig niya ngayon. Siya pa ang may ganang magalit eh kung alam nga lang niya na nagpapanggap lang naman kami ni Mark! Shit, ano bang nangyayari ngayon sa amin? Kaya ba busy siya dahil may iba na siya?
     
      "Bebe ko, okay ka lang?" tanong ni Mark.
     
      Hindi kasi ako kumikibo. Napatingin ulit ako kay James at lalo kong naramdaman ang galit niya. Shit! Alam niya bang naiinis rin ako sa kanya!?
     
      "Excuse me," sabi ko at nagtatakbo na ako.
     
      Nagdiretso ako sa banyo at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Ayokong sirain ang gabing ito dahil sa nangyari. Walang puwedeng makaalam ng tungkol sa amin ni James. Nagpasya na akong lumabas ng banyo, at paglabas ko, nakita ko agad si Mark.
     
      "Bebe ko, okay ka lang?" tanong niya ulit. Tumango lang ako. Bumalik na kami sa maraming tao.
     
      "Renz, girlfriend ko," sabi ni Mark sa kapatid niya.
     
      Mas matanda si Renz kay Mark at obviously, hindi tumatawag ng kuya si Mark dito. Ewan ko nga kung bakit.
     
      "Anak ng, talaga?" sabi ni Renz at tumingin sa akin pero binati ko na lang siya.
     
      "Happy birthday," bati ko kay Renz atsaka ngumiti.
     
      "Salamat Crystal. Hindi ako makapaniwalang nagpauto ka dito sa kapatid ko," biro niya. Ngumiti lang ako.
     
      "Renz, ikaw lang naman 'tong ganun. Mabuti nga at napapunta mo dito si Karren," sabi ni Mark.
     
      "Oo nga nakita ko nga eh. May pumalit na pala sa akin," sabi ni Renz.
     
      "Mukha ngang matino 'di katulad mo Renz," sabi ni Mark.
     
      They're talking about my husband! Parang may tumusok na naman sa puso ko sa narinig ko na boyfriend siya ng babaeng 'yun! Napapaisip tuloy ako kung totoo ba ang kasal namin ni James. Bakit nagawa niya sa'kin 'to?
     
      "Grabe ka naman sa akin utol. Pero mukha namang okay na si Karren sa lalaking 'yun. Let's all be happy for them," sabi ni Renz. Happy? Huwag niyo akong idamay kasi hindi ako masaya para sa kanila!
     
      "Right! Nasaan na nga pala si Lyka mo?" tanong ni Mark sa kapatid niya.
     
      "May kausap sa phone, ayan na pala siya eh," sabi ni Renz. Napatingin kami dun kay Lyka.
     
      "Hon," sabi nung Lyka kay Renz.
     
      "I'd like you to meet my girlfriend, Lyka," pagpapakilala ni Renz sa girlfriend niya.
     
      "Hi!" bati nung Lyka sa akin.
     
      "This is Crystal. Girlfriend 'daw' ni Mark," sabi ni Renz kay Lyka. Napangiti naman ako sa 'daw'. Ngumiti din ako dun sa Lyka.
     
      "Come on, let's dance," sabi sa amin ni Lyka.
     
      Tumingin naman sa'kin si Mark para anyayahan ako. Si James pa rin ang nasa isip ko. Nasaan na kaya siya? Napaisip na naman ako. Kung kaya niyang magloko, puwes, kaya ko rin! Pero hindi naman ako nagloloko dahil nagpapanggap lang naman kami ni Mark. Ah basta, ayoko na muna siyang isipin!
     
      Nauna na sina Renz at Lyka sa gitna at sumunod naman kami ni Mark. Saktong naging sweet 'yung music. Hinawakan ni Mark ang kamay ko at iginiya ako sa gitna. Magkadikit na magkadikit 'yung mga katawan namin. Napapapikit ako dahil feel na feel ko 'yung music pero si James ang naiisip ko. Siya pa rin ang nasa isip ko. Biglang namatay lahat ng ilaw, as in wala akong makita kasabay noon ang biglang humatak sa'kin palayo.
     
      "Mark," sabi ko habang hawak niya ang kamay ko palayo at hindi ko alam kung saan kami papunta.
     
      "Fuck!" sabi nung humatak sa akin. Hindi boses ni Mark 'yun. Si James! Si James ang may hawak ng kamay ko na naglayo kay Mark?
     
      "James?" sabi ko pero hindi siya nagsasalita. Patuloy lang siya sa paghila sa akin palayo. "Nasasaktan ako, ano ba!" sigaw ko. Naaninag ko na rin kasi ang mukha niya. Binuksan niya ang passenger's door.
     
      "Get in," sabi niya nang may diin. Hindi ako kumikilos. Naaalala ko pa rin 'yung sinabi nung babae na boyfriend siya nito. "I said get inside the car!" sigaw niya. Nagulat naman ako sa sigaw niya. Shit! Siya lang ba ang may karapatang magalit!?
     
      "Puwede ba, huwag mo akong sigawan!" sigaw ko rin at pumasok na ako sa kotse. Ibinagsak niya ang pinto at umikot na papuntang driver's seat.
     
      Wala kaming imikan. Patuloy lang siya sa pagda-drive. Ilang minuto kaming ganun hanggang sa bigla na lang niyang itinabi ang kotse at huminto. Hinampas niya ang manibela. Nagulat na naman ako. Shit! Mabuti na lang at wala akong sakit sa puso. Maya-maya'y tumingin na siya sa'kin na may galit sa mukha.
     
      "Kailan mo pa ako ginagago, ha Crystal?! Ganyan ka ba talaga kapag hindi tayo magkasama!? Kung kani-kaninong lalaki ka sumasama?!" sabi niya sa'kin. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nagalit ng ganito.
     
      What?! So feeling niya ang linis-linis niya! Siya nga 'tong nakikipag-girlfriend kahit may asawa na, or should I say nagka-kabit! Ang akin naman kasi kunwari lang 'yung sa amin ni Mark!
     
      Hindi ko na alam kung ano'ng mararamdaman ko, kung galit man dahil sa niloloko niya pala ako o kung 'yung pakiramdam na ang sakit-sakit dahil may iba pa siya bukod sa akin.

MY HIDDEN WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon