First Glance

1 0 0
                                    

May program sa main hall. May church atang nag rent doon para sa program nila. Andito ako ngayon sa second floor, nakatingin sa kanila sa baba.

Nang makita ko siya.

Naka beige t-shirt na may orange sleeves,  medyo malaki ung t-shirt sa kanya. Pati pantalon nyang straight cut, medyo malaki din. Naka body bag siya na black na mukhang pambabae. Medyo mahaba ang buhok niya, long back, ika nga. Malaki mga mata na nangungusap.

Napatitig ako sa kanya mula sa itaas. May parang balcony kasi yung second floor, overlooking sa malaking hagdan pababa ng ground floor. Nakatiklop ang braso ko habang nakasandal ang baba ko sa railings ng hagdan habang nakatingin ako sa baba.

Bigla siyang lumingon sa taas.
Nagtagpo aming mga mata.
Nagulat ako. Sabay upo ako sa sofa sa likuran ko. Kinabahan ako bigla. Nakita ba niya na nakatitig ako kanina pa? Sana hindi, nakakahiya talaga. Pag silip ko ulit, wala na siya dun. Pumasok na siguro sa loob ng main hall.

Iyan ang una naming pagkikita. Its not much pero sobrang memorable sa akin yan.

Ngayon ay 2020 na. Ang kuwento kong ito ay nangyari 2003, 16 years old palang ako.

Isa akong Christian youth leader. "Born again" christian ang tinatawag sa amin ng society. Pero tinuturing naming kami ay "renewed people" lamang. Renewed with the power of Christ.

Kaya nga naman, sa isang seminary school sa Makati ako nag aral noong college ako. Ironic nga, sa isang exclusive Catholic school ako nag aral noong highschool. Ibang iba sa environment ko noong elementary, mas lalong iba noong college.

Kaya talagang exciting para sa akin ang first year college times ko. Lalo pang pina excite nang makita ko siya. Ewan ko ba pero hindi na siya nawala sa isip ko mula noong makita ko siya.

Sa main hall.
Sa may glass door.
Naka beige t-shirt na may orange sleeves.
At baggy pants.

At ito
ang aming
istorya
ni Lean.

Leandro Fallon Reyes.

Mr. Drummer BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon