Unang retreat ko sa seminary. Akong si Ruby Crystal Celeste ay natatakot na baka wala akong katabi sa bus! Buti na lang, to the rescue si Journey Abesamis. Since day 1 ko sa seminary, siya na ang kasa-kasama ko.
Meron akong group of friends na tinuturing dito. Pito kami: Rubrix (nickname ko), si Journey, Tresshure, si Charlotte, si Felix, si Miguel, at si kuya Josiah. We call ourselves 2X3MJoJo (two extreme jo jo), pinaghalo halong pangalan namin.
Nakilala ko una si Journey. Nasa labas ako ng students quarters, sa may sofa sa may railing ng hagdan. Ayoko pumasok sa loob kasi wala pa akong kilala.
Then, nakita ko si Journey. Kasama niya papa niya, nag aabang din sila ng 9:00AM class. Nilapitan niya ako tinanong kung ano ang class ko. Parehas pala kami ng class. Mula noon, inseparable na kami.
Nakilala ko naman sila Felix, Miguel, at kuya Josiah sa ibang class.
"Ah, ikaw pala yung pinag uusapan ng mga freshies na new student din daw. Maliit, maganda, maporma, mataray, at may kakaibang pangalan." sabi ni Felix sa akin
"Grabe ka naman sa 'mataray', kuya. Mabait naman po ako," sagot ko naman na may ngiti.
Nagtawanan sila Miguel at kuya Josiah sa sagot ko. Sabay siniko siko si Felix.
"Hahahaha, lakas maka friendzone ni Rubrix" tawa ni kuya Josiah.
Si Tresshure naman nakilala ko sa pamamagitan ni kuya Jo. Mag classmate sila sa dating school.
Si Charlotte naman ay nakilala ni Tresshure sa isang class. Dumikitdikit siya kay Tres dahil crush niya si kuya Jo.
Nagkaroon din kami ng nickname sa seminary. Tinawag kaming "rich kids" dahil madalas sa may LKG Tower kami nakain ng lunch, o kaya naman ay sa GT Tower. At kung mahaba ang break, sa Glorietta ang tuloy namin. Tinawag din kaming "Club 7-11" ng nga professors namin. Dahil pag short break daw, pagbalik namin sa classroom, may bags kami ng 7-11.
August, retreat namin. Sinundo ako ni kuya JP sa bahay. Si kuya JP ay anak ng pastor namin sa church. Kilalang kilala siya seminary, kaya madami din akong naging kakilala dahil sa kanya. Mahusay na musikero kasi siya. Madaming alam na instrumento. Pero sa gitara talaga siya pinakamahusay. Anak din siya ng bishop sa church namin.
Sa Ciudad Cristia kami pupunta. Katabi ko sa bus si Journey. Magkatabi naman sila Tres at Chacha. Si Felix, Miggy at kuya Jo naman sa tatluhang upuan.
As usual, dala ko yung pinakamalaking gymn bag na meron ang papa ko, sa dami ng laman ng bag ko. 3 days at 2 nights lang kami pero pang isang linggo daw ang "maleta" ko.
Pagdating namin sa Ciudad, diretso kami sa orientation sa mess hall. Doon, binigay ang room assignments namin. Magkakasama kami sa kwarto nila Journey, Tres at Chacha!
Sa dorm namin, apat na kwarto lang ang andoon. Sa apat na kwarto, isa ay puro lalaki. Sila lang ang lalaki sa area na yun. At andun si kuya JP.
Pagdating namin sa kwarto, "OMG OMG OMG Rubrix, crush ko yang churchmate mo!" bulalas ni Chacha habang lalong naningkit ang singkit nyang mga mata, "Mukha syang panda, lalo syang naging cute paghawak yung gitara."
"Pakilala kita mamaya," pangako ko sa kanya
"Waaaaaah! Mamaya ha!" napatalon na sigaw ni Chacha.
Kinahapunan, nagyaya maglibot sila Tres. Tinatamad ako kaya hindi ako sumama.
Maya maya, nainip din ako sa kwarto kaya lumabas ako. Naalala kong may mesang bakal sa labas ng kwarto sa may maliit na hallway.
Paglabas ko ng pinto, nakita ko siyang nakaupo sa upuang bakal.
Si Lean.
Nagtatambol sa bakal na mesa. Tila, walang nakikita o naririnig. Sarili lang niya.
Umupo ako sa kabilang upuan. Pag upo ko, napaangat ng ulo si Lean. Nagulat ako sa gulat niyang expresyon.
"Hi po," sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya pero kitang kita mong nairita.
Tanging tango lang natanggap kong sagot niya.
Ilang minuto nakalipas, tumigil siya pagpalo at nilingon ako.
"Hi, hehe" nakangiti nuyang sinabi sa akin.
Nagulat ako. Hindi ako nakasagot agad.
"Rubrix," sagot ko habang naka extend ang kamay ko para kamayan siya.
Kinuha naman niya ito agad, nakangiti at sinabing "Lean, kilala kita, pinakilala ka ni JP, pero di ka kaya nakatingin noon, hehe"
''hala, kuya, nakakahiya''
"Hahaha hindi, ok lang. May kausap ka kasi noon, ok lang."
Nahihiya pa din ako kaya nag isip na lang ako ng topic na pwede naming pag usapan. Kung makatitig kasi siya, wagas wagas.
Hindi ako maganda. Hindi din ako sexy. Maliit akong tao, 4'11'' lang height ko. Pero, may hubog DAW ako. Maporma din. Mahilig kasi ako mag dress-up.
"Anong course mo, kuya?" tanong ko.
Napangiti muli sya, nakatitig sa mga mata ko, "wag mo ko kuyahin, magka edad lang daw tayo sabi ni JP." sabay sandal niya sa upuan at nagkuyakoy.
Humaba pa usapan namin, kung ano na ang topic ng pinag usapan namin.
Masarap kausap si Lean. Magaan din loob ko sa kanya kaya nakapag open up agad ako.
All throughout ng retreat, kasama ko at katabi ko sa upuan ang 2X3MJoJo. Pero si Lean, bigla bigla na lang tatabi sa akin, bubulong, magyayang pumunta sa cafeteria, etc. Na nagdulot ng suspicious looks sa mga tropa ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Drummer Boy
RomanceThis is a story of my past love. A love that never was A love that was there. A love that gave me hope. A love that made me loose all hope.