In between classes, sa Students Quarters kami natambay. Naroon ang lockers, mga sofa, mesa at mga upuan para makapag sulat, naroon din ang billiards, table tennis, chess table, at 5 computers na may internet connection.
Kumuha ako ng locker doon. At ang locker na iyon ay locker na din ng mga kaibigan ko. (May bayad kasi ang locker). Ultimo pagkaing iniwan ko doon, sila na din ang kumakain.
Sa Students Quarters din ako natambay kapag ayaw ko pang umuwi. Tamang upo lang sa sofa, o billiards.
Dito kami madalas magkita ni Lean. Kasama nya parati mga kaklase nyang music students.
Madalas nakaupo ako sa pinakamalambot na malaking solo sofa.
Tuwing aabutan ako ni Lean, uupo syang patalon dito to the point na mapapatalbog ako sa lakas ng pagbagsak nya. Tuwing ginagawa nya ito, halos malaglag ako sa upuan na nagpapatawa naman ng lubos sa kanya.
Lokong yun.
At dahil kasa kasama lagi ni Lean ang mga kaibigan nya, pati sila nakikiasar na din sa akin.
Isa sa malupit mangasar sa akin noon ay si Jemark. Ang chismis, may gusto daw sa akin si Jemark. Malapit din ako sa kanya kasi parehas kami ng talent. Nagsasayaw din kasi siya.
Pero, kahit na may gusto siya sa akin, hanggang asar lang sya pag andyan si Lean. Napinagtaka ko din. Pag wala naman si Lean tumatabi sya sa akin, aakbay, etc. Pag andyan si Lean, lumalayo sya agad sa akin. Pupunta sya sa billiards table o kaya namay sa may computer. Tapos makikiasar sa distansya.
Tuwing matatapos ang klase, sabay sabay kaming naglalakad papuntang MRT kasama sila Lean at ang nga kaibigan niya. Sa tropa ko naman, si Journey lang nakakasama ko. Yung ibang tropa ko kc may nasasakyan nang bus at shuttle malapit sa school. Yung iba naman ay may sariling sasakyan at out of way sa amin.
Lagi akong hinihintay ni Lean sa break time ko sa school. Kaya nga halos hindi na din kami maghiwalay.
Hindi kami official na "kami" dahil wala naman kaming ligawan. Pero masasabi kong malapit talaga kami.
Sabay sabay din kaming umuuwi. Naglalakad kami papuntang Glorietta, dun kasi kami nasakay pauwi. Madaming terminal kasi sa may MRT.
Kung minsan, bago umuwi, kumakain muna kami nila Journey at Lean sa Wendys. Wendys 20s paborito naming kainin. Madaming choices at mura lang.
Kung minsan din, natambay kami ni Lean sa quarters. Tamang tambay lang, kwentuhan.
Pagdating sa bahay, madalas nagtetxt si Lean sa gabi. "San ka," yan ang lagi niyang tanong. Sagot ko naman, "bahay" tapos hindi na sya magre reply.
Hindi madaldal si Lean sa pagtetxt. Pero ilang beses sa magdamag yang pagte txt nya.
At hindi nagtagal, September na. Birthday ko na! 17th birthday ko. Niyaya ko mga kaibigan ko na pumunta sa church namin sa darating na linggo dahil ise celebrate doon ang birthday ko. Nangako silang lahat na makapupunta. Pati si Lean.
Dumating ang linggo, dalawa lang sa mga kaibigan ko ang makapupunta. Si Chacha at si Lean. Si Chacha ay nagsabing tanghali pa daw makapupunta. Si Lean naman ay on time! 9:00 AM andoon na sya sa labas ng church namin. Kaya pinakilala ko sya agad sa mga kasamahan ko sa church. Nakita naman agad sya ni kuya JP kaya pinakilala din sya agad sa mga musicians namin sa church. Pinakilala din sya kay Eagle. Ang drummer namin na sinabing may gusto daw sa akin, pero hindi naman ito nagparamdam kahit kelan.
Pagkatapos ng church service, kumain muna kami ng hinanda ng mama ko sa church. Habang kunukuhaan ko si Lean ng pagkain, niyaya sya ni kuya JP sa drumset at pinag sample. Talaga namang namangha ang mga musicians namin sa galing ni Lean. Lalo na si Eagle.
Pagkatapos nga noon, niyaya ko nang kumain si Lean. Sa labas kami kumain, sa may upuang bato na pabilog sa labas ng church.
Nagku kwentuhan kami ni Lean ng mapansin kong umupo din doon si Eagle na tila may ibibigay sa akin. Napansin ko dun ung maliit na nakabalot ng orange at blue na birthday wrapper. Napansin din ito ni Lean dahil bigla nya akong inakbayan at nagyaya sa Glorietta pagkatapos kumain. Agad ko naman syang siniko na nagpatawa ng malakas sa kanya
"Sige na Rubrix, wala akong regalo sa iyo e. Punta na lang tayo ng Glorietta, dun kita bibilhan ng regalo mo." ani ni Lean
"Sige punta tayo Glorietta," sagot ko. Agad ko ding napansing biglang tumingin sa amin si Eagle at nakita kong binato nya ung hawak nya sa may rose bushes sa likod ng upuang bato. Tumayo sya at bumalik sa loob ng church.
Sabay tawa ng malakas ni Lean at inalis ang pagkakaakbay sa akin, "Yang si Eagle, mahal ka nyan" wika nya
"Ahahaha, hindi no, di nga ako pinapansin nyan" depensa ko naman. Laking gulat ko sa sinabi nyang ito.
Napa cross leg si Lean, sumubo ng shanghai at sinabi, "maniwala ka, ang sama ng tingin nya sa akin kanina pang pagdating ko. Kala ko nakaalitan ko dati at namukhaan ako. Yung pala rival ngayon" sabay tawa ng malakas, nalaglag pa ung spaghetti sa bibig nya.
"Ewan ko sayo" ang tanging sagot ko.
Maya maya lang, tumawag na si Chacha na nasa labas na sya ng church. Sinundo ko sya sa labas at iniwan muna si Lean kasama sila kuya JP.
Pinakilala ko si Chacha sa mga kachurchmates ko. Kinuha naman sya sa akin ni kuya JP at sinamahang kumain. Tuwang tuwa naman si Chacha.
Maya maya lang, nagpaalam na kami kina mama ko na aalis na nga kami papuntang Glorietta. Bago kami lumabas ng church compound, napansin ko si Lean na may hinahanap sa may mga halaman.
Pagdating namin sa Glorietta, saglit palang kaming nakakalibot nang tumawag ang papa ni Chacha at sinusundo na sya.
Kaya kami na lamang ni Lean ang naglibot libot pa. Nang mapagod kami, umupo kami sa may art center.
"Oh Rubrix, sayo ata to" sabay abot ng birthday gify na nakabalot sa orange and blue na wrapper.
"Loko ka," habang kinukuha ko ito sa kanya. Binuksan ko ang regalo ni Eagle.
Bumungad sa akin isang keychain na may dried daisy sa loob ng crystal resin na kulay pula.
Hinablot ni Lean ang keychain at inangat ito, "ang ganda! Bakit pula?"
"Ruby kasi pangalan ko di ba?" sagot ko.
"Eh bakit daisy nasa loob?" pagtataka ni Lean
"Sabi kasi nya dati parang daisy daw ako, simple pero maganda"
"At maliit! Hahahaha" bulalas ni Lean. Sabay pingot ko naman sa kanya, "araaaaay!"
Takipsilim na nang mag decide kaming umuwi na ni Lean.
Hinatid nya ako sa sakayan ko pauwi, at gaya ng dati, hinihintay nyang makaalis na ang jeep bago sya maglakad papunta sa kanyang sasakyan pauwi.
Lean: San ka
Rubrix: Jip paAfter 10 minutes
Lean: San ka
Rubrix: Jip pa din
After 15 minutes ulitLean: San ka
Rubrix: tricyAfter 3 minutes
Lean: SAN KA
Rubrix: Bahay naAfter 2 minutes
Lean: San ka
Rubrix: Sa kwarto ko na
Lean: ok

BINABASA MO ANG
Mr. Drummer Boy
RomanceThis is a story of my past love. A love that never was A love that was there. A love that gave me hope. A love that made me loose all hope.