Chapter 1

46 6 6
                                    

Chapter 1
Maxine's POV

Ang aga aga kong bumangon para maligo na kahit ayaw ng mga mata kong bumukas. Kasi naman kailangan pumasok ng maaga, 7:00 daw kailangang nasa school ka na. Syempre eto ako ayaw malate, kaya kahit inaantok syempre pipilitin kong bumangon.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako para kumain.

"Oh Max, gising ka na pala kumain ka na dyan" sabi ni mommy habang nagluluto pa din ng pagkain

Umupo na ako sa dining table kahit wala akong ganang kumain

"Max, hatid na kita sa school mo tutal pa alis na din naman ako" sabi ni dad

"Daddy, wag na po. Susunduin naman po ako ni Geib. Dumiretso na lang po kayo sa pupuntahan nyo. Thank you po" wika ko

"Sige, basta mag-iingat kayo ahh. Wag kung saan saan pumupunta. Mauna na ako sa inyo" sabi ni dad

Umalis na si dad pagkatapos akong halikan sa pisngi

"Mommy, may pupuntahan ka po?" tanong ko kay mommy

"Meron anak, kasama ko si Tita Vanessa mo. Bakit?" sagot ni mommy

"Wala naman po, natanong ko lang. Mommy, dun na lang po ako sa salas magiintay kay Geib" sabi ko

"Oh sige max" sagot ni mommy

Abala si mommy sa pag aayos ng mga pagkain na niluto nya. Ang pinagtataka ko bakit andami nyang niluto eh kami lang naman tatlo nina daddy ang nakatira sa bahay.

Nagcellphone na muna ako habang hinihintay ko si Geib tutal 6:26 pa lang naman.

Habang nagscro-scroll ako sa facebook ko, laking gulat ko na andito na pala ulit sina Justine sa Pilipinas. Pumunta ako sa comment section para tingnan kung totoo ba, pero nung nakita ko ung mga comments totoo nga na nandito na sila.

Napawi ang mga ngiti sa aking labi ng biglang dumating si Geib.

"Anyare sayo, panget? Anong nginingiti ngiti mo dyan? Nililigawan ka na ba nung Justine na yon? Sabihin mo sa kanya sa akin muna sa dadaan." sabi ni Geib habang nasilip sa cellphone ko.

"Luhh, walaa HAHAHA may binabasa lang ako. Tsaka paano ako liligawan ni Justine eh ang tagal na naming hindi nagkakausap. Bakit selos ka?" sabi ko sabay suntok sa sikmura nya habang kinukuha ko na ung mga gamit ko.

"Hoy! hindi ha bat ako magseselos dun eh alam ko namang mas gwapo ako don. Tekaa hoyy!! Ansakit nung suntok mo ahh!!" sabi ni Geib habang hinahabol ako papunta sa sasakyan.

Nagpaalam na muna ako kanina kay mommy bago ako sumakay sa sasakyan.

Justine, ang lalaking kaclose ko simula first year highschool. Mahilig din syang mang-asar katulad ni Geib. Aaminin ko, gwapo si Justine. Magaling sumayaw, magaling magdrawing, magaling kumanta asa kanya na nga yata lahat eh. Kaya ko siguro naging crush yon simula 2nd year highschool kami.

Kaso simula nung umalis sila papuntang ibang bansa, parang iniwan na lang nya sa ere yung pagiging magkaibigan namin. Hindi man lang nya sinabi sa akin na aalis pala sila. Nalaman ko na lang sa bestfriend kong si Ynna. Chinachat ko sya pero ni isang reply wala man lang. Kahit sana sabihin nya lang na sorry hindi na ako nakapagpaalam sayo chuchuu.

Sa parking lot ako bumababa ng sasakyan kase pag sa mismong entrance pa ako binaba ni Geib baka wala na syang pagparkingan kaya sabi ko sa kanya  dumiretso na lang sya sa parking lot.

Pagkapasok namin sa school bulong bulungan na naman. Syempre andito na ung kina aaddikan ng lahat na si Geib.

Tas eto namang lalaki na to ngiti ngiti sa lahat ng mga babae. Hay nako napaka playboy talaga.

"Geib! Geibb! Geib! Mauna na ako, pupuntahan ko na sina Ynna" sabi ko ng pasigaw dahil lahat ng atensyon nya nasa mga babae.

Habang papunta na ako sa classroom namin kung nasaan sina Ynna, nagtitingnan yung mga babae sa akin. Well, sanay na naman ako. Pinagtitinginan nila ako dahil nagtataka pa din sila kung bakit lagi kaming magkasama ni Geib, kahit pagpasok magkasama pa din kami.

"Andito ka na pala, Max! Alam mo bang nandito na ulit sa Pilipinas ung crush mo" sabi ni Ynna na halos abot hanggang langit ang ngiti

"Ahh oo, nakita ko kanina. May nagpost na nandito na daw ulit sila" sabi ko

"Ang alam ko pumasok na sya ngayon eh. Nakita nyo na ba?" sabi nung isa ko pang kaibigan na si Leigh

Nagulat ako na pumasok na pala ulit sya dito. Galit ako sa kanya at ayoko pa muna syang makita.

"Oyy tara samahan nyo ko sa CR" sabi ni Bianca

Nung papunta na kami sa CR bigla naming nakita na pa dating na yung teacher namin at hindi namin alam kung anong gagawin namin.

"Saan pa kayo pupunta? Magsisimula na ang program. Alam nyo naman na ayaw ng principal natin ang pahuli huli" sabi ni Miss Gonzales

"M-Ma'am mapunta lang po kami sa CR tas babalik na din po kaagad" sabi ko na nag-aalinlangan

"Osya sigee, bilisan nyo na lang" sabi ni Miss Gonzales

Nakahinga din nga maluwag. Buti na lang mabait si Ma'am Gonzales.

Nang makapunta na kami sa CR, naghanap na agad ako ng cubicle na walang tao. Buti na lang at kami lang yung tao dito. Minsan kasi laging punuan. Pag kalabas ko sa cubicle na pinasukan ko agad na nilagyan ako ni Bianca ng pulbos at tint. Nagtataka ako pero di na ako pumalag dahil alam kong di naman ako mananalo kay Bianca

Pagkalabas namin ng CR, nakasalubong namin si Justine na hindi ko alam kung saan pupunta.

Di ko alam kung anong gagawin ko dahil ayoko pa nga syang makita at ayokong magpakita sa kanya. Iniwan ko na sila don at nauna ng pumuntang Gymnasium.

"Max! Sandali!! Mag-eexplain ako sayo. Please pakinggan mo ko kung bakit di ako nagpaalam sayo" sabi ni Justine na hindi ko pinansin.

Alam ni Justine na galit ako sa kanya.

Sumunod din naman yung mga kaibigan ko sa akin. Kaya pala inayusan ako ni Bianca. Alam kong may plano sila na hindi nila sinasabi sa akin.

Sumunod din naman si Justine papuntang gymnasium pero pumunta sya sa mga kaibigan nya. Alam kong alam ni Geib kung anong nangyare kanina kaya nakatingin sa sa side namin ngayon.

"Good Morning Students! Alam nyo ba kung bakit kayo nandito?" sabi nung principal namin na si Mrs. Valdez

Walang sumagot sa amin dahil hindi naman namin alam kung anong meron.

"For today's event magkakaroon tayo ng Students Appreciation Day! Kaya kung sino ang gusto nyong makilala, puntahan nyo. Be friendly and wag kayo magkaguluhan. That's all thank you and good morning" sabi ni Mrs. Valdez

Nagtataka naman kaming lahat dahil hindi naman first day of classes ngayon. Wala na kaming nagawa kundi maki cooperate sa event.

Agad naman akong nilapitan ni Justine na iniwasan ko.

"Max! Look i'm so sorry! sorry kung hindi ako nagpaalam na aalis kami. Ayaw kasi ni dad na ipaalam na mayroon kaming business dun at hindi ko din alam" sabi ni Justine

Nakatayo lang ako habang nakikinig sa sinasabi nya. Di ko alam kung anong sasabihin ko ayaw bumuka ng mga labi ko.

Nang makita kami ni Geib agad syang lumapit sa amin at hinigit ako.

Nagtataka ako kung bakit nya ginawa yon pero nagpapasalamat ako dahil wala na sa harap ko si Justine ngayon.

IN ANOTHER LIFE, I WOULD BE YOUR GIRLWhere stories live. Discover now