"So paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Renz sa aming dalawa.
Napalunok ako ng laway at nahihiyang tumingin ulit kay Stell. I can see through my peripheral vision na he licked his lower lip to answer Renz's question.
Naghihintay si Renz ng sagot ni Stell kaso hindi natuloy dahil may tumatawag sa phone niya.
Sinagot muna niya ang tawag at Renz mouthed him to put in a speaker mode. Nagkasalubong ang mga kilay ko kung bakit. Malay mo, privacy pala. Eh etong si Stell, utu-uto at sinunod naman ang utos ni Renz sa kanya.
"Sa wakas. Sinagot mo na ang tawag ko. Kanina pa kami nag-aalala sa'yo. Asan ka ba, pre? May kasama ka ba? Balita ko may kasamang babae ka? Sino siya? Okay lang ba kayo?"
Ang dami namang tanong niya. Iisa lang siya. Mahina ang kalaban!
Napatingin kaming tatlo sa isa't-isa at hindi alam ni Stell kung saan magsisimula. Medyo mabilis ang pangyayari kaya ako na ang sumagot para sa kanya.
Hinablot ko ang phone na hawak niya habang ang kaliwang kamay ko ay nakahawak sa manibela.
"Hello. Okay naman siya. Don't worry, hindi ko siya kinidnap. Makakauwi siya ng buhay."
Sabay balik ng phone ko sa kanya. Rinig ang boses ng mga kasama niya at nagsilapitan sa phone.
"Hala. Sino iyon? Bakit hindi si Stell ang nagsasalita? I swear, ibalik mo ang Stellberry namin! Asan kayo?!"
Isa nanamang lalaki na nagtanong ulit. Ngayon, si Renz naman ang sumagot ng tanong.
"Ayos lang si Stell. Huwag kayong mag-alala. Pasensya na kayo, God bless."
May susunod pang mga tanong sa kanya pero pinatay na ni Stell ang tawag nila at binalik ang phone sa bulsa.
"Hmm. Ganito na lang," Panimula ko habang ang mga mata ko ay naka-pokus sa daan.
"I-connect mo na mismo yung address kung saan sila ngayon. Mukhang nag-aalala nga talaga sila at baka kami pa ang dehado nito. Then, we can separate ways. Cool?"
Ang tagal naman sumagot nito. Mag-oo ka o ibaba kita dito?! Sagot agad!
Tumango naman din ito si Stell. Nilagay niya ang address sa Waze para sundan ko.
At bumalik nanaman ang tahimik sa loob.
"So, paano nga kayo nagkakilala ulit?"
Jusko. Heto nanaman tayo.
Napabuntong hininga ako. "Wednesday. Remember that I bought the Latte? That was the first time I met them."
"Uhuh. And then?" Renz continuesly asked.
Stell chuckled. "Tinarayan niya pa nga kami eh. Sungit mo naman, Miss."
Tumawa naman si Renz. "Ang sungit mo pala, ghorl."
I rolled my eyes at them. "What seems to be the problem ba? Eh tinitignan niyo kaya ako."
"Oh. Tinitignan niyo pala—. Teka, bakit?" Napatigil si Renz sa sinabi at nagbalik ang tuon kay Stell.
Napalunok siya ng laway niya. "Well... She reminded me of someone." I could feel his eyes on me.
BINABASA MO ANG
Wednesdays For June - Stell Ajero (SB19)
Fiksi Penggemar"Goodbye, Stell." Huling sandali na kailanman hindi na magbabago pa.