Chapter 19
Like
"Hey, why are you spacing out Narizz?" Napatingin ako kay Vann na nasa harap ko habang may hawak na tray ng pagkain na paniguradong iyon na ang pagkain namin.
Nag volunteer siya ulit na mag order at hindi na rin siya umangal nang may iabot ako sa kanyang pera.
"About what you said before. Na liligawan mo ako? Is that your way of confessing your feelings to me? Do you like me Vann?" Suddenly I asked him that, na nakita kong ikinatigil niya saglit.
Umupo siya sa harap ko at dahan dahang tumango. "Uhuh..." simple niyang sagot sa akin.
I shifted on my seat at sinimulan nang abutin ang cake at milk tea na pinabili ko sa kanya.
Huminga ako nang malalim at hindi na nagsalita.
My heart is drumming... hindi ko mapigilan. I don't know if this was just Narizz's or ako rin ay kasama.
"Tell me Narizz, kaya mo ba ako iniwasan dahil sa pamilya ko?"
Natigilan ako sa paghiwa ng cake gamit ang kutsara dahil doon. I don't know what's going on, in Narizz mind right now.... sasagutin niya kaya? O hindi?
Tumingin ako sa kanya at dahan dahang tumango.
"Kind of..." umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. "You know, your parents and I exchanged promises before... they asked me to stay away from you and if I do that, they will help my mother before but they didn't fulfilled theirs. Hindi ko na alam kung bakit."
"I'm sorry... wala akong kaalam alam na nangyari iyon. I'm really sorry, Narizz," he said full of sincerity.
I nodded at nagbaba ng tingin. "I don't want to say this to you because I don't want you to hate your family... but that's what happened and I don't want to lie to you anymore. Pagod na ako..." ani ko.
Nakatingin pa rin ako sa baba at nag-angat nalang ng tingin nang maramdaman kong hinawakan niya ang kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"I'm sorry too, Vann for keeping it from you. I'm sorry that I lied. To be honest, gustong gusto kitang maging kaibigan or even beyond that. Komportable din ako na nasa tabi mo palagi. It's just that. Sobrang sakit lang kasi ang nangyari, nagalit ako sa pamilya mo at pasensiya na at nadamay ka pa..." pahina na nang pahina ang boses ko.
Kalaunan dahan dahang lumandas ang luha sa pisngi ko kaya napayuko na naman ako at mabilis na pinunasan ito.
"Narizz... look at me," nahihirapan niyang tawag sa akin.
Hindi ako agad nakapag-angat ng tingin sa kanya dahil sa pagpupunas ng luha sa pisngi ko.
"Narizz, look at my eyes," pag-uulit niya kaya dahan dahan akong tumingin sa nag susumamo niyang mata ngayon.
"Naiintindihan ko... hindi ko man lang alam na iyon na pala ang nararanasan mo noon. Muntik na akong mabaliw sa kakaisip kung bakit bigla mo nalang sinabi na iwasan na natin ang isa't isa dahil lang hindi ka na komportable sa akin. I'm stupid to believe that. Hindi ko man lang hinanap ang totoong dahilan and how ironic na malapit lang pala sa akin ang naging rason kung bakit unti-unti kang nalayo sa akin," suminghap siya at mariing pumikit.
Pagkatapos noon ay muli siyang nagsalita. "Now, we will have justice to your mother. I'll promise that I will help you, okay?" Dagdag niyang sinabi. Determined, walang anumang pag-alinlangan sa sinabi niya.
"Ano nang gagawin mo ngayon, Vann? Is your feelings for me enough to fight against your own family?" I worriedly asked. Naramdaman kong humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...