Chapter 17: Fake Wolley2D

26 11 4
                                    

A/N: HAPPY HALLOWEEN!🎃👻🔪

MOONSTAR'S POV

LUMIPAS ANG ilang mga buwan at mas lalo kaming humusay. Kilalang-kilala na rin namin ang isa't-isa at maging ang mga sekreto namin. May ilan din samin ang nagbago ng pang-uugali at personality.

"A-ayoko pala! Ikaw na lang pala Ayen!" usal ni Lexi sabay hagis ng bomba kay Ayen na ngayo'y nasalo naman nito.

Oh, anyways we're here in the middle of Green Forest. Hinaharap ang bagong mission. Mission na ibalik ang ninakaw na 3 Golden Heads! Snake, Dragon and Turtle.

Nakuha na namin ang tatlong ulo subalit hindi mawawala sa eksena na habulin kami ng mga kalaban. Dumukot ng isang bomba si Lexi at ihahagis na sana sa mga kalaban upang maharangan ang daanan paroon saamin, kaso nagdalawang-isip pa ito at ibinigay na lang kay Ayen.

Abala ako sa pagtatali ng tatlong ulo sa malaking katawan ng puno na bumagsak sa lupa upang gawin sana itong sasakyan pababa sa gubat.

^__^

'S-slide kami weeeeeee!!'

"Huu! Ayoko nga ikaw na lang Bro!" nagpasahan na ang mga loko kung sino maghahagis ng bomba!

"Bilisan niyo na! Sasabog na 'yan sa kakapasahan niyo!" sigaw ni Keisline sabay upo sa malaking kahoy.

"Oo nga! Baka sa halip na sa kalaban sumabog 'yan, satin yan sumabog!" dagdag rin ni Ainsley.

"Ikaw na lang kasi!"

"Hep!!" seryosong sigaw ni Ainsley kaya napatigil kaming lahat sa kaniya. "Ayoko.." parang kengkoy pa nitong pagkakasabi habang umiiling-iling pa.

-,-

'Anak ng tokwa! Sasabog na 'yan eh!!'

"Hayst turuan pa kayo eh! Amina na nga!" sigaw ni Keisline sabay hablot sa bomba at lumingon sakin. "Ikaw na lang pala hehehe.."

'Mga loko!'

"Aishh!" naiusal ko na lamang at mabilis na hinablot ang bomba saka malakas na inihagis sa mga kalaban na tatangkain pa sana kaming barilin.

Bago pa ito tuluyang sumabog ay sabay-sabay na kaming tatlong sumakay sa kahoy at kaniya-kaniyang hawak sa baywang para 'di kami mahulog. Pinutol ko ang tali na nagsisilbing harang sa kahoy upang ito'y umandar na.

"WAHHHHH!!" naibulas naming lahat ng dere-deretsong nags-slide pababa ang sinasakyan namin.

Kung ano-ano na ang humahampas sa mukha namin dahil sa mga sanga at dahon. Minsan ay nagagalusan din kami dahil sa hindi maiwasang mga matutulis na bagay dito sa gubat.

"WOAHH!-Ahahaha yeyy!" masayang sigaw ni Lexi na itinaas pa ang dalawang kamay dahil sa naging maayos na ang pags-slide namin. Gumaya naman kami sa ginagawa niya.

Pero agad din iyong nawala ng masilayan na namin ang pababang haharapin namin!

'DAGATT!!'

"Oh no.. shit!"

Pilit naming pinahihinto ang kahoy pababa pero dahil sa laki at tibay nito, patuloy lang ito umiislayd pababa!

THE MAXMOON SPY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon