Frits Yellow Sachi
At sinong nasa tamang pag-iisip ang pupunta sa exhibition nang nilalagnat?
"She looks familiar," saad niya at siningkitan ng mata ang painting. Nilapit niya ang mukha rito at maya-maya'y marahas na lumingon sa akin.
Nakakunot ang noo nito at binigyan ako ng matalas na tingin.
Problema nito?
"Is this me?!" Halos magpa kain na ako sa lupa dahil sa lakas ng boses niya. Nag tinginan din dito ang mga tao. Itong babae naman kasi na ito, akala mo nasa palengke.
"Aba malay ko—"
"Ano?!" Sa pagkakataong ito, humarap na siya sa akin dala ang hindi ko mawaring ekspresyon ng mukha.
"Pakihinaan naman ng boses, nasa harap mo lang naman ako," mahinahong sabi ko sa kaniya. Halos mapa-atras ako sa hindi ko inaasahang paglapit niya sa akin.
Napatitig lang ako sa mukha niyang paiyak na. Binuka ko ang bibig ko para sana mag salita kaso inunahan iyon ng nagbabadya niyang luha sa mata.
Kumunot ang noo ko. Maya-maya ay napatitig ako sa kanya at sa pininta ko na nasa likuran niya, napaawang ang bibig ko sa napag tanto.
"S-See?" saad niya habang lumuluha. Pinunasan niya ito at saka hinawakan ang isa kong braso.
Ngayon, iniisip ko kung paano ko sasabihin na ako ang nagpinta ng iniiyakan niya.
"Kamukha ko, hindi ba?! Oh my goodness," sabi niya pa at muli itong tinitigan. Maya-maya ay pinicturan niya pa ito at binasa ang description.
Nakatingin lang ako sa kaniya. Ang totoo niyan, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Masaya ako kasi mukhang nagustuhan niya ang pininta ko, nagtataka at nag-aalala dahil may lagnat siya, at kinakabahan sa katotohanang ako ang nag pinta nito.
"Wait," mahinang sabi niya at tinitigan ulit ang painting.
"If this is me, and I looked like her when crying—" marahas siyang humarap sa akin. "Right?" tanong niya, tumango na lang ako bilang sagot. Naghihintay ako ng kasunod niyang sasabihin pero isang seryosong mukha at tingin lang ang natanggap ko.
"The last time I cried in public was in the University, in front of some crazy dude who just happened..." sabi niya at tinuro ako. "To be you."
Napalunok ako. Teka, bakit ba ako kinakabahan. Walang uurong Frits, laban lang, laban lang. Danas ko na lahat ng hirap, pamamahiya, paninigaw, at pananakit, bakit naman ako kakabahan sa babaeng ito? Siya dapat ang kabahan sa akin.
At teka ulit, 'crazy dude' talaga? Walang 'handsome'? Pambihira naman oh.
"Dare lang 'yan, baka isipin mo may gusto ako sa'yo ha? Huwag naman, maganda ka pero, no—" pinutol niya ang sinasabi ko.
"Yiee!!!" biglang sabi niya nang may masiglang boses. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinawakan ito, saka siya tumalon-talon. Hindi ko alam kung bakit ako ngayon natatawa sa kanya.
Ang nangyari, tumalon-talon kami pareho. Isang minuto ang lumipas nang huminto siya. She just laughed after, ang ganda. Anak ng tokwa naman oh.
"I'll have this one," nakangiting sabi niya at akmang titignan uli ang price ay pinigilan ko siya.

BINABASA MO ANG
The Bouyancy of Yellow
Roman pour Adolescents◤ 𝘾𝙊𝙇𝙊𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #4 ◢ (Under revisions) 𝘐𝘧 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘩𝘢𝘴 𝘣𝘶𝘰𝘺𝘢𝘯𝘤𝘺, 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘧𝘭𝘰𝘢𝘵, 𝘴𝘵𝘢𝘺 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘪𝘥𝘥𝘭𝘦, 𝘰𝘳 𝘨𝘦𝘵 𝘴𝘵𝘶𝘤𝘬 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘰𝘵𝘵𝘰𝘮? Frits Yellow Sachi is the last among the Sachi...