Frits Yellow Sachi
Kumunot ang noo ko nang marinig ang nakakairitang tunog ng alarm clock.
Kinapa-kapa ko ito sa lamesa sa tabi ng kama ko. Nakapa ko na ito pero hindi ko nakuha.
Umusog ako para mangapa ulit dahil nakakarindi ang alarm tone.
Agad akong napadilat nang naramdaman kong nahulog ako sa kama.
"Anak ng— aray!" pagdaing ko at dahan-dahang tumayo pero nahulugan ako ng cellphone sa ulo kaya napadaing ulit ako.
"Ah! Talaga naman!" sigaw ko at agad na tumayo kaya nagkanda hulog-hulog ang mga gamit na nakapatong sa lamesa. Pinilit kong kunin ang cellphone at pinatay ang alarm kahit antok pa ang mga mata ko at medyo nahihilo pa.
Hindi ko na inayos ang mga nahulog at humilata ulit sa kama. May masama akong panaginip, tapos masama pa ang gising ko.
Wooh! Good morning!
Maya-maya ay bigla kong naalala ang kadramahan ko kagabi kaya napadilat na ako ng mata.
Kaya ayokong napapagod dahil bumabalik na naman ang negative na pag-iisip ko na 'yon.
Ano ka ba Frits Yellow, mahal ka ng mga 'yon, sutil ka lang talaga.
Pero alam ko namang kahit ano'ng kumbinsi ko sa sarili ko ay tama pa rin ang negative na pag-iisip ko.
Sutil ako dahil gusto ko ng atensyon nila. Pero ako lang talaga ang masaya kapag nakukuha ko 'yon at isa pa, mali rin ang ginagawa kong pagkuha ng atensyon. Mabuti pa't magpakanda layo-layo na lang ako.
Agad ako umupo mula sa pagkakahiga at umiling-iling.
Pambihira ka Frits, wala ka ngang pera maglalayas ka pa.
Bumuntong hininga ako, ayoko nang isipin 'yon, ang mahalaga...
Ang mahalaga... ay— ah! Kainis.
Napako ang tingin ko sa painting area ko rito sa kwarto ko, kailan kaya ulit ako makakapag pinta—
Teka–
Bumangon ako at pumunta doon 'tsaka isa-isang tinanggal ang mga tela na nakatakip sa mga paintings.
Napaamang ako ng matanggal ko ang huling tela.
Hanep.
Napasuklay ako ng buhok gamit ang daliri ko habang 'di pa rin makapaniwala sa nakikita.
Anak ng tokwa, pininta ko pala talaga ang babaeng 'yon? Akala ko, masamang panaginip lang, eh.
"Baliw ka talaga Frits!" mahinang suway ko sa sarili at padabog na pumunta ng CR para maghilamos.
Oo nga pala, minsan nagiging unconscious na ako kapag sobrang pagod ang katawan ko, ayan nababaliw. Mabuti na lang at gwapo ako.
Diretsyo ligo na ang ginawa ko. Simula noong umalis sila Mom laging kain muna bago ligo ang routine ko, ngayon na lang ulit ako naliligo bago kumain, ewan ko lang sa tatlo.

BINABASA MO ANG
The Bouyancy of Yellow
Roman pour Adolescents◤ 𝘾𝙊𝙇𝙊𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #4 ◢ Frits Yellow Sachi is the last among the Sachi siblings. He had a bright facade which suits his name 'Yellow', and who knows? Not all loves yellow. With all of the wandering eyes, reckless mouths, and while fighting w...