Frits Yellow Sachi
"Aya?" sabay na tanong ng tatlo na kanina pa palipat-lipat ang tingin sa amin.Tumingin naman sa akin si Aezle nang may pagtataka ang mukha. Ilang segundo ang lumipas ay mahina siyang tumango.
"Yes, I'm Aezle but he likes to call me Aya, ang cute 'no?" nakangising sabi niya sa tatlo, at binigyan ako ng matamis na ngiti. Sumimangot lang ako.
Heh, 'di mo ako madadaan sa pangiti-ngiti mo, baka kapag ako ngumiti sa'yo tapos ka na.
Joke.
"Ah, Aezle," sabi ni Ryle at tumango-tango.
"Ikaw pala si Aya," ani Sven.
"Aya," bulong ni Yohan na narinig ko. "Interesting."
Pambihira talaga 'tong mga 'to.
"Alam mo ba Aezle, si Frits kanina pininta–" agad kong sinapawan si Sven.
"Ano'ng ginagawa ng new student dito sa building namin?" nakakunot-noong tanong ko, sa sinabi kong 'yon, agad na lumayo ang dalawa sa kaniya.
"Hala siya pala ang pina iyak niya noong nakaraan," bulong ni Ryle kay Sven.
"Oo pre, delikado 'to sa kaibigan natin," bulong pabalik ni Sven at tinignan ako, binatukan ko sila at lumapit kay Aya.
Mga abnormal, akala mo may gagawin akong hindi maganda. Sapatos naman ibabato ko riyan mamaya.
"Ah– kasi, sabay tayo lunch?" nakangiting alok niya sa akin, narinig ko namang ang singhap ng tatlong nasa likod ko.
"O-Okay!" nakangiting sabi ko at hinila na siya papuntang cafeteria.
Agad kong tinanggal ang mga ngiti ko dahil pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.
Alam kong gwapo ako, pero sana ayon nga ang nasa isip nila at hindi dahil issue na naman ako sa buong department dahil sa ilang beses na pagpapahiya sa akin ng mga terror professors dito.
Papasok na sana ako sa Cafeteria hila-hila siya pero huminto ako nang huminto siya.
Hinarap ko siya at nakita siyang nakayuko, pag-angat niya ng tingin sa akin ay binigyan niya ako ng nahihiyang ngiti.
"A-Ahm... pwede ba 'wag tayo sa Cafeteria? May niluto kasi akong pagkain, doon tayo!" mahinang sabi niya at ngayon, siya naman ang humila sa akin.
***
Noong araw na 'yon ay naghahabol kami pareho ng hininga nang marating ang lugar na gusto niya.
Nang mahimasmasan ay saka ko napansin ang lugar. Nagulat ako dahil sa ilang taon ko nang nag aaral dito, hindi ko alam na may ganitong lugar pala rito sa University. May ngiting kumurba sa labi ko nang inilibot ko ang tingin ko. Kitang-kita ang nagtataasang mga gusali mula sa malayo. Pati kalahati ng University ay nakikita ko. Napakaaliwalas ng simoy ng hangin at ang ganda ng kalangitan.
Sa susunod, magdadala na ako ng canvas dito at painting materials.
"Oh, ito na, kain na," nakangiting sabi niya at inabot sa akin ang yellow lunch box, dahil sa gutom ako, tinanggap ko 'yon.

BINABASA MO ANG
The Bouyancy of Yellow
Teen Fiction◤ 𝘾𝙊𝙇𝙊𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #4 ◢ Frits Yellow Sachi is the last among the Sachi siblings. He had a bright facade which suits his name 'Yellow', and who knows? Not all loves yellow. With all of the wandering eyes, reckless mouths, and while fighting w...