TO LOVE AGAIN
KEY TO YOUR HEART (SEASON 2)
Written By: Rae_Jin
Started: March 18, 2013
Ended: October 18, 2013
**********"My HEART belongs to someone but my soul has no special one. I'm totally single but not certified available, I don't have relationship but I'm in a commitment. I'am not taken but my heart is committed in other words, I'm SINGLE but I'am inlove with someone I've been waiting for to be mine."
~Anonymous
--------------------(Rae-Rae's Note: Tumatak sa akin yong sinabi ni Ate Denny (HYSTG) na hindi daw po mabubuo ang isang story kung kulang ito, sabi pa nga niya eh, "HINDI MO MAIINTINDIHAN ANG SEASON II KUNG HINDI MO BABASAHIN ANG SEASON I DAHIL KONEKTADO SILA". Hahaha! Kaadikan kay HYSTG kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko, kaya siguro nakabuo ako ng isang story-isang story na hindi maalis-alis sa isapan ko at laging may cloud of imagination ang lumilitaw dito. Hahaha. Sige po wag niyo na lang pakinggan ang nagsulat nitong story na ito, sadyang walang magawa lang ang author nito kaya kung ano-ano ang sinusulat. Pagpasensyahan niyo na po ako. BOW!)
*KTYH SEASON II*
It's been a week simula nang manligaw sa akin si Migs sobrang kinikilig ako, di naman sa akin halata diba? Tapos ang haba-haba pa ng hair ko kasi naman nagpaalam pa siya sa parents ko bago siya manligaw sa akin formally, mas maganda daw kung may legality at may permission siya sa panliligaw sa akin. Marami nga ang nagsasabing old fashion daw yong ginagawa ni Migs, pero para sa akin napaka-ganda ng ginawa niya. Siya lang ang gumawa ng lahat nang yan sa akin. Yong mga past boyfriends ko o kahit si Patrick hindi niya ginawa yong ginawa ni Migs ngayon.
Halos araw-araw siyang may mga pakulo sa akin, minsan sinasabi ko na lang sa sarili ko baka magsawa lang ako sa kanya kasi laging ganun-ganito ang gawa niya, pero hindi eh, kasi araw-araw parang laging special ang mga araw na kasama ko siya. Di pa man kami pero ang saya-saya ko sa t'wing magkasama kami ni Migs.
Sabi sa akin ng mga classmates ko sagutin ko na daw si Migs, kasi na prove na daw sa akin ni Migs na mahal na mahal niya talaga ako, kahit sina Ghec at Jessy yon ang laging sinasabi sa akin. Pero may isang bagay lang akong gusto kong gawin niya at pag ginawa niya yon, karakaraka sasagutin ko siya agad-agad, kasi wala pang gumagawa sa akin nun at isa yon sa mga pangarap kong mangyari sa akin. Sige ako ng demanding pero ganun naman talaga eh, lalo na pag nasosobrahan ng kakapanuod ng movies. Hahaha.
"Hoy Kate, tawag ka ni Ma'am." Nabalik ako sa katawan ko at nagising ako sa isang magandang panaginip dahil sa sigaw ni Angelica na katabi ko lang pero kung makasigaw wagas na parang ang layo-layo ko sa kanya. Pero bago ko murder-in si Ghec ay tiningnan ko muna si Ma'am.
"Ano po yon Ma'am?"
"Ms.Marquez, may problema ka ba? Kanina ka pa tulala?"
"W-wala naman po, Ma'am. Iniisip ko lang po kung bakit oblate spheriod ang Earth at hindi square, pwede rin naman pong triangle di ba, Ma'am?"
"Haayy, naku Ms.Marquez kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isipan mo. Lagi ka na lang nag-jo-joke."
Natawa ang lahat ng classmates ko sa mga sinabi ni Ma'am, bakit ano bang nakakatawa sa sinabi niya? Wala naman diba? Tsaka attendance lang pala kung bakit ako tinatawag ni Ma'am at obvious naman na present ako kasi kitang-kita naman niya ako sa unahan pero "physically present but mentally absent" yan ang peg ko ngayon dahil sa kakaisip ko kay Pangit.
Pagkatapos ng mahabang checking of attendance at kunting sermon ay pinalabas na kami at pinapunta kami sa hall dahil may program daw ngayon at dahil dun wala na naman kaming pasok. Katatapos lang ng bakasyon wala na namang pasok? Bakasyon, kasi nag-celebrate ang school ng kung ano-anong pakulo nila. Basta yon na yon, tradition na kasi yon pag natatapos ang buwan ng August.
BINABASA MO ANG
To Love Again (KTYH) *Season 2*
Teen FictionMS. SHY GIRL AND MR. NERD? MS. BRAINY AND MR. HEARTTHROB? MS. MAN HATER AND MR. STICK TO ONE? Does TRUE LOVE REALLY EXIST between the six of them? What if naging sila? Paano kung nagkatuluyan silang anim? Diba ang saya? Paano kung magkahiwalay ang...