{KHAI COSTA POV}
Hay salamat tapos na din.
By the way! Friday na ngayon. Kaya ngayon na yung tryout ni Win.
Four o'clock na ng hapon ng matapos ang last subject namin.
Dahil may tryout si Win ngayon malelate na ako ng uwi niyan.
"Ano? Tara na."aya ni Win.
"Mauna kana Win may kukunin lang kami ni Pia sa locker doon sa hallway."sabi ko.
"Ah ganon ba? Sige una na ako."tanong ni Win sabay paalam.
Sabay sabay na kaming lumabas pero humiwalay kami ni Pia kay Win para may kunin.
"Ano ba yung kukunin mo?"tanong ni Pia habang naglalakad kami.
"Yung ginawa ko kanina na thai dessert atsaka yung pera ko para pambili ng pagkain."sagot ko.
Pagdating namin sa hallway kung nasaan ang mga lockers ay agad kong nilapitan yung locker ko.
Agad ko itong binuksan at hinanap yung wallet ko.
Agad ko naman itong nakita at inilock na yung locker ko.
Agad ko namang hinarap si Pia dahil halatang na iinip na.
"Tara na!"aya ko sa kanya.
Halos tumakbo na nga kami papuntang complex.
Pagpasok palang namin sa may pinto ay napakaraming tao sa may hallway sa complex.
"Tryout lang ba toh?"tanong ko kay Pia.
"Ou! Tryout lang, pero sikat ito sa buong University dahil sa mga best swimmer ng University."sagot ni Pia.
May babaeng lumapit sa position namin ni Pia na may dalang listahan ng mga na reserve na tao para manood ng tryout.
"Excuse me. Kayo po ba sila Khai at Pia?"mahinahon na tanong ng babae.
"Kami nga."sagot ko.
"Sama po kayo sa akin. Dadalhin ko po kayo sa upuan niyo. May reservation po kasi kayo sabi ng isa sa mga magtatryout."sabi nung babae at nagumpisa na maglakad.
Sinundan naman namin siya ni Pia.
Pinagtitinginan at pinagbubulungan kami ng mga tao kesho may nalalaman pang reservation etc.
"Don't mind then po. They just inggit lang sa inyo kaya ganyang sila look sa inyo."sabi nung babae ng mapansin niyang nagtitinginan at nagbubulungan ang mga tao sa paligid.
Potek na tatawa kami ni Pia dahil sa sinabi niya.
Potek! Conyo siya.
Paano kaya siya naka pasok ng University kahit conyo siya.
Siguro may pera silang pambayad kahit conyo siya.
Agad naman kaming nakarating sa loob ng complex.
Itinuro nung babaeng conyo yung uupuan namin ni Pia.
Medyo madami na ang mga naka upong tao at ang iba nakatayo pa.
Agad hinanap ng mga tao ko si Win.
"Pia."tawag ko sa kanya.
"Hmm?"tanong niya.
"Nakita mo na ba si Win?"tanong ko.
"Ayun oh."turo ni Pia.
Nagsilabasan na ang mga lalaking kasali sa tryout.
Agad na hagip ng mga mata ko ang isang familiar na lalaki.
BINABASA MO ANG
SEE YOU IN NEXT LIFE
Teen FictionLove? Lahat yan hinahangad ng karamihan sa atin pero paano kung isang araw may humadlang at masira ang relasyon niyo? Kaya bawi nalang tayo sa next life HAHAHA. Hindi rin sa lahat ng pagkakataon sumasang ayon ang pag ibig sa iyo o sa inyo. You need...