Chapter 14

20 6 0
                                    

{WIN SANTOS POV}

Pagkatapos kong ihatid sila Khai sa mga bahay nila ay dumaan muna ako sa apartment ni Brent.

Kumatok ako sa pinto ng apartment niya. Agad naman niya itong binuksan na parang gulat na gulat.

"M-mr ko ba't n-nandito ka?"nauutal na tanong ni Brent.

"Bawal bang puntahan ang boyfriend ko?"tanong ko.

"Hindi naman k-kaso m-may ginagawa ako eh. Sana sinabi mo para makapag handa ako."nauutal na sagot niya.

Pilit akong sumisilip na sala ng apartment niya pero tinatakpan niya ito.

"Ba't kaba humaharang?"pikon na tanong ko.

"Wala lang."sagot niya.

"Brent! Hindi ka pa ba papasok dito sa kwarto!?"sigaw ng isang babae galing sa kwarto ni Brent.

"Wala pala ha! Eh ano yun ha? Bahala kana sa buhay mo Brent."sabi ko at umalis na.

Sinubukan niya pa akong habulin pero, pinaandar ko na ang sasakyan ko at nagdrive pauwi sa bahay.

Gago siya!

Puta kadiri sila nung babae niya!

Ayoko na muling makita ang pagmumukha ni Brent.

Hindi nalang ako sasama bukas sa trip ng club.

Bahala siya sa buhay niya. Siya mag-isa

6:45pm*

Pag uwi ko ay sinalubong agad ako ni Xin.

"Tuya Win tawagan natin si tuya Khai pwease?"tanong ni Xin.

"Sige mamaya pagkatapos kumain ha?"tanong ko.

"Ok."sagot niya.

Pagkatapos namin mag usap bumaba naman galing sa taas si kuya Jin.

"Musta ang kapatid ko?"tanong niya ng makababa na siya.

"Ok lang. Ikaw musta kayo ni ate Love?"tanong ko.

"Yun hindi masyadong ok, kaya nandito ako sa bahay dahil may sapak nanaman."natatawang sagot ni kuya.

7:30pm*

Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Xin muntik pangang madapa eh.

"Ba't nagmamadali ang prinsesa?"tanong ni kuya.

"May kotse kasi sa harap ng bahay!"sabi niya.

Pagkasabi niya non, ay agad siyang lumabas at pinagbuksan ng gate ang tao sa labas.

"Tuya Brent!"masayang tawag niya kay Brent sabay nagpabuhat.

"Baby."tawag niya kay Xin.

"Ano po gawa niyo dito?"tanong ni Xin.

"Away kami ni kuya Win mo."malungkot niyang saad sa kapatid ko.

Shuta ang cute niyang mag pout.

Marufok ako mr ko kaya wag kang magpout sa harap namin.

Bwiset mapapatawad ko nanaman ito sa nagawa niya.

Pisteng yawa!

"Tuya Win dapat wag mo aaway si tuya Brent kasi boypwen mo siya."sabi sa akin ni Xin.

Agad akong lumapit sa kanya para kunin siya pero ayaw niya.

"Sorry  ka muna kay tuya Brent."utos niya.

SEE YOU IN NEXT LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon