I am the best dancer in our University, me and group always considered as a champion malamang ay dahil palipat lipat ako ng grupo pero kahit anong lipatan ko kahit saan ako mag turo panalo lagi ang natuturuan ko hindi rin ako pumupili ng mga ka grupong stupid like the this girl sa harap ko.
"I Said more giling pa, bakit hindi mo ginawa?!" Naiinis ako dahil hindi siya marunong makinig, ito ang pinaka kinaaayawan ko sa lahat.
"Sorry.." nakayuko niyang saad, napahawak nalang ako sa sintido ko dahil sa pikon, ang dali dali na nga ng itinuro ko ayaw pang sumunod.
"Once again!" Saad ko at pinlay ang music, may laban kasi sila for the fashion show, at itong babaeng to candidate siya ng section namin kaya naman ako na ang nag volunteer na mag turo ayokong matalo ang section namin noh.
Presidente ako ng section namin and Vice president naman ako ng school sa pag kaka alam ko maraming napipikon sakin dahil napaka sama daw ng ugali ko at malandi daw ako, bakit nilandi ko ba sila? Masyadong laitera't laitero.
Well baka inggit lang sila sa ganda at talento ko, bakit ba nangengealam sila? Bat hindi nalang sila mag solo oh diba? Edi sana may naitulong pa sila sa sarili nila.
Nahagip ng mata ko si Vianca siya yung sinabihan ko kanina, actually magaling she's good in dancing ang kaso ay nahihiya siya.
Ako rin naman kasi ang pumili na siya ang parampahen sa intablado at mabuti nalang binoto rin siya ng mga classmates ko, nag sasawa na kasi ako kay Zham halos lagilagi siya, kaya mas maganda kapag bago naman para naman ma try din ng iba diba?
"You! Come here!" Sigaw ko bumaling naman siya sa akin at mahinhin na lumapit, gash napaka angelic niya parang ang sarap ipakuha at dalhin sa langit."Yes Jhanna?" Hindi talaga ako nagkamali na piliin siya dahil mas matalino siya kumpara kay Zham at mas maganda rin ang problema lang mahiyain talaga.
"Next next day is the final walk, kailangan mo ng mas mataas na confidence, kailangan ko ng makapal ang muka okay?" Saad ko at tumango naman siya.
"You can eat na." Tuluyan ko silang iniwan roon, lilima lang naman sila at ako dumeretso na sa canteen sinilip ko pa ang telepono ko dahil may nag text.
This guy from RPW. Ilang days narin kaming mag kausap nito mabuti nga't hindi nagsawa kaagad e ewan ko na tripan niya akong ichat e so nag reply ako.
Ang nakakatawa lang dahil hindi RPA (roleplay account) yung gamit ko dahil real account talaga tapos dun niya talaga ako chinat.
"Ahm... isang order nung A1." Saad ko sa tindera, ibinigay ko ang bayad sa kaniya at tumuloy na sa pag upo inumpisahan ko ang pag kain habang ang paningin ay nasa cellphone pa rin.
"Kumain kana ba? Breaktime nyo na diba?" Basa ko sa sinabi niya his name is Justin pero hindi ko alam yung totoo.
"Hi miss..." Taka ko siyang nilingon dahil ang lawak ng ngiti niya. Sino nanaman to? Oo sanay na ako na maraming lumalapit sa akin pero di ko naman kasi kailangan.
"Sino ka?"
"Uhm... Elle nalang." Ngiti niyang saad at inalok ang kamay, ngumiti namana ako saka itinuloy lang ang pag kain, wala akong panahon sa pakikipag kilala sa kung sino sino.
"Ay ang attitude mo naman." Kumento niya at pinagpag ang kamay, tch parang tanga lang. Binilisan ko ang kain ko dahil mukang di talaga siya aalis sa tabi ko e.
"Anong section mo? Sunduin kita mamaya." Natawa nalang ako saka itinapon ang basong nagamit ko, lumingon ako sa kaniya at umiling marami nang nag aya sakin na ihatid ako pero di naman na ako bata.