Ng makaramdam ng gutom ay nag-aya siyang magtanghalian na, nakasunod lamang ako rito habang naglalakad. Magkahawak ang kamay namin katulad kanina, huminto kami sa isang kainan. Karendirya ni Tyang Perla ang nakalagay sa tarpaulin sa taas ng kainan.
Sakto lamang ang lawak nito may mga lamesa't upuan sa labas ng pwesto nito na natatabingan ng mga malalaking payong na nakalagay sa bawat lamesa. Hinila naman ako ni Elias papasok sa loob maraming costumer sa labas at ganoon rin dito sa loob,
"Tyang Perla" bati ni Elias sa matandang babae na nasa counter marahil ito ang may-ari narinig ko kasi ang mga utos nito sa mga serbadera ng makalapit kami. At isa pa pangalan niya ang nakasabit sa labas so malamng siya ang may-ari, Nilingon naman kami ng matanda at kita sa mga mata nito ang kasiyahan ng makita si Elias ngumiti si Elias sa ginang
"Elias iho, mabuti naman at napadaan ka"
"Namiss ko ang luto mo Tyang" magiliw na sagot naman ni Elias rito, nagkamustahan sila habang ako naman ay tahimik na nililibot ang tingin sa loob ng kainan.
"Naku naman talaga ba? At sino naman itong kasama mo Elias" napalingon naman ako rito sinalubong ako nito ng matamis na ngiti bago balingan si Elias na binigyan niya ng natutuksong tingin ngumisi naman si Elias bago niya ko balingan ng tingin
"Tyang si Enola ho, Enola si Tyang Perla masarap magluto yan" pakilala sa amin ni Elias naglahad naman ng kamay ang ginang na siya namang agad kong tinanggap
"Hello po, Enola po" nginitian ko ito pagkatapos kong magpakilala
"Ay kay gandang bata, tyang perla nalang ineng nako sige na't maupo na kayo roon at ihahanda ko na ang pagkain niyo. Ganoon parin ba Elias?"
"Oho Tyang, Yung dati parin ho gusto kong ipatikim kay Enola ang mga luto mo " pagkatapos makipag usap sa ginang ay hinigit naman muli ako ni Elias patungo sa isang bakanteng lamesa.
Nakapwesto iyon sa gilid sa tabi ng mga kawayang ginawang bakod at haligi ng kainan kung saan matatanaw mo mula roon ang nalawak na Parke, kita rin mula roon ang playground kung saan maraming bata ang naglalaro kahit na tirik ang araw. Nakaramdam naman ako ng init, naka hoddie kasi ako kaya naman naguumpisa na akong pawisan.
"Masarap ang mga pagkain rito"panimula ni Elias ngumiti lamang ako rito sumenyas siya na lumapit ako kaya naman umusog ako palapit sa kanya
"Dati-rati ay madalas akong kumakain dito lalo na noong nag-aaral pa lamang ako" pagpapatuloy nito habang maykinukuha sa bulsa ng pantalon niya
"Hindi ka umuuwi kila nanay Rosa?" tanong ko rito, umiling naman ito at saka pinunasan ang pawis ko sa noo gamit ang panyong kinuha niya mula sa pants niya.
"Hindi na masyado kasing malayo ang bahay kaysa rito sa karenderya ni Tyang Perla" tumango lamang ako at nagpatuloy siya
"Highschool palamang ako ay dito na ko kumakain, maliit pa ang pwesto nito pero ng nagtagal ay lumaki na marami kasing suki dito si Tyang. Pinagpapawisan kana"
"Ang sarap kasi ng mga luto niya kaya naman binabalikbalikan" bakas sa mata nito ang kasiyahan habang nagkukwento kaya naman napangiti nalamang ako habang pinagmamasdan ito. Tinawag niya ang lalaking malapit sa gawi namin at binulongan hindi ko iyon pinansin at tinuon na lamang ang atensyon ko sa mga batang naglalaro sa Parke. Maya maya pa ay naramdaman ko na malamig na hanging sa gilid ko ka naman napalingon ako rito, Electric fan wala naman yon kanina dito nagtataka man ay pinagsawalang bahala ko na lamang iyon
Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang mga pagkain ay halos mapuno ang lamesa sa dami ng mga iyon mayroong beefsteak, caldereta, menudo, giniling, kare-kare,shanghai, chopsuey, adobong kangkong at tokwa at letche plan para sa dessert isama pa ang isang bowl ng kanin
"Andami"Wala sa sariling sambit ko habang tinitignan ang mga pagkain sa harap ko I heard him chuckled
"Believe me, mauubos natin yan" natatawang ani nito ngumisi naman ako rito. I know
sakto gutom na ko, kanina pa nagwawala ang mga worms sa tummy ko
Inabot kami ng halos Isa't kalahating oras sa pagkain dahil na rin sa pagkekwentuhan nabanggit niya yung mga kalokohan niya nung college
"Nakatulog ako sa klase eh last subject na namin yon when I woke up ako nalang ang tao patay na rin ang ilang ilaw sa hallway ng makalabas ako"natatawang kwento niya
"The next day kalat na sa university yung picture ko habang natutulog, and worst pinatawag ako ni dean at ng subject teacher ko they give me a damn punishment" nakabusangot na dagdag niya that makes him cute
"anong punishment?" tanong ko rito biglang umasim naman ang mukha nito
"Nagkasundo si dean at yung teacher ko na yung subject teacher ko ang magbibigay ng parusa sakin, he ordered me to dissect 10 fucking frogs and present it in his class" humagalpak naman ako ng tawa dahil sa itsura nito lalo naman siyang sumimangot at masamang tumingin sakin
Nahakot ko nga ang atensyon ng mga kumakain roon but it doesn't stop me from laughing. Kahit si Tyang Perla ay napatingin sa gawi namin
L.O.L
Masamang tingin ang pinupukol niya sa akin at halata sa mukha niya ang pagkapikon kaya naman I stop myself from laughing but I can't patuloy parin ang tawa ko habang naiinis at naiinip siyang nakatingin sakin, ng makabawi ay saka siya muling nagsalita
"Okay kana?, Are you done?" masungit na tanong nito that makes me laugh again
Oh Elias you never failed to amuse me
YOU ARE READING
Throne Of Ceifeiro #1: Lady the Troublemaker
RandomQuinn Enola Her life means trouble. ON GOING...