Pagkarating namin sa mansion agad ko siyang pinababa ng motor I ask kuya gano kung nasaan si Butler Kim at tinuro naman nito ang hardin kaya doon na ko dumiretso ramdam ko naman ang pagsunod ni Rick sa akin"Ano ba ginagawa natin dito? Sa inyo ba ito?" tanong niya pero nanatili akong walang imik
"Ano bang gagawin natin dito kailangan ko pang maghanap ng trabaho" ungot niya habang naglalakad kami agad ko namang nilapitan si butler kim ng makita ko itong nagdidilig ng mga halaman na agad naman niyang inihinto ng makita ako
"Mylady" bati nito na bahagya pa itong yumukod
"Make him the new gardener" tumingin naman ito kay Rick bago tumango
"yes mylady" tumango ako rito
"Tell him what he need to know" binalingan ko naman si rick
"Go with him, simula ngayon dito ka na magtatrabaho. And forget everything that you saw that night at huwag na huwag mong sasabihin sa iba" bakas ang gulat sa mukha nito at ng makabawi ay agad namang tumango iginaya na siya ni butler kim sa loob ng mansion ako naman ay dumiretso na ng uwi
I badly need to rest, bumibigat na ang katawan ko mukhang lalagnatin yata ako sobrang sakit din ng ulo ko kaya naman ng makauwi ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para magpahinga. Nagpalit lang ako ng pantulog atsaka nahiga at natulog.
Nang magising ako ay madilim na sa silid mabigat ang pakiramdam ko at mainit ang mga mata ko nakakaramdam rin ako ng panlalamig buti na lamang at hindi ko binuksan ang electric fan kanina bago ako matulog, sinubukan kong bumangon ngunit na bigo ako kumirot ang sintido ko na siyang dahilan ng mabilis na pagngiwi ko marahan ko itong hinilot upang maibsan ang kirot.Marahan akong lumingon sa pinto ng may kumatok roon
"Pasok" Mahinang sabi ko bumukas iyon at bungad sakin si Mana
"Oh iha mabuti at gising ka na, hali kana't nakapaghain na ko nandyan na rin si tatay carlo mo"
"Mamaya na lang ho ako Mana, Wala ho akong gana" lumapit siya sakin saka ako sinuri gamit ang mga mata ng hindi na kunteto ay hinawakan niya ang noo ko
"Dyos ko! inaapoy ka ng lagnat Enola, sandali lang at ipagluluto kita ng lugaw para makakain kana at makainom ng gamot"
"Wag na ho Mana, Wala lang ho akong gana sa ngayon pero kakain rin ho ako.pahinga lang ho ang kaylangan ko" ngunit nagpumilit to at nagpaalam ng lalabas huminga ako ng malalim bago pumikit muli
Nagising ako ng maramdaman kong may malambot na dumadampi sa balat ko I slowly open my eyes, Elias nakaupo siya gilid ko habang pinupunasan ang kanang kamay ko seryoso lang siya sa ginagawa niya ng matapos ay dumako sakin ang atensyon niya agad namang nagsalubong ang kilay niya.
"You're awake" nakatingin lang ako sa kanya
I didn't expect to see him here
Kinuha niya ang isa pang bimpo sa planggana atsaka iyon pinigaan bago ilagay sa aking noo pagkatapos ay tumayo siya habang bitbit ang planggana at walang pasabing tinalikuran ako at lumabas ng silid, I thought were finally okay kasi nandito siya pero mukhang hindi pa I let a deep sighed before I close my eyes again pero agad din nagmulat ng bumukas ang pinto It's him.
Umupo siya sa gilid ko at walang imik na inalalayan akong maupo ng maiaayos niya ako ay inabot niya ang tray na dala niya kanina na inilapag niya para alalayan ako
"Here, Eat" tipid na sambit niya nagbaba na lamang ako ng tingin at inumpisan ang pagkain ng lugaw
Walang imik na pinapapanood niya ang mga galaw ko hindi ko naman siya muling tinapunan ng tingin wala akong lakas para makipagtalo pa sa kanya o para suyuin siya mamaya na lamang siguro, nakakakahalati ko lamang ang mangkok ng lugaw pero busog na ako kaya naman maingat ko itong binalik sa tray at sumandal na sa headboard ng kama. Inabot niya ang gamot at tubig kaya naman agad ko itong kinuha at ininom, binalik ko sa kanya ang baso atsaka pumikit nabawasan ang bigat ng katawan ko ganon rin ang pagkahilo ko.
YOU ARE READING
Throne Of Ceifeiro #1: Lady the Troublemaker
RastgeleQuinn Enola Her life means trouble. ON GOING...