"No! Why?"
"Nothing"
""You sure?"
"Ah do you know her perhaps?" Naguguluhan man ay sinagot parin niya ang tanong ko
"She's Marian Dimaano" Tango lang ang tanging sagot ko nag tanong pa siya kung bakit ko tinatanong ang pangalan ng babaeng yun at kung may ginawa ba yun sakin wala lang ang naging sagot ko sa kanya at saka siya inaayang kumain na.
"Mana told me It's your favorite" Sabi ko sa kanya habang kumakain siya, Inaya niya kong sabayan siya pero agad din akong tumanggi. Tanghali na kasi ako nag almusal kaya naman ay hanggang ngayon ay busog pa ko.
"Yeah, are you sure na hindi ka kakain?"
"Im full, don't mind me. just eat and finish it all,ako ang nagluto niyan". Tumulong kasi ako kay Mana kaninang magluto, ako ang nagluto ng Caldereta iniwan ko na ito kanina ng kumukulo na at binilin na lang kay mana at nagpaalaman na gagayak na.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain siya which is very unusual, ngayon lamang kasi namin nagawa yon. magkwentuhan.
Nabanggit niya na kakagaling lamang niya sa OR ng dumating ako, Mahigit Tatlong oras rin ang inabot nila ron dahil nasa critical stage ang patient nila kaya naman pagod daw siya. Sinabi ko ngang aalis na ko ng makapag pahinga siya ayaw naman niya, Mas gusto daw niyang naroon ako para naman daw may kausap siya.
Natigil lamang kami ng marinig namin ang announcement
"Code Blue in OR, again Code Blue, Calling for the attention of Dr. R. Ford and Dr. De Villa"
"Im sorry but I need to go now Enola" sabi niya habang mabilis na inaayos ang kinainan niya
"It's okay, Let me finish it. They need you there"pinal na sabi ko. Tatanggi pa sana siya ng magannounce ulit at hinahanap na siya kaya naman agad niyang sinuot ang lab gown niya at mabilis na nagpaalam paalis.
Naiwan naman ako rito sa opisina niya, pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng kinainan niyang tupperwear. Ng matapos ay pinasadahan ko ng tingin ang opisina niya, malawak ito ngunit makalat.
Nagkalat ang mga magazine at ilang libro, meron rin mga pinagkainan at iilang tissue. tsk napaka-kalat naman ng lalaking yun!
Pagkarating ko sa mansion ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig, naabutan ko ron si ate Maria na siyang pinaka kasundo ni mama rito sa mansyon.
"Nakita niyo ba si mana ate?"
"Maaga siyang umuwi, pagka pananghalian ay umuwi na siya at sinusumpong nanaman daw yung tuhod niya" tumango nalamang ako sa kanya at saka nagpasalamat bago umalis.
Dumaan ako sa garden kung saan na roon ang mga alaga kong halaman at inayos saglit.
I decided to go home early, tutal wala naman pala dito si mana uuwi na lang din ako. Paglabas ko ay natanaw ko ang pamilyar na sasakyan, I smirk when I saw kung sino ang bumaba roon. It's Butler Kim.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at duretso sa bahay, Nadatnan kong natutulog si mana sa sofa sa sala kaya naman dumiretso nako sa kwarto ko para magpahinga.
Mukhang mapapaaga ang pagbabalik ko ah, napasimangot ako sa naisip ko. Halos dalawang linggo palang akong pahinga tapos may makakaalam na nandito ako, hindi ba pwedeng time froze muna? pahinga ganun?geez.
Ng magising ako ay madilim na kaya naman agad kong tinignan ang oras sa relong suot ko 7:30 na pala, na pasarap pala ang tulog ko.
nakatitig lang ako sa puting kisame habang iniisip ang gagawin ko sa mga susunod na araw, At isa pa iniisip ko rin kung bakit nag tatrabaho pa si mana eh doctor naman ang anak niya. I mean mataas ang sahod ng doctor na silang buhayin non isa pa, May trabaho din si tatay carlo kaya bakit pa nagtatrabaho si mana sa mansion.
Wala pa sana akong balak bumangon pero nagrereklamo na ang tiyan bumuntong hininga nalamang ako bago tumayo, inayos ko pa muna ang sarili ko bago lumabas ng silid.
Naabutan ko si mana na naghahanda na ng hapunan kaya naman agad akong tumulong sa matanda, hindi daw makakauwi si tatay carlo galing sa pagdedeliver kaya naman kaming dalawa lang ang nasa hapag. Habang kumakain kami ay nagtanong siya kung kamusta ang paglakad ko kanina kaya naman sinabi ko sa kanya na nag kwentuhan kami ni Elias habang kumakain ang binata.
Hindi naman nakatakas sakin ang ngiti ni mana habang nagkekwento ako sa kanya, ang sabi pa niya ay maganda siguro kung samahan ko siya bukas sa hospital para ipacheck up and tuhod niya at mabisita rin ang anak niya.
Tumawag daw kasi ito kanina at nag sabing hindi ito makakauwi at busy daw sa hospital which is naiintindihan naman ng ginang, dahil mula naman ng magdoctor ang anak ay lagi na itong busy at madalang nalamang kung umuwi kahit na sa bayan lang naman ang hospital.
YOU ARE READING
Throne Of Ceifeiro #1: Lady the Troublemaker
DiversosQuinn Enola Her life means trouble. ON GOING...