Chapter 13

1.5K 90 1
                                    

"Baek!" Sinigawan kita dahil malayo ka na sakin. Patuloy ka lang na tumatakbo at eto namang si ako, sinusundan ka.

Tumawid ka ng kalsada pati ako. Tinatawag kita pero hindi mo ako nililingon kahit na pagtinginan pa tayo ng ibang tao. Takbo ka lang ng takbo. Baek naman eh. Lagi na lang ba kitang hahabulin?

Binilisan ko ang takbo ko hanggang sa maabutan kita. Hinawakan agad kita sa braso mo at iniharap sa akin.

"Baekhy--"

"CHANYEOL NAMAN EH!! BAKIT MO BA KO HINABOL HA?! BAKIT MO BA KO PINIGILAN?! NAIIYAK NA TULOY AKO!!" sigaw mo habang pinagpapapalo ang dibdib ko. Binalewala ko lahat nang yun at niyakap kita ng mahigpit. Saka ka humagulgol sa mga bisig ko.

"Chanyeol bakit ganun?! S-Sa tingin mo? Sa tingin mo ba, mababa akong girlfriend? Sa tingin mo ba, mali yung ginawa ko?!" Patuloy mong tanong habang umiiyak parin. Hinagod ko ang likod mo habang pinatatahan ka.

"Hindi, Baek. Kung ako rin naman si Sehun at nakita kitang ganun, magseselos rin ako." Sabi ko sayo.

"Alam kong hindi naman ako sigurado kung kaano ano ni Sehun yung si Luhan eh. Pero nung nakita ko yung tingin nila sa isa't-isa, parang iba eh. At kung ano man yun, nasasaktan ako." Sabi mo sakin. Oo Baekhyun. Naiintindihan kita.

Dinala kita sa bilihan ng ice cream at nilibre kita para lang tumahan ka. Tsaka sabi kasi nila, nakakabawas daw ng sama ng loob ang pagkain ng ice cream. Basta.

"Sa tingin mo, anong meron kila Sehun at Luhan?" Tanong mo.

"Hindi ko alam." Sagot ko sayo. "Baka magkamag anak lang sila at namiss lang talaga nila ang isa't-isa." Sabi ko. Kahit na alam ko naman talagang si Sehun ay ang ex ni Luhan. Ayoko lang na madagdagan yang pagseselos mo.

"Anong gagawin ko?" Tanong mo muli. Tumingin ako sayo at sumagot, "Tanungin mo si Sehun para maging malinaw sayo ang lahat. Wala namang masama kung magsasabi sya ng totoo sayo eh."

Matapos natin ay inihatid na kita sa inyo. Sa tingin ko, di ka pa okay eh. Kasi naman halata sa mukha mong nagselos ka parin. Pero tulad nga ng sinabi ko sayo kanina, si Sehun ang tanungin mo. Sana Baek, wag kang magalit kay Sehun. Sana isipin mong walang kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Luhan. Kasi Baekhyun, kahit naman gustuhin kong magalit ka nalang sa Sehun na yan at iwanan mo na sya, eh parang mas hindi ko kaya. Kasi nakikita kong sa kanya ka lang sasaya.

-

Kinaumagahan pagpasok ko ng school ay si Sehun agad ang hinanap ko. Nakita ko sya malapit sa gym at kausap nya si Siwon. Yung president ng SC. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan sya at tapikin sya sa balikat.

"Pwede ba tayong magusap?" Sabi ko sa kanya.

"Naguusap pa kami." Singit ni Siwon. Bwisit. =_=

"Please. Sandali lang to." Pakiusap ko kay Siwon. Humarap ako kay Sehun. "Sehun, magusap tayo. Tungkol to kay Baekhyun." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman si Sehun. "Thige." Sabi nya at nagpaalam muna sandali kay Siwon.

Naglakad ako papunta sa garden at sumusunod lang sya sakin.

"Anong dapat nating paguthapan tungkol sa girlfriend ko?" Tanong nya. Bobo ba sya o sadyang engot lang?

Hinarap ko sya at sinuntok sa mukha. Bumagsak sya sa lupa ngunit bumangon rin agad.

"ANONG PROBLEMA MO HA?!" Sigaw nya habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi nya.

Hinigit ko ang kwelyo nya. "IKAW!! IKAW LANG NAMAN ANG LAGI KONG PROBLEMA EH!! HINDI MO BA ALAM NA SOBRANG MAHAL KO SI BAEKHYUN HA?! TINIIS KO LAHAT NG SAKIT MAGMULA NG MAGING KAYO DAHIL ALAM KONG SAYO LANG SYA SASAYA!! TAPOS ANO?! TAPOS SASAKTAN MO LANG SYA HA?!" Sabi ko.

Bigla nya kong tinulak. "ANO BANG PINAGTHATHABI MO?!"

Sinuntok ko muli ang mukha nya. Kulang pa yan sa lahat ng kasalanan nya."DI BA EX MO SI LUHAN?! BAKIT KAILANGAN MO PA SYANG YAKAPIN KAHAPON SA HARAP NI BAEKHYUN NA GIRLFRIEND MO?!? SA TINGIN MO BA, HINDI MAGSESELOS SI BAEK SA GINAWA MO HA?!"

Tiningnan lamang ako ng masama ni Sehun. "Wala kang alam, Chanyeol.."

"CHANYEOL!!"

Napalingon ako sa direksyon ng taong tumawag sa akin. Nakita kita at gulat na gulat habang nakatingin sa kalagayan ni Sehun.

"Chanyeol!! Anong ginawa mo kay Sehun?!" Sabi mo. Lumapit ka sa kanya at humarap sa akin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" Sigaw mo.

Bakit? Ako na naman ba ang mali?!

"Baek, ayokong sinasaktan ka nya! Bakit ako parin ang mali dito ha?? Ayoko lang nang pinapaiyak ka ng gagong yan!!" Paliwanag ko sayo.

"Pero wala ka paring karapatang saktan si Sehun! Problema namin tong dalawa, kaya kami ang aayos nito!"

Hindi ako nakapagsalita. Bakit? Kasi alam kong pagtatanggol mo lang si Sehun. Mamumukha lang akong tangang magpapaka hero kuno na poprotektahan ka wag ka lang masaktan.

Iniwan nyo kong dalawa habang nakatayo lang doon. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh kaibigan lang naman ako.

-

Hindi mo na naman ako pinapansin. Kahit na magkaklase tayo sa isang subject, hindi ka na naman tumatabi sakin. Napakapormal mo ring makipagusap sa akin. Siguro nga nagagalit ka.

Hanggang sa maguwian. Hinintay kita sa may labas ng building para magkausap tayo. Ayokong patagalin ang galit natin.

"Baekhyun?"

Malayo ko palang ay tanaw na tanaw na kita. Para kang wala sa sarili mo na naglalakad habang nakayuko. Lumapit ako sayo.

"Baek? Anong--" tsaka ko lang napansin na umiiyak ka. "Sinong nagpaiyak sayo?!" Tanong ko. Humarap ka sa akin habang lumuluha parin at bigla mo akong niyakap.

"CHANYEOL!!" sabi mo. "Chanyeol, ang sakit sakit!! Bakit kailangan nya pang gawing kumplikado ang relasyon namin dahil lang sa nakaraan nya?! Yeol, nakipaghiwalay sya sakin." Sabi mo hanggang patuloy sa pagiyak.

Napayukom ako ng kamao. Sinasabi ko na nga ba. Hindi dapat kita hinayaan sa kanya.

-

My Turn to Cry (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon