Chapter 15

1.7K 87 5
                                    

POV ni Baekhyun to! :D

-

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro sa kwarto. Napatingin ako sa may bintana sa labas at natanaw ko ang kwarto ni Chanyeol na sa kabilang bahay lang. Naalala ko yung mga sinabi nya sakin.

"Mahal kita." Yun ang pinaka tumatak sa isipan ko. Sa loob ng maraming taon na sinasabi at pinapaalala nya yun sa akin, ganun ba talaga ako kamanhid para hindi maramdaman iyon?

Nabalik lang ako sa realidad ng may kumatok sa pinto.

"Anak," si mama pala. Tumayo ako at nagsalita.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Nasa baba si Sehun. Gusto ka raw niya makausap." Pipihitin ko na sana ang doorknob ngunit napatigil ako ng sabihin ni mama yun sa akin. Biglang nagbago ang mood ko.

"Pakisabi pong umuwi na sya dahil hindi ko sya kakausapin." Sagot ko.

"Pero, kanina ka pa nya hinihintay. Hindi daw sya aalis hangga't hindi mo sya kinakausap. Ayaw mo ba talaga?" Ma, para saan pa? Para magsorry? Kahit magsorry sya, hindi nya maaalis agad yung mga hinanakit ko sa kanya.

Oo, gustong gusto ko makausap ng maayos si Sehun pero hindi pa ako handa.

"Ma.. please, paalisin mo na sya. Ayoko nga syang makausap eh." Sabi ko. Sumalampak ako sa kama at hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ni mama sa akin. Maya-maya rin ay nakarinig ako ng pagbukas ng gate. Sumilip ako ng bintana at nakita kong lumabas na si Sehun.

Sigh.

Ito ang gusto mo di ba? Wag mo syang pigilan, Baekhyun. Ikaw lang din ang masasaktan.

-

9:47 pm..

Nagising ako ng dahil sa lamig. Napatingin ako sa bintana ko na naiwan kong nakabukas. Umuulan pala.

Tumayo ako upang isara ito. Nagulat ako ng bigla kumidlat kaya napaupo ako sa sahig. Ayoko sa kidlat. Natatakot ako.

"Ma?" Sinubukan kong tawagin si mama pero alam kong hindi naman nya ako maririnig. Baka tulog na sya. Napayakap na lamang ako sa sarili ko at tumayo ng dahan-dahan. Pumunta muli ako sa bintana nang may mapansin akong nakaupo sa gilid ng gate namin sa labas.

"Sehun?" Oo si Sehun nga. Kilalang-kilala ko yun. Ano bang ginagawa nya dyan?! Hindi ba nya alam na umuulan?!

Muli na namang kumidlat kaya napatakip ako sa dalawa kong tenga. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko pa ba si Sehun. Hayaan ko na lang kaya sya dun? Tutal, may isip na naman yan eh. Kasalanan na nya kung bakit hindi pa rin sya umaalis dyan.

Napagpasyahan ko nang bumalik sa kama at matulog na lang ulit. Pero eto, namalayan ko na palang na dinadala ako ng sarili kong paa palabas ng kwarto. Kinuha ko yung raincoat ko at payong. Hindi kaya ng konsensya ko kung mamatay sa lamig yang bulol na yan.

Pagkalabas ko ay iniabot ko agad sa kanya yung payong.

"Oh. Kung pwede, tigilan mo na to? Hindi tatalab sakin yang pagpapaawa mo. Umuwi ka na." Sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin sa mukha nya.

Unti-unti syang tumingala sa akin. Imbes na tanggapin ang payong ay itinapon nya lang to sa gilid nya. Nabigla ako ng yakapin ako ni Sehun.

"B-Baekhyun..."

"Ano ba Sehun! Umayos ka nga!" Pinilit ko syang ilayo sa akin.

"P-Please wag... M-Mahal k-kita..." hirap na hirap syang magsalita pero pinilit nya pa ring sabihin iyon. Muntik na nga akong maniwala eh. Bakit ka ba ganyan Sehun?! Bakit ginugulo mo tong isip ko?!

Nagulat ako ng bigla na namang kumidlat ang langit kaya't napayakap ako kay Sehun. Pero tinanggal ko rin agad ito. Nagkatinginan kaming dalawa. Para akong maiiyak pero, pinipigilan ko lang. Naramdaman kong nanginginig si Sehun kaya't inalalayan ko sya.

"H-Halika na. Pumasok tayo." Yaya ko sa kanya.

Pumasok kami sa loob at kumuha agad ako ng tuwalya sa CR. Sarado na ang ilaw sa kusina namin pati sa ibang kwarto dahil tulog na si mama.

Inabot ko sa kanya yung tuwalya. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Sehun.." saway ko sa kanya. Binitawan nya naman ang kamay ko atsaka ako tumalikod. Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay hindi maiwasang tumulo ng luha ko.

Sehun.. Bakit kailangan mo kong pahirapan ng ganito??

Niyaya ko si Sehun sa itaas ng kwarto ko dahil nanginginig na sya sa lamig. Tutal, may heater naman ako dun.

"Eto, magpalit ka muna."sabi ko. Ibinigay ko sa kanya yung isang sando at pajama na sakto lang para sa kanya. Pumasok sya sa CR para magpalit at halatang halata sa kanya na nanghihina sya. Gustong gusto ko syang tulungan pero ayoko. Baka makalimutan kong break na pala kami.

Ilang minuto lang ay lumabas na rin sya. Nakatingin lang kami sa isa't-isa pero ako rin ang unang bumitaw.

"Ano..." sabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ang awkward.

"B..Baekhyun--" nagulat ako ng bumagsak si Sehun sa sahig. Napatayo ako at inalalayan sya.

"Oh gosh! Sehun, ang init mo!" Sabi ko ng hawakan ko ang braso nya. Pinilit ko syang alalayan papunta sa kama ko at inihiga sya. "Sinong tanga ba kasi ang nagsabi sayong magpaulan ka ha?!" Inis na tanong ko sa kanya.

Kahit nakapikit sya ay bigla syang ngumiti at nagsalita, "Itong isip ko. Itong tangang isip ko na nagawang sabihin na break na tayo. Ang tanga tanga ko kahit kailan, Baekyun." Tapos bigla syang tumawa ng mapait.

Hindi ko namalayang nakatitig lang pala ako sa kanya at pumatak na naman ang luha ko. "Sehun.. wag mo naman akong pahirapan ng ganito." Pakiusap ko.

"Hindi ka naman mahihirapan, Baek. Kung babalik ka lang sakin." Sabi nya.

Napaupo na lang ako sa kama at napatakip sa mukha. Oo, Sehun. Gustuhin ko mang balikan ka pero hindi ko kaya. Nasaktan ako eh. Nung sinabi mo sakin na "Mag break na lang tayo. Narealize kong hindi pala kita mahal." sobrang sakit. Parang ginawa mo lang akong rebound?

"Tama na.."

"Baek, wala na kami ni Luhan.."

Lalo akong napaiyak. Bakit ba ko umiiyak? Ano bang problema nitong mga pisting luha ko?!

"Matulog ka na, Sehun. Sana paggising ko, wala ka na dito." Sabi ko.

Humiga ako sa kama at naglagay ng unan sa gitna namin. Tumalikod ako sa kanya at ipinikit na ang mga mata ko. Ilang oras na ang lumipas, pero gising parin ang diwa ko. Gising pa ba si Sehun? Humarap ako sa kabilang side at tinanggal ang unan na nasa pagitan namin. Nakita ko si Sehun na mahimbing na natutulog at balot sa kumot. May luha pa sa kanyang mga pisngi kaya't pinunasan ko ito.

"Sehun, bakit ikaw pa? Ikaw pa na minahal ko ng sobra na sasaktan lang din pala ako?" Hindi ko maiwasang itanong. Lumapit ako at niyakap sya. Naramdaman ko ang paggalaw nya at niyakap ko pa sya ng mahigpit. Sana tumigil ang oras. Kahit na ngayon lang.

Ito na ang huli, Sehun.

-

My Turn to Cry (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon