"Hindi ko na kaya.."
Baekhyun, ilang beses mo na bang sinabi yan?
Nandito ako sa bahay nyo at kinocomfort ka. Kanina ka pa umiiyak. Gusto ko talagang awayin si Sehun ngayon. Gusto ko syang sapakin, murahin, bugbugin. Mukha syang patpat na tinubuan ng mukha. Sino sya sa inaakala nya para paiyakin ang taong tulad mo? Ikaw, na pinahalagahan ko ng halos ilang taon. Na halos isinantabi ko na ang sarili ko para sa kasiyahan mo. Sino sya para saktan ka? Sino sya para iwanan ka na lang ng parang basura matapos bumalik ng ex nya?
Lumapit ako sayo at niyakap ka. "Shhh.. hindi Baek, kaya mo pa. Alam kong hindi ka susuko, Baekhyun. Alam kong matapang na tao ka." Sabi ko sayo. "Nandito parin naman ako eh.."
"Yun nga ang akala ko eh. Hindi naman kasi ako naniniwala sa forever. Kaya alam kong darating sa puntong mangyayari to. Akala ko, kaya ko. Pero hindi pala. Sobrang sakit kasi eh."
"Hindi, Baek." Humiwalay ako sa pagkakayakap natin at humarap sayo. "May forever. Ikaw at ako. Forever tayo di ba?" Sabi ko. "Di ba, Baekhyun? Bestfriends forever tayo? Walang iwanan?" Dagdag ko pa. Pinilit mong ngumiti atsaka tumango.
"Salamat, Chanyeol." Sabi mo.
Salamat rin, Baekhyun. Salamat sa lahat ng sayang naidudulot mo dito sa puso ko. Kahit na inaamin kong minsan, nasasaktan na ko, okay lang. Ganyan kita kamahal.
-
"Sehun, magusap nga tayo ng maayos"
Martes ng umaga. Atat na atat akong sapakin ang mukha ng Sehun na to. Pero para sayo, hindi ko magawa. Gusto ko syang makausap. Yung maayos talaga.
Tumango lang sya at sinundan ako. Pumunta kami sa gym na tanging kami lang ang tao at umupo sa my bleachers.
"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, Sehun." Umpisa ko. "Minahal mo ba talaga si Baekhyun ha?" Tanong ko.
Ipinatong ni Sehun ang siko sa magkabilang tuhod at pinagdikit ang mga palad. "Oo naman." Walang alinlangang sagot nya. "Minahal ko thi Baekhyun."
"Pero bakit mo sya sinasaktan ng ganito? Bakit mas pinili mo pa si Luhan kesa sa kanya?" Tanong ko muli.
"Hindi ko alam." Tanging sagot nya. "Mahal ko naman talaga thi Baekhyun eh. Kaya lang nung nakita ko thi Luhan, para akong bumalik tha nakaraan. Hindi ko napigilan yung damdamin ko." Dagdag nya pa.
"Kaya iiwan mo nalang si Baekhyun basta basta?! Ganun ba yun ha?!" Napayukom ako ng kamao. Ayokong manakit. Kung pwede pipigilin ko ito.
"Naging komplikado kathi ang lahat, Chanyeol. Akala mo ba hindi ako nahihirapan ha?! Nathathaktan din naman ako eh."
"Kung nasasaktan ka, mas tripleng sakit ang nararamdaman nya. Sehun, hindi naman magiging komplikado to kung di mo binalikan ang ex mo. Ex mo na sya! Si Baekhyun, sya ang present mo! Sya ang mas dapat mong piliin!" Halos pasigaw ko nang sabi sa kanya.
"Naguguluhan na ko, Chanyeol." Sagot nya. "Si Luhan. Thimula ng dumating thiya noon, nabigyan ng kulay ang mundo ko. Pero nung biglaan thyang nawala, para akong nawathak. Hindi ko alam ng gagawin ko. Hanggang tha dumating si Baekhyun. Natuto akong ngumiti ulit. Natuto akong magmahal muli. Tapoth nung bumalik naman thi Luhan.." natigil sya. Ngayon ko lang napansin. Umiiyak ba sya? "Hindi ko talaga alam, Chanyeol." Yun ang huli nyang sinabi atsaka tumayo. Umalis na sya sa harapan ko. (Lol. Sorry dun sa mga 'eth' ni Sehunnie. Kasi, paninindigan ko talagang bulol sya sa kwentong ito. XD)
-
Recess time. Hinanap kita dahil nawawala ka. Natagpuan kita sa may malawak na soccer field at nakatingin lamang sa kalangitan. Kinuha ko ang dala kong sandwich para sayo. Alam kong, hindi ka pa kumakain.
"Isang ngiti naman dyan oh." Sabi ko at tinanggap mo ang alok kong pagkain. Pero hindi ka naman ngumiti. Iniwas mo lang ang tingin mo sakin. "Ang ganda mo parin, kahit nakasimangot ka." Sabi ko.
Lumingon ka. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong mo.
"Binabantayan ka."
Nagkaroon tayo ng sandaling katahimikan. Hindi ako sanay na tahimik ka. Hindi rin ako sanay na lagi kang malungkot.
"Mabuti ka pa," napatingin ako sayo na kasalukuyang nakatingin parin sa ulap habang kumakain. "Mabuti ka pa, wala kang problema." Sabi mo.
"Paano mo naman nasabi yan?" Napangisi ako. Kung alam mo lang, Baek. Problema ko din kya ngayon kung paano ko aayusin yang puso mo. "Kung anong problema mo, problema ko na rin. Pag masaya ka, masaya nako. At pag malungkot ka, mas lalo naman ako." Sabi ko.
"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng to, Chanyeol?" This time, napalingon ka na sakin. "Bakit pinipilit mo kong samahan sa problema ko? Hindi mo naman dapat na gawin to eh." Tanong mo.
"Kapag ba sinabi ko, may magbabago ba?" Syempre wala. Magkaibigan lang turing mo sa atin eh. "Mahal kasi kita.." napapikit ako ng mariin. Sa wakas, nasabi ko ang totoo.
"Alam ko," napadilat ako sa sinagot mo. "Alam ko, kasi magkaibigan tayo. Naiintindihan naman kit--" tinigil ko ang sinasabi mo gamit ang pagdikit ng labi ko sa labi mo.
Sandaling natigil ang oras. Halatang gulat na gulat ka.
"Baekhyun, hindi ko hinahalikan sa labi ang taong tinuturing ko lang na kaibigan, tandaan mo yan." Sabi ko matapos maghiwalay ang mga labi natin. "Hindi pa ba halata? Mahal kita. Higit pa sa bestfriend. Mahal kita. Mahal kita. Bakit lagi mong namimisunderstood yun sa tuwing sinasabi ko?"
Nanatili ka lang na nakatitig sa akin. Hinihintay ko ang sagot mo pero nagulat na lang ako ng bigla kang tumakbo paalis. Baekhyun naman eh!
-
BINABASA MO ANG
My Turn to Cry (ChanBaek FF)
RandomI'll take all of your tears... It's my turn to cry...