Kabanata 02

780 43 6
                                    






"Good morning."

Napatalon ako nang biglang may mag salita sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko at napanganga ako nang makita si Celestine. Napakurap-kurap pa ako dahil baka guni-guni ko lang pala ito pero hindi! Totoo talaga siya at kinakausap niya ako!

Pero lumingon pa ako sa kabilang gilid ko para makasiguradong ako nga talaga ang sinasabihan niya ng good morning. Nakarinig naman ako ng mahinhing tawa kaya muli akong napatingin sa kanya.

Nakangiti ito habang nasa labi ang isang kamay. What the, ang ganda niya! Shit lang! "I'm talking to you, sweetheart."

Para akong may naramdaman na kung ano sa tiyan ko nung tawagin niya akong sweetheart. Sweetheart?! Sweetheart daw, o! "Ah. Hehe," tanging tugon ko.

Kung anong ikinalma ko sa labas ay siya naman pag wawala ng kalooban ko. Pero syempre, kailangang hindi ipakita dahil mag mumukha akong tanga at baliw.

Bigla naman naalala kong hindi ko pa pala siya nababati pabalik. "G-Good morning din," ani ko saka nag-aalinlangang ngumiti.

Binaba na niya ang kamay at sumandal ng ayos sa may locker. Bumalik na rin ako sa pag kuha ng mga kakailanganin kong libro. Naiilang naman ako sa paraan ng pag titig niya sa akin. Pag katapos kong makuha lahat at mailagay sa bag ko ay sinarado ko na ang locker ko pero medyo nahirapan ako kasi nasa taas ang sa akin. Hindi naman kasi ako ganun katangkaran. Nasa five-three lang ako.

"Let me," nanigas bigla ang katawan ko nung naramdaman ko sa likod si Celestine at para akong nakuryente nang hawakan niya ang kamay ko.

"C-Celeste.." sabi ko sa mababang boses.

Dahan-dahan niyang kinuha ang padlock at susi sa akin, at siya na ang nag kandado ng locker ko. Pigil-hininga ako nung bumaba ang mga kamay niya at napasinghap naman ako nung pumalibot ang mga braso niya sa akin.

"You smell so delicious, my love."

Nanlaki ang mga mata ko nang mag-iba ang boses ni Celestine. Dagli kong kinalas ang kanyang mga braso at umikot paharap sa kanya. Nagulat ako ng makitang si Celestine pa rin ito pero mas nanaig ang pag tataka sa akin. E, kaninong boses 'yon?

"Hey.." tumingala ako kay campus crush. "Are you.. okay?" Tanong niya at nababasa ko ang pag aalinlangan sa mata niya.

Wala sa sariling tumango ako. "I-Iyong boses mo.."

Lumayo siya sa akin at bumuntong-hininga. Parang doon lang ako bumalik sa wisyo. Luminga-linga ako sa paligid at napangiwi dahil kanina pa pala may nanonood sa amin. Ang sasama ng kanilang tingin. Para akong kakainin ng buhay. Dumako na lang ang tingin ko sa babaing nasa harap ko.

Muling bumuntong-hininga si Celestine. "Never mind that. Let's go, hatid na kita sa room mo." Hinawakan niya ako sa kamay ko na ikinagulat ko.

"Te-Teka lang!" Pag pigil ko sa kanya at pilit kinukuha ang kamay pero hinigpitan niya ang pag kakahawak. "B-Bakit kailangan mo 'kong i-ihatid?" Pahina ng pahina ang boses na tanong ko.

"Why? Masama bang ihatid ka?" Nakangiting tanong niya.

Oo, masama! Iyan sana ang gusto kong isagot. Hindi ko alam kung nag bubulag-bulagan ba siya o sadyang hindi niya talaga nakikitang maraming nakatingin sa amin. Ang sasama ng pinupukol nilang tingin sa akin, e.

When They Rejected Me (Polyamory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon