chapter1

264 5 0
                                    

" hoy Margaux Ayessa Fortalejo! nakikinig ka ba sa akin?"

"huh? ano nga ulit yung sinasabi mo?"

napailing nalang si mitch " saan lupalop ka nanaman dinala ng pag mumuni mo ha?"

tumawa ako ng bahagya

"ano ka ba!maybigla lang akong naisip no! ano nga ba yung sinasabi mo?"

"sus! ang sabihin mo naiisip mo na naman SIYA! " -wow ha?! hindi naman niya inemphasize yung "siya" diba?

" hindi kaya!"

"at ako pa talaga ang niloko mo ha AYESSA?" AT namaywang si Mitch

sabi ko nga eh. nasabi ko na ba na bestfriend ko ang bruha-este ang magandang dilag na yan?pwes ngayon.alam nyo na.. ampupu talaga nitong si Mitch! di parin pumapalya ang radar nito lalo na pagdating sa akin! naman o!!

"ano na nga yng sinasabi mo kanina? at sa kaalaman mo po. Dra. Mitch may pasyente pa pong naghihintay sa labas"

ngumuso ito"tss..  oo na! may homecoming po sa sabado at LAHAT ay dadalo. kaya kailangang MONG pumunta ok?!" at tumayo na ito

bat feeling ko may diin ang "lahat" sa pagkakasabi niya? pwde namang hindi diba? at kailangan ba talagang lahat? hindi naman ako kawalan diba?

akmang bubuksan na nito ang pinto ng lumingon ulit ito

"at wag na wag kang mag-iisip ng dahilan para hindi ka madalo ok?! chineck ko na sa secretary mo ang sked mo at nagpaalam na ako kina tito at tita. kita nalang tayo sa sat.' ngumisi ito

at tuluyan nang lumabas

naiwan akong umiiling nalang. ano pa nga bang magagawa ko?hay.. bakit hindi ko ba naisip yun? hindi parin talaga nagbabago si Mitch,gagawin at ggawin niya pa rin ang lahat npara mapilit niya ang gusto niya.

"Dra.?" pukaw ng kapapasok nasecretary ko 

"ano yun Ava?"

"andyan na po yung susunod na pasyente" imporma nito

"sige. papsukin mo na. may tumawag ba ngayon Ava?"

"wla naman po Dra. sige po papapasukin ko na siya" at lumabas na ito

napasandal nalang ako sa upuan ,habang minamasahe ang sintido, hay..kumusta na kaya sila mommy doon? kumusta na kaya si Brooke?

Mitch POV

lumabas na ako sa clinic ni Ayie. hindi ko parin mapigiling ngumiti sa tuwing maaalala ko ang reaksyon niya ! hahaha! grabeh! sarap talagang tingnan.. alam nyo yung parang nakakita sya ng multo na parang natatae sya?!hahahahaha,,

at alam ko  atalagang mag-iisip na naman ito ng dahilan para hindi makadalo kayat inunahan ko na siya. chineck ko na ang schedule sa secretary nya at ipinagpaalam ko na sya sa parents nya para wala na syang maisip na maidadahilan. galing ko no?!

*evil smile*

ang gusto ko lang namang maging masaya siya. oo nga at nakikita ko siyang tumawa,sa tuwing kasama niya ako, sina tito at tita,mga kakilala at syempre kay TJ. alam ko sa kalooblooban nito ay may kulang.. 

ang gusto ko lang mangyari para kay Ayie ay matuto siyang harapin ang nakaraan niya

para sa kanyang ikatatahimik..

~ yay! ok lang po ba? hihihi.. comment po.

Im Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon