Chapter 4

24 2 0
                                    

Saan nag kulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama, pero hanap mo siya

Bermonths na, but Alora and I still don't get along and it seems like never again. She's happy naman, nakikita ko sa kaniya. While Seb? We're still bestfriends, busy lang siguro siya. Hindi na din kami madalas magkasama o mag-usap. So wala na talaga akong masyadong balita sa buhay niya. Si Gracie, hindi na din kami nag-uusap pero mukhang okay naman siya dahil nakikita ko naman sa mga social media accounts niya. As long as my friends are okay, I will be okay.

I was walking in the hallway, I'm alone. Pupunta sana akong canteen ng biglang may tumawag sa akin.

"Ami." 

lumingon ako at nakita ko si Seb, nakatayo sa may dulo ng hallway. 

"Anong nangyari sa inyo ni Alora? Okay ka lang ba?" 

I just smiled at him, but I was suprised when he immediately hugged me. I felt safe in his arms. 

"You can cry Ami, you can." he said as he stroked my hair

And I cried. I cried really hard, yung tipong sa loob ng ilang buwan na pinakita kong okay ako ngayon ko lang nailabas lahat ng luha na matagal kong pinigilan. 

"If you still can't tell me what happened Ami it's okay. Ang sa akin lang Ami, why didn't you tell me you had problems? Makikinig naman ako eh."

Now, I felt guilty not telling Seb about this but on the other hand, I just don't want him to bother with my problem either because I can see he is happy. I don't to ruined that.

"Sorry, I just don't want to bother you. But I'm fine, I'm perfectly fine na Seb. You can let me go." at binitawan nga agad ako ni Seb at mukhang gulat pa.

"Oh bakit parang nagulat ka? May nasabi ba ako?" I want to laugh at Seb's face right now.

"No, wala naman." he said habang nakahawak sa batok niya.

He's really cute. 

"Ami, if kailangan mo ng kausap please let me know. I don't you to suffer alone kaya bestfriend mo ako diba. Ang mali ko naman hindi kita kinukumusta." 

"No it's fine. I can handle my own problems Seb. Kasi alam kong hindi sa lahat ng oras may taong nandiyan para sa akin." I smiled para ma-convince ko siyang okay na ako.

"It's not Ami. Bakit ba napakakulit mo." He ruffled my hair pero bigla ko siyang sinuntok.

"Hoy! Bakit mo ako sinuntok!" mukhang pikon si Seb habang hawak niya yung braso niya.

"Wala naman namiss ko lang na suntukin kita" 

We laughed. I really miss this.

"Tara?" 

"Saan?"

"Tapsi."

He did not wait for me to answer, he grabbed my arm and we run.

I looked at my bestfriend and I thought I need to let my feelings go. Pero mahirap at paano? Everytime na sinasabi kong I will my feelings go, saka naman siya magpaparamdam. 

Bhie ayaw niya yata akong pakawalan yung feelings ko. Nakakagago naman.

I looked at his hands and I mentally tell myself na, his hands is not for me, may ibang taong hawak na siya. Hindi ako iyon.

We have arrived sa Tapsi,  Seb told me na siya nalang oorder for us so I searched for vacant seat for two.

While I was waiting for him, may nagnotif sa phone ko so I looked kung sino.

Oh shit.

It's Alora.

I was nervous to open the message. My hands are trembling.

From: ALOveRA

Hey Ami, Can we talk? Kailan ka available?

I was just staring at my phone not knowing na nakabalik na si Seb.

"Ami okay ka lang? Bakit tulala ka jan sa phone mo?" 

"I'm okay"

"Seb"

I looked at Seb and he did too.

"Is there something wrong?"

"Wala naman pero si Alora nag message sa akin"

"And?"

"She said she wanted to talk to me and asking kung kailan ako available. I don't know kung anong irereply ko help me Seb!"

"Okay lang ba sayo na magusap kayo?"

"Oo, I mean bakit hindi? Ang tagal ko ng gustong makausap siya Seb."

"So sabihin mo okay then kung kailan ka available. That's it!"

To ALOveRa:

Yes sure, Pwede ako bukas. Saturday naman. Saan mo gustong mag-meet?"

After a few seconds she replied.

From ALOveRa:

Kahit sa mall nalang malapit sa inyo. Let's eat lunch nalang din. Okay lang ba?"

To ALOveRa:

Okay sige, Oo naman haha. See you.

From ALOveRa:

Thank you Ami. See you.

Dumating na yung order namin, alam agad ni Seb yung ioorder niya sa akin. 

"Alam mo Ami, I miss Gracie. Sobrang miss ko na siya iba pa rin kasi yung sa personal mo kasama, kausap saka nakikita."

I just smiled, sa buong pagkukwento niya kung gaano niya nami-miss si Gracie ngumingiti lang ako. Hinahayaan ko lang siyang magkuwento.

Bakit naman ganito?

Ako yung kasama, iba pa rin hanap niya.


----

-A


Maybe Yours, Maybe Not (COMPLETE)Where stories live. Discover now