Chapter Twenty-Five

1.9K 84 3
                                    

Chiannaya's POV

NAALIMPUNGATAN ako ng gising nang makarinig ng ingay sa baba.

Nilingon ko si hubby na mahimbing na natutulog at nakayakap sa bewang ko. Napangiti ako at marahang kinurot ang pisngi nito at inalis ang kamay niya.

Tumayo ako at naginat-inat habang naglalakad papunta sa pintuan.

Nang makalabas ay parang nabingi ako sa sobrang tahimik ng paligid.

Pero kanina lng ay may narinig akong ingay a? Wahhh may mumu?!

Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko habang pababa ng hagdan.

"Hala." mahina kong saad ng makarinig ng mahihinang yapak.

Dahan-dahan akong nagtugo sa kusina at uminom. Nang makainom ay mahinang sinundanko kung saan yun nangagaling at doon nadatnan kong may nakaupo sa sofa sa sala.

Pinaliit ko ang mata ko upang maaninag kung sino iyon at napangiti ako ng makilala iyon. Dahan-dahan akong naglakad sa likuran niya ng walang ginagawang ingay.

"Boo.." pabulong kong gulat dito at bigla niyang nabitawan ang hawak niya at akmang titili ng takpan ko ang bibig niya.

Nanginginig naman niyang inalis ang kamay ko kaya natawa ako at binuksan ang ilaw sa sala.

"Chiannaya?" Pasinghap na saad niya habang nakahawak sa dibdib.

"Ako nga hehe, anong ginagawa mo rito?" Saad ko sa kanya.

Nakahinga naman ito ng maluwag at pagod na sumandal sa sofa.

"You scared me!" Mahinang asik niya sa akin at umirap.

"Sorry gabriella, nagtataka lang ako dahil nandito ka. Ang aga pa ah?" Tanong ko rito.

Nadako ang tingin ko sa baba at nakita ko yung isang bagay na nakakalat sa baba. Yun siguro ang naibagsak ni gabriella kanina.

Sa una ay hindi ko pa matukoy kung ano yun pero nang makalapit ako ay nanlaki ang mata ko at agad na dinampot iyon.

Busy parin si gabriella sa pagkakalma sa sarili niya, hehe masyado ko ata siyang natakot? Kung may sakit lang ito sa puso baka deads na ito diba?

Lumapit ako at pabagsak na umupo sa tabi ni gabriella dahilan para mapalingon siya sa'kin.

Napatingin siya sa hawak ko at biglang nanlaki ang mata niya at nataranta.

Tumikhim ako, "Bakit nasa iyo 'to? Pumasok ka ng kwarto namin ni hubby? Bakit mo to kinuha? Titignan mo?" Sunod-sunod na tanong ko.

Napakurap siya maya-maya ay umirap, "Dami mong questions, isa-isa lang! First yes, i sneak in your room and find something that'll help me confirm my hunch and there i see that photo album." Tinuro niya itong photo album na hawak ko. Ito yung binigay ni mama.

"Eh?" Tanong ko.

"I'll tell you later, for now come with me....it is not safe here." Saad niya at nanguna hindi ko na narinig yung sinabi niya sa huli.

Nakangusong sumunod naman ako sa kanya papasok ng sasakyan habang yakap-yakap itong photo album.

Tahimik lang kami sa byahe, inaantok pa talaga ako pinipilit ko lang magmulat.

"Let's go." saad niya at tinigil ang sasakyan saka nangunang lumabas.

"Woah.." naiusal ko ng makita ko kung ga'ano kaganda ang bahay. Bungalow lang ang style nang bahay pero talagang napakaganda talaga!

A contract with Ms. ChildishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon